Mabilis lumipas ang mga araw at linggo. At kahit papano ay madamidami na din akung alam tungkol sa GOT7.And speaking of GOT7 minsan nalang namin sila nakikita dahil subrang busy nila dahil nag comeback sila. Doon ko na lubos na naunawaan kung ano yung comeback na sinasabi nila. New hair color, new songs, new album at yun lahat ng kanta ng karamihan dito sa school na kahit nag daan ang hell week of first exam of the sem ay ganun pa din ang lahat.
Nasa room kami ngayun nina Krisha and Chiena at naghihintay sa prof namin. Subrang ingay talaga ng room pag walang prof. Kung ano ano nalang ang pinag uusapan patungkol sa GOT7. Akala ko dito lang sila sa school sikat hindi pala. Sa buong mundo din pala. Ako na kasi yung taong walang pake or sabihin na nating di inaalam kung ano ang nangyayari sa kapaligiran. Bahay, school, training center lang kasi yung tungo ko noon.
Paglabas ko ng bahay ay diretso na ako sa school. No permanent friends kasi kung saan madedistino si daddy ay doon din kami. After school naman ay training center naman for self defence dahil gusto ni daddy na mapagtanggol namin ang mga sarili namin kapag wala sya. And lastly uuwi ng bahay kakain saglit then matutulog dahil sa subrang pagud. Wala ako masyadong oras manood ng tv o mag internet. Kung makakapag internet man for studies lang. My social account ako pero puro relatives ko lang naman andun kaya saglit lang din pag open ko. Hanggang sa ito, pumayag na si daddy na mag stop na ako kakatraining at pumayag naman sya maliban sa kapatod ko.
"It's our free time! Wala si prof nirayuma di daw makakaakyat! "
Biglang sigaw ng isang kaklase namin na ikinasaya naman ng iba. Di makaakyat ng hagdan? May elevator naman ah. Sabihin nyo tinamad nanaman. Kahit kailan talagang prof na yun. Nagsilabasan na yung mga kaklase at naiwan kaming tatlo sa loob ng room na biglang tumahimik.
"So, where are we going? Too early to go home eh"
Tanong ni Chiena sa amin ni Krisha. Napaisip naman ako kung saan pwede? Ayoko pa din kasing umowi ng maaga dahil alam kung kukulitin lang ako ng kukulitin ng kapatid ko tungkol sa 7. Nalaman kasi nyang same school kami at medjo nakakausap ko yung pito. Idol na idol nya kasi ang GOT7 noon pa daw di ko lang napapansin.
"Mall tayo.. May bibilhin ako"
Nakangiting suhestyon ni Krisha na parang kung may anong meron sa mall na nagpapaningning ng mga mata nya. Tining naman sya ni Chiena na parang alam na nya kung anong bibilhin ni Krisha. Kahit naman kasi ako natutunugan ko na kung ano ang bibilhin o sino ang bibilhan ni Krisha.
Alam nyo yung ilang taon din silang away bati pero biglang one day nabago ang pananaw ng girl sa guy at bigla nalang gustong mapalapit panlalo ng girl? Di ko din talaga gets minsan tung si Krisha eh.
"Look oh! He wears it... So it means pwe--"
"Stop it Krisha please! Alam mo kung---"
"Handa akung sumugal Chiena... Noon ko pa sya gusto alam mo yan... Natakot lang ako noon sa nangyari pero bakit nga naman ako matatakut kung alam ko namang na hindi tayo pare pareho ng---"
"Bahala ka! Pag nasaktan ka wag mo kaming sisisihin ha? "
Sabay talikud ni Chiena samin ni Krisha. Nag kipit balikat lang ako at sumunod na din kami ni Krisha. Ramdam ko naman kasi kung ano ang gustong iparating ni Krisha eh. Alam ko naman kasi na itung nararamdaman ko para sa isang tao ay hindi na paghanga lang. Halos lahat alam ko na patungkol sa kanya. Nagiging stalker na nya ako at subrang nalulungkot ako kapag hindi ko sya nakikita. At halos laman ng gallary ko sa phone ay pictures nya. I even have his number pero never ko pang na text or na tawagan. Nahihiya kasi ako eh.