Devon
"Here, just sit here"
Inimuwestra ako ni Mark sa isang upoan medjo malapit sa stage. Andito kami ngayun sa studio ng voice club. Si Krissha nasa stage at nag papractice kasama ang iba pang taga club voice. Habang si Chiena naman ay nasa arts club.
Simula nung dinala ako ni Mark sa roof top ng hospital which is 3 days na nangyari ay halos magkasama na kami palagi. Hindi ko alam kung pano pero palagi na kaming magkasama. Tulad ngayun. Nasa library ako nag babasa para pamatay oras sa paghihintay sa dalawa kung kaibigan ng bigla syang sumulpot at hinila ako papunta dito. Hindi din naman ako nakapalag dahil binitbit nya lahat ng gamit ko. Phone ko lang nga ata ang bitbit ko eh. Books ang bag sya na.
"Noona! May dala kang cup cake? "
Bati sakin ni Yugyeom kasunod si BamBam at Yungjae.
"Oo nga! Your getteng better noona! Ang sarap na nung huling cup cake na ginawa mo"
Sang ayun naman ni Youngjae na umupo din sa tabi ko. Binigyan ko naman sila ng pagdududang tingin. Yung cup cake na ginawa ko masarap? Tsk! Pinatitripan nanaman ako ng mga ito eh. Gusto lang kumain ulit.
"Yun nga lang isa-isa lang yung binigay ni Mark hyung tapos tinago na yung iba"
Nakangusong sabi naman ni Yugyeom na nasa may likud ko. Sasagut sana ako sa tatlo pero tinawag na sila ni JB. Kaya nanahimik nalang ako at nanood sa kanila.
Kinuha ni Mark yung ibang cup cakes? Bakit naman nya gagawin yun? Eh dun sa tatlo ko pinbigay yung cup cakes. O baka niluluko nanaman ako nung tatlo? Minsan na kasi nilang sinabi na "alam mo noona ikaw yung gusto naming maging girl friend ni Mark hyung" na bulunan pa nga ako nun eh. Iba talaga utak ng tatlong ito pag nilibre mo ng pagkain.
"Hey! Lumabag ka ata sa pinagbabawal ng friend mo ah? "
It was Jinyoung na umupo sa harap ng right side chair at nakarap sa stage. Ngayun lang ulit kami nag kausap at nag kalapit ng ganito mula nung sinabi ni Krissha na busted na sya sa lalaki.
"May humila eh"
Tanging sagut ko at tumango lang sya. Nakaharap sa stage at may tinititigan. Mga lalaki nga naman. Halatang may gusto na sa babaeng may gusto sa kanila nag dideny pa. Kaya ito ngayun nakatitig nalang mula sa malayo.
"Is she really okay? "
Biglang tanong ni Jinyoung sakin na ikinagulat ko. Hindi naman kasi sya nakikipag isap sakin tungkol sa kahit na ano. Inaasar lang naman ako nito kaya away bati kami minsan pag nagkakasalubong.
"As I can see.. Hindi.. Cover up nya lang yan kasi jan sya mas kilala. Kalmado at masiyahin. Pero pag kami kami lang? Halata ang subrang lungkot nya. "
"Sorry... "
Yun lang at umalis na sya. Hindi ko alam king para saan yung sorry nya. Para ba yun kay Krissha? Eh bakit naman sya mag sosorry kung sya mismo umayaw sa kaibigan ko? Hirap talaga kumilala sa taong di mo maintindihan minsan.
30 minutes had passed ng tumabi si Mark sakin. Hindi ako kumibo masyado. Ngumiti lang ako sa kanya nung tumabi sya. Nahihiya pa din kasi ako sa kanya eh. And hindi ko alam kung anong itsura ko ngayun. Di na ako nakapag ayus. Di ko naman kasi alam na hahanapin nya ako at hihilahin papunta dito.
"Bakit kaya ang tahimik ninyo pag ako ang kasama? Boring ba talaga ako kasama? "
Biglang tanong nya sakin. Sa front sya unang nakatingin then sakin. Ngumuso pa. Gusto kung kiligin at mangisay sa kinauupoan ko dahil ang cute cute nya tingnan. Pero pinigil ko yun hanggat sa nakakaya ko. Ano bang gagawin ko sa lalaking ito? Bakit ang gwapo gwapo?
