Chapter 40

78 1 0
                                        

"You did what!? "

Sabay na napasigaw sina Cheena, Krisha at Devon sa rebilasyon ni Jimin. Pareho silang tatlong na bigla at di makapaniwala. Hindi nila lubos maisip na umabot sa ganito si Jimin.

"And your not telling us na may kinikita ka ng babae? "

Inis na singhal ni Krisha.

"Sasabihin ko naman sa inyo eh.. Kaso di ko alam kung pano... Lalo na... "

"Di alam Jimin!? Eh kami ngang tatlo lahat sinasabi sayo kasi we promised na no lies and no secrets diba!? Tapos malalaman namin na nakabuntis ka ng minurde edad!? Dyosko Jimin!! Talagang mabubugbug kita kung kapatid ko ang babaeng yun! "

Galit na galit na putol ni Cheena kay Jimin. Habang si Devon naman ay palakad lakad nalang sa loob ng kanyang opisina at nag pipigil ng galit. Hindi nya alam kung maaawa o magagalit sya sa kaibigan.

"Papanagutan ko naman si Sonmi eh.. Mahal ko sya kahit galit ang buong pamilya nya sakin.. "

Pangangatwiran ni Jimin sa tatlo. Handa naman talaga syang panagutan ang babae kahit pa nahahalata nyang pinagkakaperahan lang sya nito. Lalo na ngayun at na buntis nya ang dalaga alam na alam nyang mas dadami pa ang rason ng dalaga para humingi ng pera sa kanya. At iyun ang hindi nya sasabihin sa mga kaibigan. Dahil ayaw nyang maging masama ang tingin ng mga ito sa babaeng minamahal. Tanga na kung tanga pero mahal nya talaga ang dalaga.

"Min, alam mo naman na hindi basta basta ang maging dalagang ina.. Lalo na't wala pa sa hustong gulang. Kita mo naman si Ylona diba? "

Parang naiiyak na saad ni Devon. Napayuko naman si Jimin bago nag salita.

"Alam ko.. Kaya nga pananagutan ko diba? Hindi lang dahil na buntis ko sya kundi dahil mahal na mahal ko sya... Nauunawaan nyo naman ako diba? Nagmamahal din kayo.. Lahat gagawin nyo para sa taing mahal nyo.. "

Malungkot na sagut ni Jimin sa tatlo. Alam nyang nauunawaan sumya ng mga kaibigan. Galit lang ang mga ito dahil hindi nya ito sinabi agad at dahil sa pagbugbug ng mga kapatid ni Sonmi sa kanya.

"Naiintindihan naman namin yun babe eh.. Ang nakakainis at nakakagalit lang ay ang ginawa nila sayo.. Hindi makatarungan! Buti sana kung tatakasan mo yung girlfriend mo! "

Umiiyak na lumapit si Krisha kay Jimin at niyakap ito. Sa tuwing may problema silang tatlo, palaging handa si Jimin na tulungan sila. Kahit pa may sariling problema ito ay inuuna pa din sila ng binata. Kaya oras na para sila namang ang tumulong dito.

"Alam na ba ni tita lahat ng ito? Lalo na yang mga sugat at pasa mo? "

Tanong ni Devonna ngayun ay medjo nahimasmsan na ang panginginig dahil sa galit habang ginagamot ang mga sugat at pasa ni Jimin kanina habang hinihintay na dumating ang dalawang kaibigan.

"No.. They went back to Cebu the other day.. And please don't tell her what happend.. Ako na kakausap sa kanya.. "

Hiling ni Jimin sa tatlo.

"Let's go.. Puntahan natin ang girlfriend mo.. Kakausapin namin sya.. "

Gustong mag protesta ni Jimin at pigilan sina Cheena sa sinabi nito pero hindi na sya nakapagsalita dahil pinanlisikan na sya ng mata nga mga kaibigan.

"Ylona.. Pag dumating ang mga kuya mo sabihin mong maghintay sa office ng ate mo dahil may pupuntahan muna kami.. "

Imporma ni Cheena kay Ylona na nasa counter ng shop ni Devon. Tumango bilang sagut si Ylona at hindi na nag tanong pa. Sa itsura palang kasi ng tatlong ate nya ay naka bugahan sya ng apoy pag nangulit pa sya.

My Celebrity HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon