Chapter 32

65 1 0
                                        

Devon

"I mo-move daw ang date ng exam.. Imbes next 2 weeks.. Magiging next next next next year na... "

Napapailing nalang ako sa mga sinasabi ni Krissha at Cheena. Na sabi ko na kasi ang plano kung umowi ng Cebu after exam. Pero ang GOT7 ay hindi pa alam. Pinag iisipan ko pa kung sasabihin ko ba sa kanila o hayaan nalang si Mark ang kumausap sa kanila pagkatapos naming mag usap.

I made up my mind na kakausapin ko ng masinsinan si Mark bago ako umalis. Mag papaalam ng maayus ay tatapusin ng maayus ang relasyon namin. Hindi ko alam kung anong magiging epekto nito sa amin pero naisip ko na para din ito sa amin.

Madami pang issues si Mark. At ang mga issues na iyun ay pagud na akung intindihin at di ko na maintindihan. Kaya ipapahinga ko na muna ang puso ko. Kung kami talaga. Kami talaga. Kung hindi, naliliwala ako na may ibang plano para sa amin ang Panginoon. Maybe mag co-concentrate nalang muna ako sa pag aaral ko at mag iisip ng magiging future business ko. Ng sa gayun ay maging proud ako sa sarili ko.

"Diba okay na tayo sa topic na yan? "

Sabi ko at tiningnan silang dalawa. Andito kami ngayun sa voice club. May meeting kasi sila Krissha para sa bagong mga members. At speaking for the new members ang pinsan ni Jinyoung na si Kino ay nakapasok dahil magaling din itong kumanta. Sumasayaw pa nga din daw, pero ang pagkanta lang daw ang gusto ni Kino.

Umirap lang si Cheena sakin. Pinagtatarayan nanaman ako. Ayaw nila talagang umalis ako pero alam kung naiintindihan nila ako. Pwede din naman silang dumalaw palagi sa akin eh. Yayaman kaya nila. Pwede ding hingan ni Cheena ng pangticket si Jackson dahil subra subra na ata ang pera nun.

"Hindi ba talaga nag tanong si tito kung bakit biglaan ang pag uwi mo? "

"Hindi Krish.. Sinabi ko lang na miss na miss ko na sila.. Na hindi ko pala kayang malayo sa kanila ng matagal.. Naniwala naman seguro si daddy sa reason ko? "

Well, hindi ako sure. Masyado akung kilala ni daddy. Ang I know alam seguro nila ang mga nangyayari. Updated kaya ang kapatid ko sa buhay buhay ng idols nya. I'm sure pati ang laboan namin ni Mark ay alam nya. Hindi nya nga lang pinapaalam sakin kung anong alam nya. Himala nga at di nang iintriga.

"Di yun naniniwala.. Si tito pa.. Dito ka nalang kasi.. Tama naman si Jimin eh.. Pwede mong gawin lahat ng yan dito.. "

Napahinga nalang ako ng malalim at hindi na sinagut si Cheena. Alam na naman nya ang sagut ko dito eh. Napag usapan na namin ito.

Ilang minuto lang ay dumating na ang GOT7. Ngumiti ako sa maknae's na agad na tumabi sa akin. Okay naman kasi ako sa kanila kaya nagkakausap pa din kami gaya ng dati ay nagkakakulitan.

Hindi ko pinansin o tiningnan si Mark kung saan kasama si Sue at ang kapatid nitung si Yu One. Naalala ko after exam din pala uuwi dito ang parents ni Mark at kinabukasan ng exam ay nagpahanda ng maliit na party ni Mark para pang welcome sa mga ito. Meet the parents? Baka sa panaginip ko nalang iyun.

"Tara Krissh simulan na natin ang meeting.. May schedule pa kasi kami after dito.. "

Aya ni JB kay Krissha. Sumang ayun naman ang huli at nag punta na sila sa may stage na lahat kasama si Mark. Habang ako, Cheena, Sue at si Yu One ang natira sa kung saan kami naka upo.

Sa gilid ng aking mata nakikinita kung nakatitig si Yu One sakin. Feeling ko may gusto sya sabihin pero hindi nya magawa dahil may iba kaming kasama. Ano kaya ang sasabihin nya? Aawayin nya ba ako dahil naabutan nyang nagkakasagutan kami ni Sue? Bakit si Sue nalang palaging inaalala nila? Sabi naman ni Mark kahit papano nakukwento nya ako sa pamilya nya. Hindi naman seguro negative ang mga pinagsasabi ni Mark sa kanila para hindi nila ako isipin na girlfriend ni Mark. Na mahal na mahal ko si Mark. Na aalagaan at iintindihin ko si Mark. Pero wala eh. Ang hirap kalabanin ang chilhood friend/sweet heart.

My Celebrity HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon