Chapter 35

136 3 1
                                        

Devon

Hindi na talaga mapipigilan ang pag sikat nila. Kahit saan ako tumingin mga pictures nila ang nakikita ko. Endorsers ng damit, gadget, sapatos, beauty  face mask, pagkain o snack kahit soft drink makikita mo ang pictures nila. Ganun seguro yata? Kung gusto mo ang ginagawa mo, kung passion mo ito at mahal mo ang trabaho mo lalo na ang fans mo aangat ka talaga kahit anong pagsubok na dumaan. Nakakagalak sa puso dahil nakilala at kilala ko ang mga taong ito at naging mabuting mga kaibigan.

"Ano Devs? May kulang pa ba sa dadalhin nyo? "

Tanong ni Cheena. Sinamahan nila ako dito sa mall para mag grocery ng mga dadalhin namin ni Mark bukas after exam. Kaunti lang ang pinamili ko dahil dalawa lang naman kami at isang gabi lang doon. Snack at pang dinner lang at kaunting pang breakfast na din kinaumagahan.

"Okay na seguro yan.. Wala naman ng binilin si Mark.. Nanjan na lahat.. "

Pumila na kami sa counter. Habang naghihintay ay napapaisip ako sa mga sasabihin ko sa kanya. Pano ko sasabihin na hindi sya masasaktan? Pwede bang mangyari yun? Na hindi ko sya masaktan? Kahit ako nga iniisio ko palang ay nasasaktan na ako sya pa kaya?

Napalingon ako sa malalim na pag hinga ni Krissha sa tabi ko. Hawak hawak nya ang phone nya. May katext ata sya kanina pa .

"May problema? "

Tanong ko sa kanya. Naalala ko hindi lang pala love life ko ang magulo. Pati din pala kay Krissha na dalawang lalaki na ngayun ang pinoproblema. Si Cheena lang ata ang tapos na sa mga pagsubok sa love life saming tatlo eh. Relax na relax at masaya pa. Buti pa sya. Sana kami rin malagpasan ang lahat ng ito.

"Si Kino at Jinyoung nag text.. "

"And? "

"Kino asked me out and I said yes to him.. You know we're new friends.. Mabait sya sakin.. And Jinyoung is so mad.. Bakit daw ako sasama kay Kino? "

"Pano nalaman ni Jin na may lakad kayo ni Kino? Kahit naman magkaaway yung dalawa hindi naman seguro ipapaalam ni Kino iyun kay Jin diba? "

Singit ni Cheena sa usapan namin. Tumango naman ako bilang pag sang ayun.

"I told him.. Unang text nya kasi sinabi nyang mag didinner out daw kami.. Kaya sinabi kung naunang umaya si Kino.. And ayun na nga... "

"He asked you out? As in out? Sa labas? Kakain sa labas? You mean ready ka na nyang ipaglaban sa lahat? "

Di makapaniwalang tanong ni Cheena. Maski ako ay na gulat din. Oo kumakain sila sa labas at kita ng mga tao pero palaging kasama ang grupo. Never na silang dalawa lang dahil na din sa issue's sa buhay at pamilya ni Jinyoung.

"Hindi naman seguro... "

"Anong hindi? Loka ka ba!? Ito ang unang pag aaya ni Jinyoung sayo limabas na kayung dalawa lang sa madla. Sa mata ng lahat.. Tapos sasabihin mong hindi... "

Hindi ko na narinig mga sinasabi ni Cheena dahil lumayo sa kanilang dalawa dahil tumatawag si JB sa phone ko. Hindi ko alam kung anong sadya nya o baka mag susumbong lang ito sa kakulitan nanaman ng tatlo.

"Hello JB.. Ano nanaman pinaggagawa ng tatlo? "

Bungad ko pero na tigilan ako ng makilala ko ang boses sa kabilang linya.

"It's me baby... I barrowed JB's phone to call you... "

"Mark, bakit? Asan ba ang phone mo? "

"Nasa bag ko.. Baka kasi mag taka si Sue kung kukuhanin ko ang phone ko sa bag ko eh pinatawag kami ni JYP-nim ang palusot namin para makatawag ako sayo... "

My Celebrity HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon