Hey guys! Sinali ko pala tung story na ito sa #watty2017 kahit hindi ko totaly na iintindahan kung ano talaga yan... 😂😂😂
Baka pwede nyong i-recommend o ishare ang story ko. Vote and comment na din po if okay ba talaga ang story ko.
Salamat po ng marami.
_________________
DEVON
Busy ako kakaarrange ng mga gamit namin dito sa mini cafe namin dahil bukas na mag sisimula ang festival at excited na ang lahat ng estudyante dahil na din mag peperform ang GOT7 bukas ng umaga at sa gabi ng pagsasara ng festival. Kinabukasan naman nun ay ang araw ng pag alis nila. Mag gagabi na at hindi pa kami nag kikita ni Mark o sabihin na nating iniiwasan ko sya.
"Hoy! San ka galing babae ka? Kanina ka pa kaya namin hinahanap ni Devon. "
Napalingon ako sa table ni Chiena kung saan hinihintay nya akung matapos at naghihintay kay Krissha na kanina pa nga namin kinokontak.
"Kasama ko si Jinyoung! "
Malapad na ngiti ni Krissha. Mukhang may magandang nangyari sa kanila ni Jinyoung dahil na din sa pagkakangiti nya. Buti pa sya. Ako kasi parang yung araw lang na yun ako magiging masaya.
"Anong ginawa nyo? Pag ikaw--"
"Natulog lang kami ano. Doon sa secrte place nya.. Tsaka sa noo nya lang nga ako nikiss"
Parang disappointed na kwento nya. Bakit? Saan ba nya gustong makiss ni Jinyoung? Sa lips? Ako nga back hug lang. Swerte na kaya nya sa kiss sa noo na yun.
"Tsk! Ano bang pakulo ng lalaking yan? Dati naman kung makaiwas sayo parang may nakakahawa kang sakit. Ngayun parang ito na ang huling araw mo sa mundo kung makadikit at makapagpasweet sayo! "
Tila na tigilan si Krissha sa huling sinabi ni Chiena. Inobserbahan ko lang ang mga galaw ni Krissha. Halatang hindi alam ang isasagut sa sinabi ni Chiena. Bakit? Dahil totoo bang malapit na syang mawala? Hindi. Hindi ko dapat isipin yun. Bukas na bukas din pagkatapos ng kanta nila ni Jinyoung kakausapin ko si Jinyoung para pakiusapan si Krissha na magpagamot. Kaya pa naman eh at malaki ang tiwala ko sa nasa taas. Hindi nya pababayaan ang kaibigan ko.
"Natameme ka jan? "
"A-ahm ano.. Hindi naman seguro.. Baka na realize nya lang na okay ako maging kaclose.. O di kaya crush na nya ako. "
Bawing sagut ni Krissha kay Chiena at umiwas ng tingin. Habang tumatagal napaghahalata itung si Krissha. Pumapayat na din sya. Na puna din iyun ni Chiena pero "nag dadiet ako" ang sinasagut nya tuwing tinatanong sya ni Chiena. Ang isa naman naniwala agad.
Gusto kung sabihin kay Chiena ang alam ko pero ayaw kung pangunahan si Krissha. Noon. Ngayun kasi ay buo na ang disisyon kung sabihin kay Chiena ang tungkol sa sakit nya. Baka kasi pag pinatagal ko pa. No! Hindi ko dapat isipin yun positive lang dapat. Oo positive lang.
"Tara na? "
Aya ko sa kanilang dalawa ng matapos akung mag ayus. Nag paalam na kami sa mga kasama namin at nag tungo sa parking. Kotse ni Chiena ang gamit namin palagi tuwing sabaysabay kaming umouwi.
~•~
"What are you doing here? "
Mataray na tanong ni Chiena sa lalaking mukhang kanina pa sya hinihintay. Base na din na sa kotse mismo nya ito nakasandal. Tumayo ang lalako ng tuwid at napakaseryuso ng mukha.
"Hala.. Galit ata si Jackson.. "
Mahinang bulong ni Krissha na kumapit sa kaliwang braso ko. Mukha ngang galit si Jackson. Kitang kita ko sa mga mata nya habang nakatingin lang kay Chiena.
