Krissha
10am mag sisimula ang festival at isa ako sa mag peperform at 8:30am na ngayun tulog pa ang mga kasama ko. Si Chiena dahil lasing nga kagabi parang lokaloka iyak ng iyak nung umalis ang mga lalaki lalo na si Jackson. Ibang klase pala ma in love at malasing tung babaeng ito na bubuang.
"Hoy magsigising na kayo malelate na tayo! "
Pang ilang pangigising ko na ba ito sa kanila? Lalala sakit ko sa kanila eh. Sabi ni Jin tulog mantika daw ako. Eh sa dalawang ito anong tawag?
"Devz! Diba dapat mas maaga ka samin kasi mag bebake ka pa!? Jusko alas nuebe na! "
Alog alog ko kay Devon. Di ko naman sya masisisi kasi sya yung nag bantay kay Chiena mag damag at pinatulog nya ako. Ayaw kasi tumigil kakangawa ni Chiena kagabi kasi kinagalitan ni Jackson at galit daw ito sa kanya kasi naglasing at nag bar daw kami kagabi. 4am na ata nakatulog si Devon kagabi eh. Ewan ko lang dito kay Chiena. Tumakbo ako banyo ni Chiena para kumiha ng gamut pang sakit ng ulo dahil sure akung masakit ulo ni Chiena.
"Chiena maawa kayo bangun na! Ito gamut oh bilis maligo na kayo please... "
Hindi ko na alam gagawin ko kasi nakatunganga lang silang dalawa nakaupo aa kama. Napatingin ako sa oras. Patay na talaga ako nito dapat kasi 9am andun na kami para mag prepare pero heto ako nag aasikaso sa mga babaeng kulang sa tulog.
Ding dong
Napalabas ako patakbo sa kwarto ni Chiena ng may nag door bell. Sino ba tung maagang bisitang ito.
"Please kayung dalawa mag sitayoan na kayo dahil late na late na tayo!! Malilin--"
Nabitin sa ere ang mga sasabihin ko ng mapagbuksan ko kung sino ang maagang bisita ni Chiena o sabihin kung namin?
Hindi ko din alam kung tama ba ang ginawa kung pagtanggal sa towel na nakabalot sa ulo dahil ang gulo ng basang hair ko at nasa harap ko lang naman si Jinyoung kasama si Mark, Jackson at Yugyeom. Napangiti ako ng hilaw sa reaction nilang apat.
"Ka-kayo pala---"
"Hindi pa kayo ready noona? "
Putol sakin ni Yugyeom. Hindi ba halata na di pa kami ready at nag tanong pa talaga tung si Gyeomie? Tumango lang ako bilang sagut. Pinapasok ko sila at hinila si Mark at Jackson papasok sa kwaryo ni Chiena at nag balik hilata pa talaga ang dalawa.
"Kayo na gumising sa dalawa please. Kanina ko pa sila ginigising ayaw magsigising... "
At iniwan ko na sila doon dahil mag boblower pa ako ng buhok.
"Anong oras ba kayo na tulog kagabi at ayaw magising ng dalawang yan? "
Tanong sakin ni Jin. Nasa sala lang din naman kasi ako nag blower. Adik sa salamin si Chiena eh. Madami syang salamin sa sulok ng unit nya.
"Maaga akung pinatulog ni Devon kagabi. Yang kasing kaibigan mo alam ng nakainum si Chiena inaway pa dinamdam ng loka ayun di tinigilan si Devon hanggat di naka tulog"
Kwento ko sa kanya. Napailing na napangiti nalang si Jin. Alam na ata kung bakit ganun reaction ni Chiena.
"Noona ang poor nyo naman dito.. Walang lamang foo--"
"Aaaahhhhh! Labas! "
Napatigil kami ng may sumigaw mula sa kwarto ni Chiena kaya pinuntahan namin para malaman kung bakit.
"Tayo na kasi.. Late na tayo.. Nahiya pa to eh maganda ka pa din naman kahit kalat yang maskara sa mukha mo"
Natatawang rinig naming sabi ni Jackson kay Chiena na nag tatakip ng unan sa mukha. Habang si Devon naman ay nakatayo na sa gilid ni Mark nakayuko hawak ang buhok sa likud ng ulo at napipikit pa. Kawawa naman ang friend ko. Makakapagbake pa ba ito?
