Devon
"Smile kana jan.. Uuwi na nga sila diba? Nagkausap na kayo diba? "
Yugyug sa akin ni Jimin. Nakatambay kami ngayun dito sa unit ni Chiena. Half day lang daw kasi ang klase namin dahil sa emergincy meeting nanaman daw.
Huminga lang ako ng malalim at tinalikuran si Jimin. Minsan nalang nga nakakasama, nang iinis pa. Sarap sapakin eh. Nag eemote ako dito kung ano ano pinag sasabi. Hindi naman yan ang pinoproblema ko. Si daddy. Sya ang problema ko. Ayaw pumayag na magpaiwan ako dito sa Manila para ituloy ang pag aaral ko. Kahit si mommy ang kumimbinsi ayaw pumayag ni Daddy.
Hindi naman na ako bata para di nya payagang tumira ng mag isa dito sa Manila. Tsaka may mga kamag anak naman kami dito. Pero ayaw mag tiwala ni daddy. Takot daw si daddy baka ako daw ang balikan ng mga kalaban nya dahil na din aa uri ng trabaho nya. At awa naman ng Dyos hindi pa nangyari iyun.
"As if naman yan pinoproblema nyan Jimin.. Yan kasi kung saan saan nag gagagala wala ka ng alam sa lahat! "
"Di ako gumagala Krissha ah.. Im solving a mission! "
Binato ko ng unan si Jimin sa inis. Isa pa yan ang dami daming tinatago ng lalaking ito ngayun samin. Kun kailan kailangan wala sya. Kung anjan naman mang iinis lang.
~•~•~•~•~•~•~•~
"Ahhh! Anjan na sila!! "
"Mas gumwapo pa sila.. Aaahh!! "
"OMG OMG!! tumingin sakin si JB!! "
Tili ng mga babae dito sa school. From the hall way ay pumasok ako sa room namin at na upo. Gusto ko man syang salubungin di ko magawa dahil sa kalungkutang nararamdaman ko.
Kinausap ko ulit si daddy kagabi pero puro sermon ang inabut ko. Na hindi naman daw yung mga kaibigan at school ang reason ko kung bakit ayaw kung sumama sa kanila kundi si Mark daw. Hindi ako nakasagut sa sinabing iyun ni daddy. Hindi sa iyun talaga ang reason ko kundi isa sa mga reasons ko. Pinigil na din ako ni mommy kagabi kaya nag kulong nalang ako buong gabi sa kwarto at kaninang umaga lang lumabas. Di nga kami nag pansinan ni daddy which is first time. Gusto kung marealize nya na kaya ko ng tumayo sa sarili kung paa. Na kaya ko na ang sarili ko kahit nasa malayo sila. Pero alam kung matigas ang daddy ko.
From: Ylona;
Ate, andito sina mommy at daddy sa school ko. They are pulling me out.. Ayoko umalis ate. Help!
Napahinga ako ng malalim sa text ni Ylona. They ate really serious on this.
"Ang lalim naman ata nun? Still mad at me? "
Napatingala ako ng may nag salita sa may gilid ko.
"Mark! "
Tila gulat kung sabi at napatayo. Di ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala sya. Ngumiti lang ako sa kanya at bigla syang niyakap.
Halatang na gulat sya pero yumakap din sya pabalik sakin. Wala na akung pake kung pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nakapalibut samin. Gusto ko lang syang maramdaman. Gusto kung sumaya kahit papano ang pakiramdam ko. At higit sa lahat miss na miss ko na sya.
"I miss you... "
Mahinang bulong ko at mas niyakap ko pa sya. Mas isiniksik ko pa ang mukha ko sa dibdib nya. Ang lahat ng tampo at galit ko nung mga nakaraan ay parang bulang na wala. Ganun ko ba ka mahal ang lalaking ito?
"Mas miss kita.. Sorry sa mga times na di kita matawagan.. "
Imbis na sumagut ay yumakap lang ako lalo. Baka pag nag salita pa ako ay maiyak na ako. Ayaw kung makita nyang umiiyak.
