Devon
Hawak hawak at titig na titig si Jimin sa dalawang palad ko na hawak nya at sa leeg kung may gasa.
"Fu*ck! "
Mahina pero rinig na rinig kung sabi nya. Andito lang ba itung lalaking ito sa bahay para mag mura? Nakakailang minutong nakatayo na kaya kami dito sa may garden ng bahay ni Pamu. Ayaw naman nyang bitawan ang mga kamay ko sa tuwing kukunin ko. Sarap nga sanang sapakin kung di lang sugatan ang mga kamay ko.
"Bakit babm kasi hindi ka tumawag sakin na hindi ka pala masusundo ni Mark!? "
Pagalit na na tanong sakin ni Jimin. Minsan nalang nga sya magpapakita papagalitan ka pa.
"Busy ka kaya masyado.. Tsaka bakit ka ba andito? Nag dadrama pa ako sa kwarto ko.. "
Inis kung sabi at malakas na hinablot ang mga kamay ko na sawakas ay binitawan na nya. Umupo ako sa upoang bakal na nasa garden ni Pamu. Nakatayo sa harap ko si Jimin at nasa bewang ang dalawang kamay na parang pinapagalitan ang anak.
"Ano na ba talaga ang relasyon nyo ni Mark? Kayo pa ba? I punch him once ng makita kung may kasama syang ibang babae.. Buti lang sana magkasama eh pero subra sweet.. Daig ka kasweetan nyo! "
Doon ako napatingin kay Jimin. He did what!?
"Sinuntok mo si Mark!? Gag*o ka ba!? Bakit mo sya sinaktan!? Bakit di mo balang kinausap o tinanong--"
"I did Devon! Pero mas gag*o yang boyfriend mo! Ayaw sagutin ang tanong ko.. Sinabi nung babae na girlfriend sya ni Mark kaya na sapak ko sya! Wag ako ang kagalitan mo! Yung gag*ong Mark na yun! Pinagtatanggol lang kita dahil alam ko kung gano mo sya ka mahal! "
Doon na nagsitulo ang mga luha ko. Ayaw kung makita nila akung umiiyak at mahina. Pero di ko mapigilan. Bakit ganito? Nag mahal lang naman ako pero bakit ganito ka sakit ang balik?
Sinusunod ko naman yung mga gusto nya. Pinapakita at pinaparamdam ko naman sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Masaya naman kami ah. Pero bakit ganito? Ang bilis nya naman akung palitan. Wa akung maisip na dahilan kung bakit kailangan nya akung ipagpalit sa iba. Minahal ko lang naman sya sa abut ng makakaya ko.
"Bakit ang sakit sakit? Minahal ko lang naman sya eh.. Bakit ganito Jimin? Sabi nya mahal nya ako diba? Selos pa nga sya sayo.. Pero bakit? "
Naramdaman ko nalang ang yakap sakin ni Jimin sakin at doon ko ibinuhos ang lahat ng hinanakit ko. Iniyak ko ang lahat umaasang kahit papano ay mabawasan ang sakit na raramdaman ko. Pero parang walang nangyari. Andun pa din ang bigat at sakit. Kahit seguro maubos ang luha ko ang sakit ay mananatili dito sa puso ko.
Napahiwalay ako kay Jimin ng makarinig kami ng ingay mula sa loob ng bahay. Nagkatinginan pa kami ni Jimin bago sabay napatakbo sa loob ng bahay. Naabutang naming kabangayan si Pamu. Tinutulak nya ang lalaki palabas ng bahay nya. Habang ang lalaki naman ay gustong gusto pumasok.
"Umalis kana at wag ka ng bumalik! Hindi kailangan ng pinsan ko ng isang manloloko! "
Sigaw ni Pamu doon sa lalaki. Magsasalita sana ang lalaki para sagutin si Pamu ng mabaling sakin ang mga mata nya.
"Baby, Devon let's talk please.. Magpapaliwanag ako.."
Pagpapaawa sakin ni Mark. Napatingin ako kay Pamu na pinandilatan ako ng mga mata habang si Jimin naman ay walang reaction ang mukha.
"Baby please.. "
Napahinga ako ng malalim at tinungo ang kinaroroonan ni Mark at hinila sya palabas ng bahay ni Pamu. Good thing at dinala nya ang kotse nya kaya diretso akung sumakay at sya naman ay nagmamadaling pumasok sa driver seat.
