Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hay! Ang tagal naman ng oras! Bakit ba kung kailan kailangan mong madaliin ang oras eh parang tinutudyo ka pang bumabagal ang takbo nito? At kung kailan naman nag eenjoy at gusto mong bumagal ang oras ay parang isang iglap lang tapos na ang oras.
Tulad ngayun. Hinihintay ko mag 10am dahil may date kami ni Mark my baby. Yes! May date kami. First official date namin as a couple kaya excited na excited ako. First ever date ko din kasi ito and I'm happy na sya ang magiging first date ko and hoping he will be the last. Alam nyo na umaasang mag road to forever kami.
"Bakit ba ang aga aga mo dito sa shop ko? Ikaw na ata nag bukas ne'to eh! "
Tanong sakin na Pamu. Yes andito ako sa shop nya. Dito ko hinihintay si Mark dahil kung sa bahay alam kung magdududa si Ylona kung bakit kami aalis ni Mark na kaming dalawa lang. Si mommy palang kasi ang may alam about samin ni Mark. Sasabihin din naman namin kay daddy pero pag kasama ko na si Mark.
"Sabado ngayun cuz dapat maaga kang magbukas ng shop mo.. Kita mo oh may costumers agad... "
"Kahit late ako mag bukas ng shop ko may costumers pa din ako.. Patuk kaya tung items ko.. At tsaka nahihimalaan ako sayo eh.. Ayus na ayus oh.. Nakadress teh? Flat shoes may pamake up pa si mayor.. Anong meron? "
Taas kilay na pagkilatis sakin ng pinsan ko. Hindi ko tuloy alam kung tama bang dito ko piniling maghintay kay Mark dahil nagiging imbistigador nanaman tung pinsan ko. At makapa make up ni mayor to eh pulbos at kaunting lipstick lang naman nilagay ko sa mukha ko pero kung sabagay di naman nya ako nakikitang nag memake up kaya kung makakilatis kita agad.
"May date ako.. "
Kinikilig ko pang sagut sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin diba? Ang gwapo gwapo kaya ng date ko tapos sikat pa at higit sa lahat... MAHAL AKO... Waaahh dalaga na talaga ako! Subrang kinikilig ako.
Napatigil si Pamu sa pag hahalingkat sa bag nya ng marinig ang sagut ko. Lumingon sya sakin at nilapit pa yung mukha nya sa mukha ko na parang sinisegurado kung tama ba ang narinig nya.
"May date ka!? Sino!? "
Sigaw nya mismo sa mukha ko na para bang napakaimposinleng magkaroon ako ng date. Pinsan ko ba talaga to!? Dapat supportive sya eh! Pero makasigaw parang ang pangit pangit ko para magkadate o magkalove life. Pati tuloy mga tauhan nya sa shop nya eh napapatingin samin. Sinamaan ko sya ng tingin at tinulak kaya napaupo sya sa sofa dito sa may counter nya.
"Oo may date ako!? Bakit bawal!? Tsaka maganda ako noh kaya malamang magkakalove life ako! "
"Tss! I'm sure mukhang pusit yang date mo.. Or kung gwapo man baka pinagbantaan mo buhay gamit yang karate skills mo..."
Tatawa tawa nyang sagut kaya pinaghahampas ko ng unan. Mukhang pusit pala ah? Tingnan natin kung di ka maglaway mamaya pag nakita mo boyfriend ko. Tyak kung maiinggit kang bruha ka!