Devon
Lunch time na pero hindi pa din nawala ang bulong bulongan. Mas lalo pa nga atang grumabe ng makita ng iba si Yu One at kung paano nito aluin si Sue na ngumangawa na ata sa kakaiyak. Masyadong OA naman ata sya? Very affected sya sa sinabi king katutuhanan? Kung bakit naman kasi ayaw pang gumising sa katotohanan na hindi sila ni Mark. Na walang sila.
Nakaupo kami sa usual spot namin dito sa cafeteria pag dadating ang GOT7. Nag text kasi si Jackson kay Cheena na napaaga ang pack up nila dahil pinagsikapan nilang one take lang lahat para matapos agad.
Panay ang tingin ko sa phone ko. Nagbabakasakaling may text na si Mark o missed calls man lang pero wala. Nag promise sya kanina na tatawag sya after ng shoot nila pero hanggang ngayun ay wala pa ni isang text. Pero king sabagay papunta na sila dito baka dito nalang kami mag uusap.
"Ano yung na balitaan ko kanina? Nakipag away ka kay Sue Devon? "
Bungad no Jimin ng makarating sya sa table namin. Bilis nga naman lumipad ng balita. Kahit ang mga walang pake ay nakakaalam pa din sa mga nangyayari sa paligid ng school na ito.
"Nagkasagutan lang... "
Walang ganang sagut ko habang nakatitig sa phone ko.
"Nag kasagutan? Bakit naman? Akala ko ba kinausap kana ni Mark tungkol dito? Tapos dumating ang kapatid ni Mark? "
"Na puno na kasi ako Jimin. Ako nga na totoong may relasyon kay Mark nag pipigil dahil iniisip ko ang kapakanan nila.. Si Sue pa kayang may drama sa buhay para lang lapitan at kaawaan ni Mark? Hindi ako makakapayag dun! "
Inis kung sagut kay Jimin. Alam kung may mali din ako sa nangyari. Pero tao lang din ako. Napupuno. Nauubosan ng pasensya. Lalo na sa taong wala naman talagang karapatang manira o gawan ng kasiraan ang GOT7 lalo na si Mark.
"Dapat naman na segurong gising yang si Sue sa kahibangan nya. May kasalanan sya. Sya ang nang iwan kay Mark nuon. Nakahanap si Mark ng mamahalin ngayun. Wala na sya doon.. Pinapahirapan nya lang ang dalawang taong totoong nag iibigan.. Isa pa yang kapatid ni Mark! Ang sarap tusokin kung makatingin kanina kay Devon.. "
Naiiling na sabi ni Krissha. Tumang tango naman si Cheena habang nakatingin sa labas ng caf. Halatang nag hihintaybsa boyfriend nya.
"Later na natin pag usapan yan andito na sila.. "
Anunsyo ni Cheena ng mamataan ang GOT7 na papalapit sa caf. Panay tili na ng mga estudyante. Halatang kilig na kilig sa pag dating nila. Pero bakit parang may kulang?
"Si Mark? "
Bungad ko agad sa kanila kahit hindi pa sila nakakaupo at kakadating lang nila sa pwesto namin. Baghagya silang nag katinginan muna. Halatang nag tutulakan kung sino ang sasagut sa tanong ko. Mahirap ba ang tanong ko? Hindi naman yun Math o Science ah? Bakit parang ang tagal makasagut? Don't tell me...
"Nakay Sue nanaman? "
Inunahan ko na sila. Bakit ko pa ngaba ako nagtatanong at nagtataka na missing in action nanaman si Mark? Walang duda namang andun nanaman sya sa babaeng iyun.
"Tumawag kasi si Yu One kanina habang papunta na kami dito. Umiiyak daw si Sue hinahanap sya--"
"Ano naman ngayun kung umiiyak!? Hindi na bata yun Jinyoung! Sya pa nga may atraso dito sa isang fan nyo tapos sya pa tung iiyak dahil lang napagsabihan ni Devon!? "
Inis na putol ni Krissha kay Jinyoung. Habang ako heto at nakatingin lang sa kanila. Nangingilid ang mga luha. Hindi ko maintindihan pero ang saki sakit na ng dibdib ko sa mga nangyayari. Bakit bah inuuna nya ang babaeng yun!? Ano ba talaga ang meron sa babaeng yun at kahit isang text hindi magawa ni Mark!?
