Masayang nananonood ang magkakaibigan habang pinapanood ang nga larawan at video na hinanda ni Krisha. Magkatabing nagtatawanan si Devon at Mark sa tuwing may na aalala sa bawat lumalabas sa monitor.
"Hala! Bakit sinali mo pa yan Krish.. Nakakahiya! "
Angal ni Devon ng ipinalabas ang pag audition nya noon sa dance club. Pinaalala sa kanya kung paano sya nag kalat sa harap ng GOT7 noong araw na iyun at nasundan ng pagtawa nila Mark at BamBam ng unang matikman ang matigas na cookies ni Devon.
"Wow ah! Bakit ganyan!?! Tawa ka naman ng tawa! "
Sabay takip ni Devon sa bibig ni Mark na malakas na tumawa pero umiwas ang huli na syang kinainis ng una.
"OMG unnie! Ganyan yung sayaw na pinakita mo noon? Nakakahiya ah! "
Tukso ni Ylona sa kapatid sabay tawa. At talagang tinuroan pa ang anak kung paano buskahin ang mommy nito. Nakanguso naman si Devon habang ang iba ay tumatawa.
"San mo ba nakuha ang mga yan ng mabangasan ko!? "
Kunwaring pikon na tanong ni Devon sa kaibigan na nasa harap ng lahat.
"Kanino pa? Edi kay Mikee unnie.. Nakatago pa kaya lahat ng files sa bawat audi natin noon.. At yung sa caf naman. Wag ka ng magtaka madaming anggulo ang vid na yan sa YT.. "
Paliwanag ni Devon. Nag tuloy tuloy ang kasiyahan. Naroon ang kalokohan nina BamBam, Yugeom at Yungjae. Mga videong sayang saya sa pagkain na niluluto o binibake ni Devon. Ang pag vovocals ni Krisha at Yungjae sa voice club. Ang bangayan ni Jinyoung at Kino. At ang pagiging strikto kuno ni JB sa bawat practice ng kasama sa club.
"Gosh! Nag eexist pa pala yan!? "
Gular na tanong ni Chiena ng mapanood ang sumunod na video.
"Tata Chie tito Jack!! "
Tinuro pa ni Aviona ang monitor ng makilala ang nasa screen. Agad namang tinakpan ni Ylona ang mata ng bata.
"Ay oh! Yan yung todo deny pa si Chiena kay Jackson.. Hahaha! "
Malakas na tawa ni Devon. Ito na ang oras na sya naman ang mang alaska.
"Akala ko ba na delete nyo nanyan JB? "
"Sa phone namin oo.. Bakit ko naman isesave yan.. Kadiri kaya! "
Sabat naman ni JB na diring diri sa napapanood.
"Eh kanino yan galing? "
"Nagtanong ka pa.. Edi sa lalaking nasa screen na sarap na sarap sa halikan nyo! "
Sagut ni Mark at doon kinurot kurot ni Chiena ang nobyo na panay iwas dahil sa maliliot ito kung kumirot.
Nasakalagitnaan na sila sa panonood sa mga sweet moments ni Mark at Devon na hindi nila alam na may palihim palang nag vivideo at kumukuha ng larawan nila ng tumayo si Jinyoung at nag tungo sa loob ng kusina ng shop ni Devon. Napansin naman ito ng huli at sinindan ng tingin. Ng makita ni Devon kung saan ito patungo ay nagpaalam ito sa nobyo.
"Sundan ko lang si Jinyoung.. "
"Why? Samahan na kita.. "
"No its ok.. Kakausapin ko lang.. Balik kami agad. "
Walang nagawa si Mark kundi ang payagan ang nobya. Tumayo na si Devon at pumasok sa kusina. Naabutan nyang nag bubukas ng ref si Jinyoung tila may hinahanap.
"Looking for something? "
"Ah nag hahanap ako ng tubig. Puro juice at alak kasi ang nasa table. "
Kinuha ni Devon ang kailangan ni Jinyoung at ibinigay dito.