Chapter 18

147 7 1
                                        

JB

Past lunch time ng bumalik kami dito sa dorm para maghanda sa biglaang schedule namin. Hindi ko alam kung pano nagawa ni JYP-PD na mas ipaaga ang aming tour na dapat sa week end kami aalis. Nakakabingi ang dorm hindi dahil sa ingay. Kundi dahil sa katahimikan. Magkakasama nga kami pero hindi naman nag papansinan.

"Bakit ganun? Sila na nga yung nasaktan at nagkaroon ng madaming haters.. Sila pa din yung nag sosorry satin at nagpapalakas loob? "

Napatingin ako kay Youngjae ng magsalita ito. Anong sinasabi nya? Napansin ko ding may hawak silang box na tatlo ni BamBam at Yugyeom at cards. Saan galing yun? Wala naman silang dala ng bumalik kami dito kasama si manager ah?

"Diba ikaw ang may kasalanan kay Krissha noona, Jinyoung hyung? Bakit gusto nilang mag sorry kami sayo? Pumanig naman kami sa kung sino ang tama diba!? Pero bakit mas inaalala ka pa nila!? "

Naluluha ngunit may bahid ng galit na tanong ni BamBam kay Jinyoung. Napailing nalang ako. Alam kung hindi ganyan ang ibig ipahiwatig ng mga babae sa sulat nila.

"It's not like that BamBam.. The girls are concerned to our friendship, to our group... Gusto nilang mabalik tayo sa dati... Hindi itung nag aaway away tayo.. May na gawa man si Jinyoung na tama o mali sya pa din ang tatanggap ng consequence---"

"Sya lang ba talaga!? Eh bakit pati ako iniiwasan ni Chiena!? Bakit pati ako pinapalayo nanaman nya sa kanya!? Ok na sana kami eh! Unti unti ko na sana naibabalik ang tiwala nya pero ano!? "

Nabitin sa ere ang mga sasabihin ni Mark ng galit na sumabat si Jackson. Napahinga nalang ako ng malalim. Ito nanaman kami. Nag aaway nanaman dahil sa mga nangyari. Ngayun lang ito nangyari sa amin at ayuko ng ganito. Nagpipigil ako ng galit dahil ayaw kung masapak nanaman ang isa sa membro ko.

"Kaya nga nila tayo nilalayuan dahil inisip nila na sila ang dahilan kung bakit tayo nagkakaganito! Lumalayo sila dahil gusto nilang mag kaayus tayo! Tingin nila yung ang solution para magkabatibati tayong lahat! So let's give it to them! Ayusin natin ito kung ayaw nating tuloyan silang umiwas satin! "

Lumakas na ang boses ni Mark sa inis. Kahit anong rason pa yan basta magkaayus ang lahat.

"Ano Jinyoung? Tatayo at yuyuko ka nalang ba jan!? Diba dapat ikaw ang magpapaliwanag dito kung bakit mo ginanon si Krissha dahil yun naman talaga ang rason kung bakit tayo nagkakaganito eh! "

Ayuko ko mag pinpoint sa kung sino ang may kasalanan o kanino nag simula ang lahat ng ito pero may punto si Mark. Kung sana hindi nya sinaktan si Krissha wala sanang away. Minsan hindi ko din makuha ang mga balak ni Jinyoung kung ano man iyun. Isa lang ang natitiyak ko. May gusto syang mangyari kaya nya ginawa yun. Alam ko ding mahal nya si Krissha at takot sya mawala ito.

"Gusto ko lang namang magpagamut sya eh. "

Mahina pero sapat na para marinig namin ang sinabi nya. Tahimik lang kami at hinihintay ang susunod na sasabihin nya. Ito na seguro ang gusto nyang mangyari kaya nya ito nagawa.

"Si Krissha yung klase ng tao na masiyahin, palangiti at palaging buhay na buhay pero iba sya pag magalit at masaktan. Minsan lang sya magalit pero pag nagalit na ay gusto nyang gumanti. Gaganti sya sa kahit na anong paraan makaganti lang sya... "

Napatingin ako kay Jackson dahil sya ang pinakamalapit kay Krissha dahil na din kay Chiena. Umiling lang sya. Ibig sabihin hindi nya alam ang side na ito ni Krissha. Pero pano nalaman ito ni Jinyoung gayung dati pa ay ni katiting na balita o kwento tungkol kay Krissha noon ay ayaw nyang marinig. Imposible din namang sa loob lang ng ilang araw ay ganun nya agad nakilala ang huli?

"Your making stories! "

"Yun ang totoo Yugyeom! Mismo sa mommy ni Krissha iyun nanggaling.. Nung araw na nalaman ko ang sakit nya ay kinausap ko ang mommy nya para malaman ang totoong kalagayan nya. Doon ko na kumpirma na totoo ang narinig ko kay Mark at Devon.. Ayaw magpagamut ni Krissha kahit anong pilit nya.. Sinabi ko sa mommy ni Krissha na ako kukumbinsi pero sabi nya di ko na daw mababago ang isipan ng anak nya maliban nalang sa saktan at galitin ko sya ng subra...ayaw ko sanang gawin yun dahil alam kung lalayo sya sakin.. Ayukong lumayo sya sakin!! "

My Celebrity HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon