Hello guys! Alam kung super tagal bago ako makapag update. Tinamaan ng katamaran si feeling author.. Hehe! And for now I will try to update this hanggang mag end. And binasa ko ulit ang story to refresh my brain at yun nga may typo errors.
Ang for the version 2 naman po update ko din iyum soon.
Sana may mag babasa pa nito. Salamat!
______________
Devon
Matapos ang pagkita kita namin sa voice room ay nag ayang kumain ang iba. Gusto kung sumama pero inaya ko si Krissha na sa labas nalang ng school kumain at hinayaan na munang sumama si Cheena kina Jackson. Ayaw pa sana nilang pumayag pero sa huli ay naunawaan din nila ang reason ko.
"King bakit naman kasi lumipat pa yung babaeng yun dito eh.. Tayo pa tuloy ang nawalan ng kasama kumain.. "
Himutok ni Krissha habang nag hihintay kami sa order namin. Andito kami sa isang café malapit lang sa school. Ayaw na naming lumayo dahil isang oras nalang ay may next class na kami.
"Sorry... Ayaw ko lang kasing makita kung gaano ka sweet yang si Sue kay Mark eh.. Mag seselos lang ako ng bongga... "
"Ok lang naman sakin yun eh.. Naiintindihan ko.. Pero sana lang sabihin din nila kung bakit nagkakaganito ang mga bagay bagay para mas maintindihan natin diba? Kapagud kaya manghula ng manghula... "
Napahinga nalang ako na malalim. I don't think alam din ng kagrupo ni Mark ang mga nangyayari. O kung alam man nila, ayaw nilang makisawsaw sa sariling personal issues ni Mark.
Gusto kung malaman lahat pero ayaw kung pilitin si Mark. Na sabihin sakin lahat. Sasabihin naman nya sakin lahat pag pwede na eh. Kaya sa ngayun ay wala akung magagawa kundi ang ang hintay at mag kunwaring wala na kami ni Mark.
"Wait.. Diba malapit ng umowi dito sa Pinas ang parents ni Mark? Ipapakilala ka dapat diba? "
Biglang na alala ni Krissha. Tumango tango ako. Oo malapit na iyun. 3 weeks from now pa ata. Pero di na ako umaasang mangyayari ang pinlano namin nuong dinner at doon nya ako ipapakilala sa family nya. I don't know kung alam ba ng parents nya ang mga pangyayari ngayun? At kung alam man, maybe they are happy sa pag-aakalang nagkabalikan na ang anak nila at ang babaeng gustong gusto nila para kay Mark simula palang pagkabata nila.
"3 weeks from now I think? Pero sabi ni Mark mauuna daw si Yu One dito because of Sue. "
"Because of that girl nanaman? Hay nako! Ano ba talaga meron sa babaeng yan!? Nakakainis na ah! Kahit pa malaanghel ang mukha at attitude nyan naiinis pa din ako! "
Napangiti nalang ako sa asta ni Krissha. At least kahit papano may kakampi ako diba? Hindi ako feeling alone at walang malalabasan ng sama ng loob.
Tumunog ang phone ko sinyales na may nag text sa akin. Kaya mabilis ko itung kinuha sa bag ko at tiningnan ang mensahe.
From: My Love Markue;
Have you eat your lunch baby? Dapat sumama kayo sa amin ng mabantayan kita. 😞
To: My Love Markue;
Ok lang baby, we are eating now. Masyadong masakit sa mata ka sweetan nyo ni Sue kay umiwas na muna ako. Kain ka ng madami jan. 😘
From: My Love Markue;
I'm sorry baby.. Babawi talaga ako promise. Sya lang ang sweet sakin. Sayo lang ako sweet tandaan mo yan. I love you! 😘😘😘
