Chapter 22

124 6 0
                                        




DEVON

Lunes at papasok na ako sa school. Madaming matang nakatingin sakin dahil kalat na kalat na ang pictures namin ni Mark dun sa fast food na kinainan namin. May matatalim ang tingin may mga di pa din naniniwalang kami na nga ng isa sa idol nila sa GOT7. Nag post na nga din si Mark sa IG nya at sinabi ang lahat doon at humihingi ng pang unawa na tao lang din sila at na iin love din.

Tungkol naman kay daddy ay ok na si Mark. Nung araw date namin ay hinatid nya ako sa bahay at kinausap na din nya si daddy. Nag boys talk sila at ayaw sabihin sakin ni Mark kung ano ang pinag usapan nila dahil nag promise daw sya kay daddy na kanila lang daw yun. Hindi na ako nag pumilit dahil mukhang maganda naman ang usapan nila ni daddy dahil mukhang pa syang masaya. Dun pa nga sya nag dinner eh. At yung kapatid ko naman panay interview ng loka loka. Kung bakit daw ako pa syenota eh tibo ako. Na batukan ko nga. Pero ayun din nag patulong si Mark sa pag announce sa kung anong meron kami gamit ang fan page na hawak nila Ylona.

At nung Sunday nag girl bonding kami nina Krissha at Chiena. Pero ako pinagdiskitahan ng dalawa kesyo di ko daw sinabi agad sa kanila na kami na ni Mark.

"Pano ko sasabihin eh nag dadrama kang boylet mo si Jimin.. "

Yan ang sagut ko kay Krissha na ikinasimangut nya. Pinag usapan din namin yung kagagahang ginawa nya eh. Pero ang sagut nya pride nalang daw nya meron sya kaya ginawa nya yun. May pride pa ba sya eh nung nakaraang taon sya mismo nag sabi na feelings nya para kay Jinyoung. Baka pride na sabun nalang yun?

"Hello to my beautiful bff! "

May biglang umakbay sakin. Sino pa ba? Kundi si Jimin. Pasulpot sulpot tung lalaking ito. Tawag kami ng tawag sa kanya mula nung sabado di macontact ang baliw. Saan nanaman kaya nag lalakwatsa ang lalaking ito.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi dito class mo.. "

Irap ko sa kanya alam nyang galit kaming tatlo sa kanya dahil nga bigla syang nawala.

"Ito naman.. Sorry na.. May inasikaso lang.. I'm here to invite the three of you... Sama mo na din ang pito ng magkaliwanagan na.. "

Biglang lumongkot ang mukha ni Jimin. At doon ko na alala na mag iisang taon na palang patay ang kakambal nya. Kaya yung inis na naramdaman ko ay napalitan ng lungkot. Sandali lang namin nakasama noon si Eunbin pero naging magaan ang loob namin sa kanya. Naging kaibigan namin sya kahit sa maikling panahon.

"Ehem.. Sa pagkakaalam ko girlfriend ko yang inaakbayan mo.. "

Napatigil kami ni Jimin ng may nag salita. Si Mark pala kasama ang mga kagrupo nya. Mabilis namang nag bago ang ekspresyon ng mukha ni Jimin. From sad to happy. Hindi ko alam kung pano nya nagagawa yun. Yung kahit nasasaktan at malungkot na sya eh nakakangiti pa din sya. Tinanggal nya din ang braso nyang nakaakbay sakin.

"Ay! Sorry brod.. Nakalimutan ko bawal na pala umakbay kasi may love life na si kuting... "

Malokong sagut nya kay Mark. Kuting. Yan tawag nya samin minsan at daga naman tawag namin sa kanya. Daming naiisip ng lalaking ito eh. Taba ng utak.

"You should know your limits now man.. Di purket close kayo ng girlfriend ko basta basta mo nalang syang aakbayan! "

Pumagitna na ako sa dalawa dahil nag dilim na ang mukha ni Mark.

"Mark.. Wala naman yun eh--"

"Wow! Ano to reunion? May na sabit nga lang isa.. "

Naputol ang sasabihin ko ng dumating sina Chiena at Krissha. Umangkla si Chiena sa kanang braso ni Jimin na nakasanayan na din naming gawin pero mabilis syang hinila ni Jackson at ito na mismo ang umangkla kay Chiena. Grupo ata ng mga seloso tung mga ito eh.

My Celebrity HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon