Chapter 17

132 6 2
                                        

Devon

Maaga akung dumating sa school namin ngayun kahit mabigat pa din ang pakiramdam dahil sa mga nangyari kahapon. Kung hindi lang ako nangako kay chef ay hindi muna ako pupunta dito sa school at mag lubog ng buong araw sa kama ko. Tapos ngayun kung makatingin at makapag bulongan yun kung bulong pa ba matatawag sa mga ginagawa nila dahil rinig na rinig ko ang mga pinagsasabi nila. Pero diridiretso lang ako sa paglalakad hanggang makarating dito sa mini cafe namin at nag simula ng mag bake.

"Devon, ang dami nyong haters alam nyo ba yun? "

Bungad sakin ni ate Precy. Sya ang makakasama ko ngayun dito sa kusina. 3rd year collage na sya taking up HRM at magaling sa baking pati na daw sa cooking. Mabait naman sya. Sya yung unang naging kaclose ko sa club namin dahil machika din sya.

"Anong ibig mong sabihin ate? "

Di naman na ako nag tataka na magkaroon kami lalo ng haters dito sa school. Madami din kasing nakarinig o feeling na rinig lahat ng away namin kahapon kasama ang GOT7. Kaya may dagdag bawas sa mga kwento nila pero kami nila Chiena at Krissha ang pinalabas na kuntrabida.

"Ito oh may fan page pa kayo... Anti Tres Maldita's pa tawag sa inyo.. And to think wala pang 24hours ang page na ito may 20k like na agad.. Ito oh! "

Inabut nya sakin ang phone nya para ipakita ang page na sinasabi nya. May mga edited picture naming tatlo na may sungay at buntot. Meron ding ginawa kaming mga mangkukulam at aswang. Mga taong walang magawa! Sa ganda naming tatlo ikukumpara nila kami sa mga di malaman kung may mga ganyan bang nag eexist dito sa mundo. At tyaka akala ko ba mga susyal ang mga tao dito sa school? Bakit may alam silang mga ganyang bagay? Nag scroll ako ng nag scroll at sinamaan ko sya ng tingin ng may nakita ako sa page.

"Bakit nakilike ka din!? "

"Ay! Haha! Eh kasi pag di ko nilike yan di ko makikita mga post jan. Close page kaya yan. Tanging members lang makakapagpost at makakakita ng mga post.. Ayaw mo nun makikita natin yung mga ka walanghiyaan nila... "

Pag papaliwanag nya. May point naman sya dun. Pero dapat ko ba itung ipakita sa dalawa lalo na kay Krissha? Bawal syang mastress kaya di ko nalang seguro muna sasabihin.

"Di naman nila alam yung mga nangyari ate eh.. Bakit napakajudgemental nila? Makahusga feeling alam nila lahat.. "

"Alam mo di na bago yan sa mga taong makikitid ang utak.. Alam mo na parang Dyos o perfect sa paningin nila ang mga boy group o mga celebrities na hinahangaan nila.. Kaya kahit di kayo ang may kasalanan sa inyo pa din mapupunta ang blame.. "

Napatango nalang ako sa sinabi ni ate Precy. Mga sikat yung nakasagutan namin habang kami mga ordinaryong mga estidyante lang sa paaralang ito.

"Bahala sila sa mga iniisip at sasabihin nila ate.. May mas mahalagang problema pa kaming haharapin kaysa jan.. Tara start na po tayo! "

Huling sagut ko kay ate Percy at nag simula ng mag bake dahil by 9:30am ay mag bubukas na kami. Buti nalang talaga at dito ako na asign sa kitchen para di ko makita ang mga estudyanteng mapanghusga.

Patapos na kami sa pag bebake ng sundutin ako ni ate Percy sa tagiliran kay napakibut ako at napatingin sa kanya.

"Si Mark kanina pa daw dun sa labas.. Ayaw papasukin ni chef eh.. Alam mo na nabalitaan nya din ang nangyari... "

"Ok na din yun.. Ayuko ng makalapit sa isa sa kanila.. Ok na akung maging fan nila sa malayo.. "

"Sure ka? Eh para saan yang subrang cup cake na bibibake mo? Eh yung huling sinalang ko sa oven ang kukumpleto sa pieces ng cup cakes."

My Celebrity HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon