Third Person's POV
Natapos ang buong show at nagsipagbalikan na ang mga estudyante sa kanya kanyang clubs para simulang ang festival. Busy na ang lahat at nagsisimula ng mag enjoy pati ang mga out siders ng school.
"Chef promise po.. Bukas hanggang matapos ang festival ako dito sa kitchen.. Importante lang ho kasi ito eh.. "
Paalam ni Devon sa kanyang Chef. Ngayun na ang oras para malaman ni Jinyoung ang lahat. At kailangan na din nilang makausap si Krissha at tulungan itong makumbinsing magpagamut.
"Fine! Gawin at tapusin mo na yan kung ano man yan.. "
Pag payag ng Chef kay Devon. Napayakap dito si Devon bilang pasasalamat at nag madaling lumabas para puntahan ang mga taong dapat niyang kausapin ng may makasalubong syang lalaking pinagkakagulohan ng lahat.
"Saan ka pupunta Devz? Diba mag bebake ka? "
Tanong ng lalaki ng makalapit ito agad sa kanya. Gusto mang umiwas ni Devon dahil sa madaming matang nakatingin sa kanila at paniguradong issue nanaman ito. Madami nanamang chismis na maglalabasan na hindi totoo.
"Kakausapin ko na si Jin.. Kailangan na nyang malaman lahat... "
Mahinang tugon ni Devon sa lalaki na sakto lang na sya ang makarinig ng sinabi ng dalaga. Naunawaang tumango naman si Mark at sabay silang pinanuntahan si Jinyoung kung saan ito huling nakita ni Mark.
Samantala sa kabilang banda. Sinundan ni Krissha ang babae at na padpad sila sa di kalayuan ng field na walang tao. Kinakabahan man ay sumama pa din si Krissha sa babaeng nagpakilalang Elkie. Naalala na nyang ito ang pangalan na sinabi ni JB kanina kay Jinyoung.
"I saw your performance with Jin kanina.. You are good too.. "
Puri ng babae kay Krissha at tanging pasasalamat lang ang na sabi nito dahil alam nyang hindi ang papuri nito ang pag uusapan nila.
"And I know that tears.. Your tears ang Jinyoung's tears... I can see that you are in love w---"
"Go straight to the point miss... Madami pa akung gagawin.. "
"Fine... I'm Elkie.. Jinyoung's fiancé... Any time by now ay pwede na kaming ikasal.. Isang go signal ko lang the wedding will happen.. "
Diretsaan sagut ng babae. Parang binuhusan naman malamig na tubig si Krissha sa narinig. Fiancé? Bakit naman magkakaroon ng fiancé si Jinyoung? Alam pa ito ng agency nila? At kung alam nila bakit nila pinagpapatuloy ang pagiging idol ni Jinyoung? Madami pang katanungan si Krissha aa isipan pero isang nakakaumay na tawa ang lumabas sa bibig nya.
"Do you think mapapaniwala mo ako jan? Lumang style na yan miss. Lahat ng girls na naghahabul sa kanya dito sa school o sa labas ng school ginagawa ang lahat lubayan lang si Jin ng mga babaeng malapit sa kanya. "
Matapang na sagut dito ni Krissha. Hindi sya maniniwala sa babaeng kaharap unless si Jinyoung mismo ang mag sabi sa kanya na totoo ang sinasabi ng hibang na babaeng kaharap nya.
Tumawa lang ng malakas ang babae. Tawang pang kuntrabida sa isang teleserye. Tawang pangkuntrabida pero hindi naman bagay dito.
"I knew na hindi ka maniniwala.. But just think about the past.. Yung mga panahong tinataboy ka nya, iniiwasan at di kinakausap.. Tingin mo ano ang ibigsabihin nun? And yung ngayun? Yung mala 360 degrees na ikut ng pag trato nya sayo.. I know he up to something girl.. Go.. Go and ask him.. "
Tumatawang tumalikud ang babae at iniwan si Krissha na napapaisip. May punto naman kasi ang babae. Pero Jinyoung is up to something? Ano naman yun? Hindi kaya?
