Devon
"Hey! My problema pa din ba sa house nyo? Kanina ka pa nakatunganga jan eh. "
Puna sakin ni Chiena. Wala na namang problema sa bahay. Back to normal na lahat. Nakausap na din namin si daddy at binigyan lang ng 1 month grounded si Ylona. Bahay-School-Bahay lang sya at may susundo sa kanya isa sa tito namin na pinakausapan ni daddy at no cell phone and internet.
Hindi kasi maalis alis sa isip ko ang nakita at narinig ko sa hospital. Hindi naman kasi halatang may sakit sya eh. Normal na normal kung baga. Sa klase kasi ng sakit na iyun ay makakakita ka kahit maliit na senyales. Pero sa kanya wala eh.
"Wala.. Iniisip ko lang kung ano gagawin ko sa club namin bukas... Si Krissha san na ba? "
"Nah text na dun na daw natin sya antayin sa studio.. Mabilis lang naman daw... Pipili lang sila ng magiging partner for school festival.. Kaya tara na. "
Naglakad na kami ni Chiena papunta sa studio kung saan sina Krissha. Last week of the month na kasi ang school festival. Bawat club may gagawing pakulo. Gaya kina Chiena na nasa art club ay magpapasa sila ng paintings for exhibit at ibebenta after. Kami naman ay magluluto or mag bebake. Magtatayo ng mini cafe para sa gustong kumain habang nag eenjoy sa festival and for the sing and dance club mag peperform for open and close ceremony ng festival.
"Sige na kasi Jingyoung.. One song lang naman kakantahin natin ng duet eh.. Ang arte mo! "
Rinig naming pagtatalo ni Krissha at Jinyoung sa may gilid ng stage. Pinipilit ni Krissha na makaduet si Jinyoung at ang huli naman ay panay tanggi. Nagpapahard to get talaga ang lalaking ito pag dating kay Krissha eh. Alam na alam nya kasi may gusto sa kanya ang kaibigan ko. Kung wala lang talagang reresback sakin isang batalyong fans ng lalaking ito binugbog ko na to sa kaartehan nya eh. Wala naman kasing rason para tanggihan nya ang friend ko. Ganda kaya ng friends ko.
"Ano di pa kayo tapos? Kayo nalang dalawa walang gagawin... "
Tanong ni Mark sa dalawa. Tumingin sya sa gawi namin ni Chiena at nag wave samin. Responsible talaga sya pag ganitong mga bagay. Pwede maging leader.
"Pagbigyan mo na kasi ang kaibigan ko Jinyoung... Duet lang naman.. Di ka naman maano sa isang kanta! "
"Oo nga.. Ano bang inaarte mo? Pahard to get ka pa.. Eh after ng festival mawawala din naman kayo sa school nato"
Gatong pa namin ni Chiena hanggang sa sinundan ng lahat at pumayag na din si Jinyoung na ikinasaya ng subra ni Krissha. Aalis na sana kami after pumayag ni Jinyoung na mag duet sila ni Krissha ng pinigilan kami ng isa nilang member. Yung babaeng nag bigay sakin dati ng form. Si Mikee. Halos magkamembers lang din pala ang dance at voice club eh. Birthday daw nya at nagpa pizza sya.
Nagkakasiyahan ang lahat. Yung feeling na parang wala kayung kasamang celebrities? Na magbabarkada kayung lahat. Ganun na ganun ang eksena namin ngayun. Tawanan,kwentohan at kulitan. Lalo na si Jackson na nakakakain ata ng sampong kilong asukal sa subra ka hyper at pagpapapansin kay Chiena. Wala na yung harang nuon na makalapit kami sa pito. Maliban kay Chiena at Jackson.
"Jinyoung! "
Tawag ko kay Jinyoung ng magtatapon na kami ng basura. Huminto naman sya at hinintay ako. Malapad ang ngiti ko ng huminto ako sa harap nya.
"Thank you! "
"Ha? For what? Si Mikee nag papizza hindi ako. "
Natatawa nyang sagut sakin. Umiling ako habang nakangiti.
"Kasi pumayag kang mag duet kayo ni Krissha.. Isa sa wish nya yun eh.. Makaduet ka. "
"Ahh yun ba? Papayag naman talaga ako.. Gusto ko lang kulitin nya ako... "