3rd Person's POV
Tatlong linggo na mula ng mag simula ulit ang klase. Nagging maganda naman ang simula ng linggo nila Devon at ang inaasahang mga magbabalik ay hindi pa nag balik. Malakas na din ang usap usapan anytime soon ay bigla nalang daw papasok ang mga ito kaya nakahanda din anytime ang pawelcome ng mga estudyante o mga fans ng grupong GOT7.
"Habol nalang tayo sa AVR guys... Taposin na muna natin tung irereport natin mamaya... "
Suhestyon ni Chiena. Wala pa kasing isang bwan ang binigyan na sila ng report ng matandang prof nila sa isang subject at agad agaran ang pag rereport. Kaya lahat sila abala. Ngunit biglaang ipinatawag ang lahat ng mga estudyante dahil may munting palabas sa AVR para sa mga bagung magdodonate ng building sa kanilang skwelahan.
"Hindi naman tayo kailangan dun.. Kaya wag na tayung humabol.. "
Sabat pa ni Krissha na sinimulan ng buksan ang kanyang lap top. Tutuk na tutok silang tatlong sa kanilang ginagawa. Tila hindi na napapansin ang oras at kung may napapadaan ba sa hall way ng room na kinaroroonan nila.
"Devz, dala mo ba yung sample na nagawa natin? Patingin ulit parang may iba kasi dito sa picture kinuha natin. "
Tanong ni Krissha sa katabi habang nakatitig pa din sa screen ng lap top nya. Palingon palamang si Devon para kuhanin ang sample na sinasabi ni Krissha ng may bumulong sa kaliwang tenga nya.
"Hi! How are you? "
Napatingin si Devon sa nagsalita at biglang na tulala ng makilala nya lalaki. Mas lumawak naman ang ngiti ng lalaki ng makita kung gaano ka supresa ang mukha ng dalaga. Kumurap ang dalaga at napatingin sa dalawang kasama nya at nakitang nakatulala din sa dalawang lalaki na nasaharap nila.
Di pa nakarecover si Devon ng bigla syang hilahin ng lalaki palabas ng room. Walang kataotao sa labas. Silang tatlo lang ata ang matigas ang ulo at hindi sumunod sa utos ng dean. Kaya he'to sya ngayun hilahila ng lalaking sa pag aakala nya ay matagal pa nyang makikita ulit. Tila lobong nagpatianod lang si Devon kung saan sya dadalhin ng lalaki. Tila lutang at di alam kung ano ang ginagawa o saan papunta.
Titig na titig si Devon sa lalaking humihila sa kanya. Na kahit nakatalikud ito sa kanya ay kilalangkilala nya kung sino. Sya lang naman ang lalaking matagal na nyang hinintay. Ang lalaking nagpapasaya sa kanya. Ang lalaking nagpapatinbok ng kanyang puso ng mabilis at hindi normal.
Parang kahapon lang umalis ito pero heto't nasa harap nya na ulit at hilahila sya. Bumalik na ba talaga ito? Babalikan na ba talaga sya nito tulad ng sabi nito noon? Ito na ba yung time na hinihintay nya na maging totoo ang mga nararamdaman nila?
Nananatiling nakatitig si Devon sa lalaking nasa harap nya at hinihingal dahil sa pagtakbo patungong hardin ng eskwelahan. Maging si Devon ay hinihingal pero parang wala lang iyun sa kanya dahil sa lalaking kaharap.
"Mark! "
Tila di makapaniwalang sambit ni Devon sa pangalan ng lalaki. Hindi nya alam kung anong nararamdaman nya. Ang bilis bilis ng tibok ng kanyang puso. Ang sayasaya nya na kinakabahan. Si Mark nga. Si Mark Tuan nga ang nasa harap nya. Ang lalaking nakangiti sa harap nya.
"Hi! Kamusta? I'm back! "
Malawak ang ngiting bati ulit ni Mark sa dalaga. Subrang saya nya dahil nakita nya ulit ang dalaga. Ilang bwan din syang walang balita dito dahil hinaharang ito ng management nila para mag focus sila sa kanilang mga karera. Nakakauwi sila pero pinagbabawalang makipagkita sa mga babae kahit tanawin lang ito sa malayo. Kung dati ay nakakamusta nya si Devon sa pamamagitan ni Ylona ay naharang din ito ng manager nila.