Chapter 4
Jenna’s POV
Bumalik agad siya sa hospital para sabihin sa daddy niya ang pinag-usapan nila ni Nick. Pagdating niya roon ay pinapakain ng mommy niya ang daddy niya. Humalik siya sa magulang niya at saka siya nagsimulang magkuwento “Dad, I just talked to Nick, in fact pinuntahan ko talaga siya sa condo unit niya…”
Huminto sa pagkain ang daddy niya at halatang interesado ito sa sasabihin niya. “Did he already said yes?” tanong nito sa kanya.
“No, not yet” sagot niya.
“What do you mean?” ang daddy niya.
Hindi na niya napigilan ang inis na nararamdaman niya “He’s crazy Dad! He will perform the operation in one condition, I have to marry him, isn’t he crazy?”
“Then marry him” sabay na sinabi ng daddy at mommy niya.
Nagulat naman siya sa narinig mula sa mga magulang niya.
Nagsimula ulit na magsalita ang daddy niya. “You don’t want to marry him because you have a boyfriend, yun ba ang dahilan mo?...Jenna, how old are you? Going 26 years old ka na. How many years na kayong magboyfriend, almost 3 years na hindi ba? Did you ever talk about marriage?”
Bumuntung hininga siya saka nagsalita “Dad, we’ll come to that, di pa lang ngayon kasi di pa naman siya stable”.
“Granting na di pa siya stable, pero dapat kung mahal ka niya and he sees you as his future wife, hindi ba dapat ngayon pa lang ay ipinapaalam niya sayo at ipinaparamdam, anyway, you’re not getting younger” sabi ng daddy niya.
“Sabi ko naman sayo anak, kung hindi si Nick ang mag-oopera sa akin hindi na lang ako magpapa-opera, it’s up to you kung gusto mo pa akong mabuhay or just wait for my death” malungkot na sabi ng daddy niya.
“Dad naman, parang pinapapili mo naman ako niyan eh, siyempre gusto kitang mabuhay. Actually ang may kasalanan naman talaga ng lahat ng ito ay si Nick, bakit ba kasi di na lang siya pumayag, kailangang may kondisyon pa” reklamo niya.
“Ako ang may kailangan sa kanya, he has the right to demand. Alam kong mahirap para sa kanya ang ipinakikiusap ko pero sa kanya ako may tiwala at alam kong kaya niyang gawin yon. Ngayon, sayo nakasalalay ang buhay ko. Okay lang naman kung di na ako maoperahan tutal matanda na rin naman ako, you have a stable job and your mom naman will live conveniently even without me. Para wag ka nang mahirapan dahil alam kong mahal mo ang boyfriend mo kesa sa akin kaya you don’t have to marry Nick” parang nangongonsensiya pa ang daddy niya.
Nagsalita naman ang mommy niya “alam mo anak, nung naging boyfriend mo si Elvin kahit di namin siya gusto para sa’yo ay tinaggap pa rin namin wala kang narinig mula sa amin kasi mahal mo siya kaya naman handa na rin sana kaming mahalin siya pero may ginawa ba siya para mahalin namin siya? Hindi kailangan na maging mayaman para mahalin namin siya, ang kailangan lang ay makita namin na mahal ka rin niya. Kung mahal ka niya ay mamahalin din niya ang mga mahal mo. Pero di namin maramdaman ng daddy mo na mahal niya kami at importante din kami sa kanya. Magmula nang naging magboyfriend kayo, ni minsan di ka na niya dinalaw sa bahay, pag may okasyon palagi siyang may dahilan para di makapunta. Sa ginagawa niya na ganon, wala siyang respeto sa iyo at sa mga magulang mo. Kung siya ang gusto mong makasama habang buhay, it’s your choice”.
Di niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya. Di niya namalayan na matagal na palang niyang nasasaktan ang mga magulang niya dahil sa pagmamahal niya kay Elvin. Nagpaalam muna siyang lalabas para magpahangin. She needs air, halos di siya makahinga sa guilt na nararamdaman niya para sa mga magulang niya. Nag-isip siya at nagdesisyon.
“Hello Elvin” tinawagan niya ito sa cellphone. Naimbitahan angbanda nito sa Bicol ng isang politico.
“Hello Jenna. Bakit ka napatawag?” tanong ni Elvin sa kabilang linya.
“Na-miss lang kita saka may itatanong ako sa’yo” sabi niya.
“Ano yon? Bilisan mo lang at malapit na kaming magstart” sabi ng lalaki.
“Vin, let’s get married” sabi niya.
“Jenna, ok ka lang ba? Alam mo naman na ang priority ko ngayon ay ang banda ko, bakit naman nakikisabay ka pa” parang naiinis pa ito sa kanya.
“When will our relationship be your priority?” tanong niya.
“Hindi ko pa alam. Masaya naman tayo hindi ba? Ano ba nangyayari sa’yo?” sagot ni Elvin sa kanya.
BIgla niyang na-realized tama ang mga magulang niya, hindi siya mahal ng lalaki para pakasalan nito. Mahirap man aminin sa sarili niya, nagkamali siya ng piniling tao para mahalin.
“Jenna, are you still there?” si Elvin.
“Yeah, but I guess this is goodbye Elvin. Break na tayo. Goodluck to your career” saka niya ini-off ang cellphone niya.
Niyaya niyang pakasal si Elvin para lang bigyan ito ng chance ngunit talaga palang wala siyang aasahan sa lalaki. Pumasok siya sa kanyang kotse at doon hinayaang tumulo ang luha niya. Nang mahimasmasan siya ay inayos niya ang sarili at nagtungo sa condo unit ni Nick, nagbabakasakali siyang naroroon ang lalaki. Nagtanong siya sa receptionist, wala pa daw ang lalaki. Gusto niyang mainis dahil alas 10 na na ng gabi ay wala pa ito. Bumalik siya sa kotse niya para doon na lang maghintay. Pagkaraan ng 30 minutes ay pumunta na ulit siya sa receptionist para magtanong at kung wala pa din ito ay sa lobby na lamang siya maghihintay. Sabi ng receptionist ay mga 10 minutes pa lamang ang nakakalipas magmula nang dumating ang lalaki. Nagmamadali niyang tinungo ang elevator. Pinindot niya ang doorbell nito ng 5 beses saka ito binuksan. Parang di naman ito nagulat ng Makita siya sa harap ng pinto nito.
“Can I come in?” sabi niya.
Bilang pagsang-ayon ay niluwangan nito ang bukas ng pintuan. Pumasok siya. Nakatitig lang ang lalaki sa kanya, naghihintay ng sasabihin niya. “Operahan mo na si daddy asap” sabi niya.
“Which means you choose to marry me. Then we’ll get married after the operation para naman maka-attend si Doc Rey. I’ll arrange the schedule of the operation tomorrow” saka ito ngumiti sa kanya ng nakakaloko.
Nainis siya sa lalaki kaya naman gumanti siya “Hanggang ngayon ba naman Nick you can’t get over me”.
“Don’t be so presumptuous, let us say I just want to punish you and your boyfriend” sagot nito sa kanya.
“Why is that? Wala naman kaming kasalanan sa’yo o hindi lang matanggap ng ego mo na I chose Elvin over you” iniinsulto niya ang lalaki.
“Why are you telling that to me? Do you want me to change my mind? Sige, don’t marry me, I’ll not perform the operation” matigas na sabi ni Nick.
Bigla siyang nagsisi sa sinabi niya. “I’ll marry you, please help my dad”.
“Then behave” utos ni Nick sa kanya.
“Alis na ako, babalik pa ako ng hospital” paalam niya sa lalaki.
Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.
BINABASA MO ANG
Then came...YOU
RomanceNoon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman ang nagmamahal kay Dr. Nick Jensen pero tahasan nitong sinabi na wala na siyang nararamdaman para sa...