Chapter 7

225K 2.4K 30
                                    

Chapter 7

Pagkatapos ng ilang araw na pananatili ng hospital ay lumabas na rin ang daddy niya. Nakaupo sila sa may garden habang nagmemeryenda nang magsalita ito, “Nakapag-usap na ba kayo ulit ni Nick? Kelan na ang kasal niyo?”

Nalungkot siya sa tanong ng daddy niya dahil hindi naman na sila nag-usap uli ni Nick, ni hindi man lang siya tinawagan ng lalaki para sana mapag-usapan na nila ang kasal nila. Gusto na niyang sabihin sa daddy niya na hindi na lang nila itutuloy ang kasal kaya lamang ay alam niyang excited ito at parang ang pag-attend sa kasal nila ang nagpapalakas dito.

Kinabukasan ay pinuntahan niya sa clinic ang doctor ngunit wala pa ito at nag-opera daw. Hinintay na lamang niya ito sa clinic niya, naidlip tuloy siya sa kakahintay sa lalaki. Nagising siya ng tapik sa balikat niya, si Nick.

“Hey, what brings you here?” tanong nito sa kanya saka umupo sa katapat niyang upuan.

Nainis siya sa tanong nito, nakalimutan na ba talaga nito ang kasal nila “Ah ganon, parang wala tayong dapat pag-usapan”.

“Is there something wrong with Tito Rey?” concerned na tanong ng lalaki.

“It’s not about dad or should I say sort of din. He’s asking about the schedule of our marriage” dineretsa na niya ito.

“Akala ko cancelled na yon since I’ve already operated your dad. There’s no need to fulfill the condition anymore.” sabi nito sa kanya.

 “Ganon, eh di ikaw magsabi kay mommy at daddy”naiinis na talaga siya. Pero binago niya ang tono niya nang maalala niya ang mukha ng dad niya na masayang nag-e-expect ng kasal nila “Sige na, let’s get married, for the sake of my dad”.

“You love your dad that much ha, pati pagpapakasal sa akin ay pinatulan mo just to please your dad. I’m wondering , may kasalanan ka ba sa kanya?” nakatitig ito sa kanya.

“Alam mo, kung meron man akong kasalanan sa daddy ko, wala kang pakialam, ang dapat mo lang gawin eh pakasalan ako” naiirita siya sa lalaki dahil pinamumukha nito sa kanya na ayaw na siya nitong pakasalan.

“Okay, since ikaw ang may kakilalang judge at nakakaalam ng requirements, ikaw na lang ang mag-ayos, I’ll just sign whatever is needed” sabi nito sa kanya.

“Sige, papipirmahan ko na lang sayo yun application for marriage license maybe tomorrow, san kita pupuntahan?” nakataas ang kilay na tanong niya sa lalaki.

“I don’t know what’s my schedule tomorrow, just call me when you need my signature” sagot ni Nick sa kanya.

“Okay but how can I call you when I don’t know your number”asar na sabi niya.

“Ang sungit mo naman, eh di ibibigay ko” natatawa na lang sa kanya ang lalaki. Nang makuha niya ang number nito ay nilayasan na niya ito, nakita niya sa gilid ng paningin niya na nailing na lang ito.

Kinabukasan, before lunch, tinawagan niya ang doctor. Nalaman niyang nasa clinic pa ito pero paalis na. Nagkasundo na lang silang mag-meet sa restaurant na pupuntahan ng lalaki.

Nandoon na si Nick nang dumating siya kausap ang medrep.

“Doc, ang ganda naman ng girlfriend mo”narinig niyang sinabi ng medrep kay Nick. Sumabat siya “Excuse me, fiancée niya ako” saka siya ngumiti sa lalaking medrep. Nagtaas ng kilay si Nick dahil sa sinabi niya.

Tumayo si Nick nang nakalapit na siya at hinila ang silya para upuan niya. Gentleman talaga ito, di niya napigilang humanga rito.

“Doc, ma’m, I’ll go ahead, enjoy your lunch” paalam ng medrep.

Nang makalayo ang medrep ay niyaya na siya ni Nick na kumain. Di na siya nag-inarte dahil gutom na rin siya.

Pagkatapos kumain ay inilabas na niya ang form ng application for marriage license. Pinirmahan naman ito ng lalaki agad saka nagtanong “how long will this take?”

“We’ll get married in one-month time” sabi niya sa lalaki.

Parang nagulat ito “that fast?”

“Yes doc, that fast, might as well enjoy your remaining days of being a bachelor”sabi niya sa lalaki. Tumango lang ito.

“Since napirmahan mo na, I’ll go ahead, may hearing pa ako” paalam niya  sa lalaki.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon