Chapter 47
Dedication:
mistica04
Enjoy Reading ; )
“Marz, pakigawan mo ng petition for annulment si Nick, ikaw na rin ang humawak ha” sabi niya sa kaibigan. “What are you saying? Papayag ka nang ipa-annul ni Nick ang kasal ninyo? Bakit bigla kang sumuko ngayon pang magkakababy na kayo?” nagtatakang tanong nito sa kanya.
“Ayokong maramdaman ng anak ko na “unwanted” siya ng ama niya, hindi lang naman siya ang batang lalaki na walang ama” sagot niya. “Habang inaayos ko ang leave ko ditto sa office, puwede bang sa iyo muna ako tutuloy, Marz at saka bahala ka na sa mga hawak kong kaso ha” pakiusap niya. “San ka naman pupunta?” si Marcy.
“Lalayo muna ako hanggang sa makapanganak siguro” sagot niya. “Parang sa tono mo ay di ka magpapaalam kay Nick, tama ba?” si Marcy. “Wala talaga akong balak magpaalam sa kanya, aalis na lang ako at hindi niya malalaman kung nasaan ako para makonsensiya siya” sabi niya. “Mag-usap nga muna kayo bago ka magdesisyon ng ganyan” si Marcy. “Useless na mag-usap pa kami” sabi niya at saka niya ikinuwento ang nangyari sa clinic ni Mia. “Halika na at tutulungan na kitang kunin ang mga gamit mo sa condo” yaya ni Marcy sa kanya.
Nick’s POV
Nagulat siya nang makita niya si Jenna sa clinic ni Mia at lalo siyang nagulat sa dahilan ng pagpunta nito kay Mia, nahiya siya sa mga sinabi ni Jenna kaya halos hinila niya ito palabas ng clinic. Dahil naiinis o nagseselos pa rin siya kaya hindi maganda ang mga nasabi niya kay Jenna, gusto niyang habulin ito nang umalis ito agad pero hinayaan na lamang niya at ang balak niya ay suyuin ang asawa pagkaraan ng ilang araw dahil sa mga oras na iyon ay naiinis pa rin siya sa sinabi ni Elvin sa kanya. Nagpagabi siya ng uwi, niyaya pa niyang magpunta sa bar si Raffy. Pag-uwi niya sa condo ay tumuloy na siya ng kuwarto, wala roon si Jenna malamang ay nasa kabilang kuwarto iyon katulad nang mga nakakaraang gabi. Paggising niya ng umaga ay nanibago siya, walang nagluluto sa kusina na ipinagtaka niya, pangalawang beses na iyon na nangyari pero iba ang pakiramdam niya ng umagang yon kaya binuksan niya ang kabilang kuwarto. Nakaramdam siya ng pamumutla nang makita niyang wala ang asawa niya roon kaya pumasok siya at binuksan ang mga cabinet, wala na rin ang mga gamit nito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin, kung saan hahanapin ang asawa niya. Tinawagan niya ito pero cannot be reached ang number nito. Naisip niya agad ang mga magulang nito baka sakaling doon ito nagpunta. Tumawag siya agad sa secretary niya para ipa-cancel ang clinic hours niya. Naisip niyang puntahan ang asawa sa bahay ng mga magulang nito.
***********
“Nick, ang aga mo. Si Jenna, di mo ba kasama?” bungad na tanong ng biyenan niyang lalaki.
“Dad, kaya nga po ako nandito baka kako dito nagpunta si Jenna” sagot niya.
“Bakit Nick? Ano ba ang nangyari?” nagdilim na ang mukha ng biyenan niya.
“Nagkasagutan po kasi kami kagabi, paggising ko wala naman na siya” kinakabahan niyang sagot.
“Nick, ipinagkatiwala ko sa’yo ang anak ko, gumawa ako ng paraan para magkalapit kayo muli pero kung hindi mo na siya kayang mahalin, ibalik mo na lang siya sa akin” matgas na sabi nd biyenan niya.
“Hindi po ganon Dad, hindi lang kami nagkaintindihan ni Jenna” paumanhing sabi niya.
************
Nagpaalam na siya sa biyenan niya, halos hindi na ito kumibo, halatang nagtatampo sa kanya. Alam naman niyang may dahilan ito para magtampo, napaka g-a-g-o naman kasi talaga niya para tratuhin ng ganun si Jenna. Pinapangako niya oras na Makita niya si Jenna ay aaminin niya sa asawa ang tunay niyang nararamdaman, na sobrang selos ang nararamdaman niya kay Elvin dahil alam niyang minahal ito ng asawa niya. Si Marcy na lang ang pag-asa niya. Hindi niya alam ang bahay nito kaya sa opisina niya ito pinuntahan. 2 Oras niya itong hinintay, parang di naman ito nagulat nang madatnan siya sa opisina.
BINABASA MO ANG
Then came...YOU
RomanceNoon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman ang nagmamahal kay Dr. Nick Jensen pero tahasan nitong sinabi na wala na siyang nararamdaman para sa...