Chapter 34

173K 1.8K 64
                                    

Chapter 34

Nick’s POV

Hindi naiwasan ang topic tungkol sa church wedding nila habang nagdi-dinner sila. Si Jenna ang sumasagot sa mga tanong tungkol dito. Nakikinig lang siya sa mga palusot nito pero sa hindi nakakaalam ng totoong sitwasyon nila ay talagang maniniwala sa mga dahilan nito, abogada nga sabi niya sa isip niya.

Nang binanggit niya ang tungkol sa pagbibigay ng false hopes sa mga magulang nila ay nagtalo sila. Kahit kinokontra siya nito ay masarap isipin na ayaw siya nitong pakawalan pero alam niyang gusto lamang siyang inisin nito.

Makakatulog na sana siya nang tumabi ito sa kanya na bagong ligo, nanunuot sa ilong ang bango nito na nagpapainit ng pakiramdam niya. Alam niyang sine-seduce siya nito, pinilit naman niyang wag itong patulan pero tine-test nito ang pagpipigil niya. Panalo ito, dahil wala siyang kakayahang tanggihan ang asawa niya.  Mahimbing ang tulog nilang magkayakap.

Nang magising siya ay nasilayan niya agad ang mukha ng asawa na nakayakap sa kanya. Magaan ang pakiramdam niya, ayaw pa niyang umalis sa ganoong posisyon, masarap ang pakiramdam na nakayakap ito sa kanya. Nang gumalaw ito ay nagkunwari naman siyang tulog pa. Naramdaman niyang humigpit ang yakap nito sa kanya at saka lalo nitong isinubsob ang mukha sa may leeg niya, parang inaamoy pa siya nito. Nagkunwaring nagising na siya dahil nakikiliti siya sa ginagawang pag-amoy-amoy sa kanya ni Jenna.

“What are you doing?” tanong niya. “Ang bango-bango mo pa rin, amoy bagong ligo kahit isang gabi na ang lumipas” sagot ni Jenna na hindi lang siya inaamoy kundi ay hinahalikan ng maliliit ang kanyang leeg. Nag-iiba na ang pakiramdam niya, umiinit na kahit ang lakas ng aircon. “Stop it or else..” hindi niya itinuloy ang sinasabi. “Or else …what?” pabulong na tanong ni Jenna na hindi pa rin itinitigil ang ginagawa sa kanya. “Or else we will have breakfast in bed” pabulong niya ring sagot. “I like that, masarap yon” sabi ni Jenna, tumaas na ang mga labi nito, sa chin na siya nito hinahalikan at nang humantong sa mga labi niya ay ginantihan na niya iyon ng mainit na halik. Nagsalubong ang init na nararamdaman nilang dalawa nang umagang iyon. Naidlip sila pagkatapos ng isang matamis na pagsasalo sa kama, nagising siya ng ring ng cellphone niya. Nang tumayo siya ay nagising na rin si Jenna, alas 8 na ng umaga.

Jenna’s POV

Ang sarap ng tulog niya dahil magkayakap sila ng asawa niya, nakasubsob ang mukha niya sa may leeg nito. Kusa kasi siyang nagigising ng alas 6 ng umaga pero kahit gising na siya ay hindi siya bumabangon, iniangat niya ang mukha niya, napangiti siya dahil ang mukha ni Nick ang unang nakita niya pag gising niya. Inamoy-amoy niya ang leeg nito at hinalik-halikan hanggang sa magising ito. Ramdam niya ang pag-iinit ng katawan nito dahil ganon din siya kaya naman ng halikan niya ito sa labi ay buong init nitong sinalubong na nauwi sa “breakfast in bed” nila. Nagising silang pareho dahil sa ring ng cellphone ni Nick. Tiningnan niya ang oras, alas 8 na ng umaga, nagmamadali siyang pumasok sa banyo, may hearing siya ng 10 am, hindi na siya makakapagluto ng breakfast nila. Paglabas niya ng banyo ay nakaupo si Nick sa kama, nakatapis lang ng tuwalya. “Sweetheart, hindi na ako makakapagluto ng breakfast, male-late ako sa hearing” hinalikan niya ito sa labi, palabas na siya ng kuwarto nila ng may maalala siya.  “Anong oras pala nating susunduin si Mama?” tanong niya.

“Ako na lang ang susundo sa kanya. Magdi-dinner kami nila Mia” sagot nito, tumayo ito at nagtungo na sa banyo.

Nagulat naman siya sa sinabi ni Nick sa kanya, akala pa naman niya ay maganda na ang nangyayari sa kanila, sa kama lang pala.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon