Chapter 10
Jenna’s POV
Pagka release ng marriage license nila ni Nick ay ini-schedule agad ang kasal nila dahil aalis ang judge na magkakasal sa kanila. Sinabi niya agad kay Nick na after 3 days ay kasal na nila. Tinawagan niya si Marcy, isang ring abogada, bestfriend niya ito sa law school. “What?! Ikakasal ka na sa isang araw? Nagkita kami ni Elvin last week wala namang sinabi ” sabi ng kaibigan niya.
“Wala talaga siyang sasabihin dahil hindi siya ang groom ko” sabi naman niya.
“Mabuti naman. Pero sino?” nagtatakang tanong ni Marcy sa kanya.
“Si Nick” sagot niya.
“What! Si Nick? Yun hunk na first love mo, pano ang nangyari friend?” tanong ni Marcy sa kanya na para bang natutuwa.
“Mahabang kuwento. Saka na lang pag nagkita tayo” sabi niya sa kaibigan.
“Friend, nagseminar lang ako, ang dami nang nangyari sa buhay mo pero kung kay Doc Nick ka ikakasal, I’m very happy for you. Pero kung kay Elvin, naku Jenna, i-uuntog muna kita” sabi ng kaibigan niya sa kanya.
“Sige na, just don’t forget the date, madami pa akong aasikasuhin” paalam niya kay Marcy.
Naisip niyang tawagan si Nick. “Hello” bati niya. “Jenna, why?” bungad naman sa kanya ng doctor.
“Natawagan mo na ba sila Tita at Nica?” nag-aalangan niyang tanong.
“Hindi. Di rin naman sila pupunta” malamig na sagot ni Nick sa kanya.
“G-ganoon ba, sige, bye” nalungkot siya sa sagot ni Nick. Wala talagang halaga sa lalaki ang gaganaping kasal nila. Ni hindi man lang ipina-alam ng lalaki sa pamilya nito ang tungkol sa kasal nila.
Dumating ang araw ng kasal nila Nick. Ang usapan nila ay susunduin siya ng lalaki sa bahay nila at sabay-sabay na silang pupunta sa Regional Trial Court sa Makati kung saan sila ikakasal.
Pagbaba ng hagdan ay nakita niya si Nick na naka sideview, nakatingin sa labas ng see through window nila. Naka white long sleeves ito na itinupi hanggang siko at naka slacks ng black. Malaki ang pagkakahawig ni Nick sa Hollywood actor na si Chris Evans, 6 feet din ang height ng binata. Siyempre para sa kanya ay mas guwapo ang Filipino version ni Chris Evans. Nakaramdam siya ng kilig dahil ang guwapong lalaking tinitingnan niya ay magiging asawa niya.
Napahinto siya ng paghakbang pababa, naalala niya kung paano nagsimulang sumibol ang pagmamahal niya sa binata. Habang lumalaki siya ay parte na nang buhay nilang pamilya ang pamilya nila Nick. Lalo na nang mamatay ang ama ni Nick. Kahit batang-bata siya noon ay nakita niya na nagmature agad ang lalake, siya na ang humalili sa kanyang ama sa pangangalaga sa kanyang kapatid at ina. Pati siya ay kasama na rin sa responsibilidad nito lalo na at palagi siyang inihahabilin ng daddy niya kay Nick kapag umaalis ang daddy niya. Kahit na 6 na taon ang tanda sa kanya ng lalaki ay hindi niya ito tinatawag ng kuya, hindi naman siya binabawalan ng mga magulang niya. Nasaksihan niya kung gaano naging kaakit-akit si Nick sa mga babae, pati siya ay nilalapitan ng mga ito para mapalapit sa binata.
Tandang-tanda niya nang siya ay 11 years old at ito naman ay 17 years old, nakita niya itong may kasamang magandang babae. Ipinakilala sa kanya ni Nick ang babae bilang girlfriend nito. Nagulat siya sa sinabi nito, noon lang niya naramdaman ang ganoon sakit, parang dinudurog ang puso niya kaya umuwi siya agad. Halos buong araw siyang umiyak, mabuti na lamang at wala ang mommy at daddy niya. Ilang araw din siyang di nakakain. Noon niya na-realize na mahal niya ang binata sa murang edad niya. Pero kahit na alam niyang may girlfriend na ito ay patuloy pa rin na itinangi ng puso niya si Nick. Nang malaman niyang break na ang mga ito ay natuwa siya na napansin naman ni Nica. “Bakit parang masaya ka pa? nagbreak na nga sila, malungkot nga si kuya” sabi ni Nica sa kanya.
Talaga namang masaya sa nangyari na yon kaya sinamantala niya na mapalapit kay Nick. Itinataon niyang yayain ang daddy niya kapag hindi siya pwedeng samahan nito kaya si Nick ang inuutusan para samahan siya na ikinatutuwa naman niya. Matiyaga naman siyang sinasamahan ni Nick. Pagkatapos ay niyayaya niyang kumain ang binata sa Jollibee. Minsan ay tinanong siya nito “Bakit Nick lang ang tawag mo sa akin? 6 years ang tanda ko sa’yo. Si Nica nga, 1 year lang ang tanda mo, ate ang tawag sa’yo”.
“Ayoko nga, hindi naman kita kuya talaga. Bakit? Gusto mo bang kuya ang itawag ko sa’yo?” balik-tanong niya. “Hindi. Ayoko” sagot naman ng lalaki sa kanya.
Naputol ang alaala niya nang marinig niya ang pangalan niya “Jenna, di ba 11 o’clock ang schedule ng kasal, it’s already past 10, di kaya tayo ma-late sa sobrang bagal mo” sabi ni Nick sa kanya na parang naiinis.
Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.
BINABASA MO ANG
Then came...YOU
RomanceNoon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman ang nagmamahal kay Dr. Nick Jensen pero tahasan nitong sinabi na wala na siyang nararamdaman para sa...