Chapter 43

178K 2.3K 111
                                    

As promised, this chapter is dedicated to kyshie, enjoy reading :)

 Chapter 43

Nick’s POV

Nauna siyang nagising kay Jenna, dahan-dahan siyang bumangon para hindi ito magising. Naligo na siya agad. Paglabas niya ng banyo ay wala na si Jenna sa kama. Lumabas siya ng kuwarto, nakita niya ang asawa niya na nagluluto, nakatalikod ito kaya di siya napansin, malaya niyang napagmasdan ito. Naalala niya kung paano nagsimula ang lahat.

 Friday, 7 PM,  kagagaling lang niya ng school, dumiretso siya sa kuwarto niya, hinubad niya ang polo niya, nagpalit ng shorts at saka siya dumapa. Pagod siya sa pag-aaral at pakikipagtalo kay Lhizza. Nagselos ito sa isang kaklase nila. Sinita siya nito, ayaw niya sa babae ang selosa, wala siyang tiyaga kaya nang ayaw nitong pakinggan ang paliwanag niya ay tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa babae.

“Kuya, Kuya” tawag ni Nica sa kanya sa pagitan ng pagkatok nito. “Pasok” sabi niya sa kapatid niya.

“Kuya, kain na tayo” yaya ni Nica pagkapasok sa kuwarto niya.

“Busog ako, kayo na lang” sabi niya. “Okay” akmang isasarado nito ang pintuan nang may maalala, “Kuya, wala bang ipinadala sa’yong book si Ate Lhizza?”

“Wala at hindi na niya ipapadala sa’yo yun kasi break na kami” imporma niya sa kapatid.

“What happened?” curious na tanong nito sa kanya.

“’wag mo nang alamin” maikling sagot niya.

“Okay, sige magpahinga ka na, sasabihin ko na lang kay Mama” sabi ni Nica at saka ito lumabas ng kuwarto niya.

Di niya namalayang nakatulog na siya. Nagising siya sa tapik at boses ni – Jenna. Hindi siya dumilat agad, pinapakinggan niyang mabuti ang boses,  kung si Jenna nga ba iyon. Pagmulat niya ay ang magandang mukha ni Jenna ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa tabi niya. Bagong paligo na ito. Langhap na langhhap niya ang mabangong amoy nito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng init.

“Hey, get up, wag kang magmukmok diyan” sabi nito.

“What time is it?” tanong niya na nakatitig sa mukha nito.

“It’s already 9 o’clock, get up na. Naka alis na si Tita Blessy, ibinilin ka nga niya sa akin na pakainin daw kita” si Jenna.

“Si Nica?” siya.

“Nauna pang umalis kay Tita, may practice daw sila ng sayaw sa school” sagot nito. “Kaya tumayo ka na, kumain ka na. Don’t tell me, magmumukmok ka dito dahil lang nagbreak kayo ng Lhizza na ‘yon” sabi pa nito.

Natawa siya ng bahagya “ang bilis naman ng balita, dapat kay Nica maging reporter eh”.

 “Get up na, kain na tayo” hinawakan siya nito sa dalawang kamay at saka hinila. Nang makatayo siya ay napansin niyang namula ito at nakatingin sa hubad niyang katawan “Hey, bakit namula ka? Ngayon ka lang ba nakakita ng walang tshirt na lalaki?” inaasar niya ito. “Heh! Di noh, marami na akong nakita” sagot nito sabay irap nito sa kanya.

Parang hindi niya nagustuhan ang sagot nito na marami na itong nakitang hubad na katawan ng lalaki, ayaw niya, gusto niya siya lang ang nakita nito. Kumuha siya ng tshirt at saka ito isinuot, “O ayan, di ka na maiilang” sabi niya. Hinawakan niya ito sa kamay at saka niyaya palabas ng kuwarto niya.

Habang kumakain sila ng breakfast ay naramdaman niyang nakatitig si Jenna sa kanya “Why are you staring at me?”

“Wala lang, nag-o-observe lang ako” sagot nito.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon