Chapter 31
Nick’s POV
Pagdating niya sa clinic niya ay marami nang naghihintay sa kanyang pasyente. Lunchtime na nang matapos siya. Dumating naman si Mia, niyayaya siyang mag lunch. Sumama naman siya. Kumain sila nito sa isang japanese restaurant. Mukhang okay naman ang dalaga, nagkukuwento ito ng masasayang pangyayari nung convention nito.
Nagkaroon naman ng emergency meeting ang board of directors na ginanap sa isang restaurant, doon narin sila nagdinner kaya inabot na sila gabi. Nagmamadali siyang umuwi dahil alam niyang naghihintay ang asawa niya pero hindi naman niya natanggihan si Mia nang magpahatid ito sa bahay nila kaya lalo siyang na-late sa pag-uwi.
Pagdating niya sa condo ay lampshade lang ang nakasinding ilaw. Tumuloy siya sa kuwarto nila, nakita niya ang asawa niyang tulog na. Nagring ang cellphone na nakapatong sa mesa, kay Jenna yon. Tiningnan niya kung sino ang caller dahil matagal na itong nagriring, naningkit ang mga mata niya sa nabasa niya sa screen ng cellphone na “Elvin, my love”. Naiinis siya dahil may communication pa rin ang 2, bakit nga naman mawawalan sila ng communication eh sa papel lang naman sila kasal.
Jenna’s POV
Maaga pa rin siyang gumising kahit masama ang loob niya kay Nick, nagluto pa rin siya. Nang lumabas ng kuwarto si Nick ay nakabihis na ito, “susunduin natin mamaya si Mama sa airport, where will I pick you up?” tanong nito sa kanya.
“Anong oras ba ang dating ni Tita?” tanong din niya.
“6 pm” maikling sagot nito.
“Anong oras tayo pupunta sa airport?” tanong niya.
“We have to leave at 5:30, san tayo magkikita?” si Nick.
“Dito na lang kaya, uuwi na lang ako dito ng maaga” sagot niya.
“Okay, I’ll pick you up at exactly 5:30” sabi nito sa kanya.
“Let’s eat” yaya niya sa asawa niya.
“Sa hospital na ako magbe-breakfast” malamig na sagot nito sa kanya.
Nakaramdam na naman siya hindi lamang ng lungkot pati takot na rin dahil parang ang layo na naman ni Nick sa kanya, hindi na naman niya ito maabot.
Lunch time nang makatanggap siya ng tawag mula kay Elvin, “Hello” bati niya.
“Hello Jen, tumawag ako sa’yo kagabi, may sasabihin sana akong importante” si Elvin.
“Maaga kasi akong natulog kagabi, di ko rin nakita ang missed call mo, why?” tanong niya.
“Gusto ko lang sanang sabihin sayo na nakita ko kagabi si Nick, palabas ng restaurant, may kasamang babae” si Elvin.
“Why are you telling me this? Sinisiraan mo ang asawa ko?” nagtaas siya ng boses.
“No, gusto ko lang aware ka sa activities ng asawa mo para naman di ka mukhang tanga” mariing sabi nito sa kanya.
“Baka naman madumi lang ang utak mo, binibigyan mo agad ng malisya ang nakita mo” sabi niya.
“Siguro nga malisyoso lang ako, magkaholding hands lang naman sila at 2 lang sila. Jenna, nagmamalasakit lang ako sayo para maaga pa ay alam mo na ang sitwasyon mo at hindi ka magmukhang katawa-tawa ” sabi nito sa kanya.
Hindi na siya nakapagsalita hanggang sa magpaalam na si Elvin, nahalata nito na affected siya, “Mag-isip ka nga, wag ka magpakatanga” pagkatapos ay ini-off na ni Elvin ang cellphone.
Napatulala na lang siya. Ayaw niyang mag-isip. Hindi pa naman pumasok si Marcy, wala tuloy siyang mapaghingahan ng sama ng loob.
Alas 4 pa lamang ay umuwi na siya sa condo para makapagpahinga at makapag-ayos pa ng sarili niya bago sunduin ang biyenan niya.
BINABASA MO ANG
Then came...YOU
RomanceNoon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman ang nagmamahal kay Dr. Nick Jensen pero tahasan nitong sinabi na wala na siyang nararamdaman para sa...