Chapter 1

398K 3.1K 62
                                    

Then Came...You

Chapter 1

Jenna’s POV

Nagmamadali siyang pumunta sa hospital kung saan isinugod ang kanyang daddy. Halos paliparin niya ang kotse marating lamang agad ang kinaroroonan ng daddy niya. Ilang minuto na mula nang tumawag ang mommy niya sa kanya. Iyak ng iyak ang mommy niya habang ikinukwento ang pangyayari.

Nag-iisa lamang siyang anak kaya naman sobrang close silang pamilya.  Ang mommy niya ay retired manager ng isang malaking bangko.
Ang daddy naman niya ay isang magaling na doctor. Gusto ng mga magulang niyang maging isang doctor din siya ngunit di iyon ang pinapangarap niya at dahil sa pagmamahal sa kanya ay pinayagan siya agad ng  mga ito.  Ngayon ay 1 taon na siyang abogada na nagtatrabaho sa isang malaking law firm. Sa lahat ng bagay ay nagkakasundo sila pwera lang sa isa, hindi ito bagay kundi tao. Hindi gusto ng mga magulang niya ang boyfriend niya for almost 3 years. Hindi rin niya masisi ang mga magulang   niya kung bakit ayaw nila kay Elvin Santos kasi naman ay hanggang ngayon ay wala pa ring nararating ang lalaking minamahal niya. Nakilala niya si Elvin bago siya gumraduate ng college. Isa itong vocalist  at leader ng isang banda.  Naging magkaibigan sila. Niligawan siya nito at pagkatapos ng 2 taong panliligaw ay sinagot niya ito.

Nang makilala niya ito ay puno na itong pangarap para sa kanyang banda. Maganda ang boses ni Elvin, guwapo,  mabait at puno ng determinasyon kaya naman umaasa siya na makakamit din nito ang pangarap  na makilala at sumikat ang kanilang banda.    

Ngunit sa halos mag-a-anim na taon na pagkakakilala niya sa lalaki ay puro pangako lamang ng mga promoter, producer at nakukuha nito. Nanghihinayang siya sa talento ng kasintahan.

Hindi sa kayabangan ay maraming nanligaw sa kanya bago niya sagutin si Elvin at magpahanggang ngayon ay marami pa rin, binabara nga lang niya ang lalaking gusto pa siyang pormahan. Ayaw niyang pag-awayan nila iyon ng boyfriend niya. 

Narating naman niya agad ang hospital.  Nakita niya sa lobby ang mommy niya. Halatang kagagaling nito sa pag-iyak nang salubungin siya.

“Mommy, where’s Dad?” tanong niya.

“Your dad is in the ICU” pahikbing sagot ng mommy niya. “Hindi pa stable ang paghinga niya kanina. Natatakot ako anak baka kung ano ang mangyari sa daddy mo.”

Niyakap niya ang mommy niya. Lumabas naman mula sa ICU ang doctor na tumitingin sa dad niya. Kinausap silang mag-ina at sinabing “Dr. Ed needs to undergo heart by-pass operation within this week. His heart beat is stable now and he’s awake, you can now talk to him.”

Pinuntahan nila ng mommy niya ang daddy niya. He is awake but he has difficulty in breathing, kitang-kita niya iyon.

“Dad, your doctor talked to us already, you need to be operated” sabi niya.

“Yes, I know” mahinang sagot ng daddy niya.

“Dad, sinong doctor ang kakausapin ko para mag-operate sa’yo ?” tanong niya. Gusto niyang maiyak sa hitsura ng daddy niya.

“Talk to Nick, siya ang gusto kong mag-opera sa’kin” sabi ng daddy niya.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon