Chapter 48

276K 3.4K 646
                                    

Chapter 48

Nick’s POV

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin para patawarin siya ng asawa niya pero di siya papayag na di sila magkaayos. “Jen, I know I’ve been an ass, yun siguro ang nangyayari sa mga taong sobrang nagmamahal” tinititigan niya ang mukha ni Jenna pero wala siyang makitang reaksiyon, alam niyang kailangan niyang pagbutihin ang pagpapaliwanag sa asawa. “Jen, you’re right, I can’t get over you kaya nga I  had this crazy idea of forcing you to marry me though you don’t love me. I selfishly used the situation, I know how much you love your father and you will have no choice but marry me. It’s a big gamble on my part, to make you love me again but whenever I hear his name, you talking about him, nawawala ako sa sarili ko  Jenna, I can’t think straight, jealousy is eating me” pangungumpisal niya sa asawa niya ngunit nakatitig lang ito sa kanya.

Jenna’s POV

Nakatitig lang siya kay Nick, tanong niya sa isip niya, nanaginip ba siya? Si Nick nga ba ang  kausap niya? Nang banggitin nito ang pangalan niya ay parang  nagising siya. “Talaga Nick? How about Mia? Ano naman ang papel niya sa buhay mo?” patuyang tanong niya. “Si Mia?” parang nagtataka pa ito sa tanong niya na lalo niyang ikinainis. “Puwede ba Nick, stop pretending, nung huli nating pagkikita di ba halos kaladkarin mo ako at ipinamukha mo pa sa akin na si Mia pa rin ang mahal mo” naiinis siya kay Nick. “Jenna, wala akong matandaang sinabi sayo na siya pa rin ang mahal ko, nabigla lang naman ako sa ginawa mo kaya nakapagsalita ako ng ganon but I don’t mean it.  The truth is, may kasalanan din ako kay Mia dahil madalas ay ginagamit ko siya para pagselosin ka” paliwanag ni Nick.  Napatanga na lamang siya sa mga sinasabi sa kanya ni Nick. “I know I’ve been unfair to her but what can I do, kahit bali-baligtarin pa ako, you are the one I love. It’s over between me and Mia even before we got married at kahit nung kami pa, kapag nababanggit ang kasal hindi siya ang naiisip ko na makakasama ko habang buhay kundi ikaw. I am that pathetic when it comes to you, imagine, ikaw pa rin ang naiisip ko kahit na may boyfriend ka na. May girlfriend nga ako pero iba ang babaeng pinapangarap kong makasama” nakatitig sa kanya si Nick habang sinasabi ang  nararamdaman nito. Alam niyang sa titig na iyon ni Nick ay naghihintay ito ng sagot.

Nick’s POV

          “Jenna, magsalita ka naman, please” sumamo niya sa asawa niya. Blangko pa rin ang mukha nito, hindi niya alam kung pinakinggan ba nito ang mga pinagsasabi niya o hinayaan lang siyang magsalita nito pero pasok sa isang tenga pagkatapos ay labas naman sa isa.

          “Tapos ka na? Umalis ka na” malamig na tugon nito sa kanya at saka tumalikod. “I’m not leaving without you” matigas namang sabi niya. Napahinto ito at saka humarap sa kanya “Okay, ako na lang ang aalis” sabi ni Jenna.

          “Jenna naman, ano bang gagawin ko para mapatawad mo ko? sabihin mo naman” pakiusap niya.

          “Sige patatawarin kita, just get out of my life” tinalikuran na naman siya nito pero maagap siya, nahawakan niya agad sa siko ito, iniharap niya sa kanya at saka niya ito niyakap. Hindi ito gumanti ng yakap sa kanya, masakit but he knows he deserves it. “Nick, I want to rest” sabi lang nito sa kanya. Nang luwagan niya ang pagkakayakap niya ay kumawala agad ito sa kanya at tinungo ang kuwarto. “If you need anything, nandito lang ako” pahabol niyang sabi kay Jenna na hindi naman pinansin nito.

JENNA’S POV

Nang yakapin siya ni Nick ay nakaramdam din siya ng pananabik sa asawa pero di niya iyon ipapahalata kay Nick.  Tinungo niya agad ang kuwarto, nakatulog naman siya agad.

Nagising siya dahil sa kumakalam na ang sikmura niya, gabi na pala. Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang kusina. Papunta pa lamang siya ay naamoy na niya ang ginisa. May nakatalikod na lalaki na nakaharap sa stove, pamilyar sa kanya ang bulto nito, si Nick. Naalala niyang naroroon nga pala ang asawa niya. Naramdaman naman nito ang presensiya niya, humarap ito sa kanya, “gising ka na pala, gusto mo nang kumain?” tanong nito sa kanya. Dahil sa gutom siya ay hindi na siya nag inarte pa. Umupo na siya sa may mesa. Hindi niya mapigilang hindi mapatingin kay Nick, naka-apron pa ito na hindi naman nakabawas sa kaguwapuhan nito. Sa tingin niya ay pumayat ito. Napaiwas siya ng tingin ng biglang tumingin sa kanya si Nick, “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kanya habang inilalapag sa mesa ang niluto nito. “Okay lang” maikling sagot niya habang kumukuha naman siya ng pagkain, talagang gutom na siya. “How many weeks na ba?” tanong ni Nick pero di niya ito pinapansin, tuloy lang ang pagkain niya. “Jenna, sumagot ka naman” pakiusap nito sa kanya. “San ka mag-stay?” tanong niya sa asawa. “Here, because you’re here” sagot nito. “There are only 2 rooms here, yun isa syempre kila Nica, so aalis na lang ako para may tulugan ka” sabi niya. “What are you saying?” gulat na tanong ni Nick sa kanya. “Nakakahiya naman sayo kung ikaw pa ang maghahanap ng tutulugan samantalang sa kapatid mo naman itong bahay” sagot niya. “No, you stay here. Puwede naman ako sa sofa kung ayaw mo akong katabing matulog” sabi Nick. “Ano naman ang sasabihin sa’kin ni Nica pag nakita ka niyang sa sofa natutulog, kapatid ka niya, ako, hipag lang, I’ll find another place” sabi pa niya. “Kung yun ang problema, eh di wag mo akong patulugin sa sofa” sabi ni Nick habang nakatitig ito sa kanya. “What do you mean?” maang na tanong niya at nang makuha niya ang ibig sabihin ni Nick, kunwa’y nainis siya “Ayaw nga kitang Makita, makatabi pa kaya. Marami akong puwedeng tuluyan kaya ikaw na lang sa kuwarto”.  “Sa sofa na lang ako, please wag ka lang umalis” pakiusap nito sa kanya. Tiningnan lang niya si Nick saka niya itinuloy ang pagkain. Napansin niyang hindi kumakain si Nick, nakatitig lamang sa kanya. “Bakit di ka pa kumain?” iritadong tanong niya. “Gusto muna kitang titigan, ang tagal kitang di nakita” sagot nito sa kanya. Pagkatapos niyang kumain ay tumayo siya agad, hinabol siya ni Nick, niyakap. “Ang tagal kitang hinahanap, mabuti na lang naawa na sa akin si Marcy, nakita niya sigurong masisiraan na ako ng ulo pag tumagal pa na hindi kita nakikita” bulong sa kanya ni Nick. KUnwari ay hindi siya apektado sa mga pinagsasabi sa kanya ni Nick pero ang totoo ay kanina pa gustong tumulo ng luha niya kaya mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap ni Nick.        

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon