Chapter 35

176K 1.8K 85
                                    

Chapter 35

Nick’s POV

Sinagot niya ang cellphone niyang nagri-ring, si Mia “Hello” bati niya.

“Hello Babe, dumating pala si Mama Blessy, dinner naman tayo mamaya. Ikaw naman di mo man lang sinabi sa akin agad, kung di pa ako tumawag sa secretary mo dahil may ibibilin ako, di ko pa malalaman na nandito siya. Nagpromise pa naman ako sa kanya na pag-uwi niya dito ay ipapasyal ko siya, you know I love your mom” sabi ni Mia na nasa kabilang linya.

Parang nakonsensiya naman siya dahil sa mga pinagsasabi ni Mia kaya pumayag siya,“Okay, I’ll tell her”.

Paglabas ni Jenna ay nakabihis na ito, hinalikan pa siya nito bago umalis. Hindi nito nakalimutang tanungin ang tungkol sa pagsundo nila sa mama niya. Nang sinabi niya na magdi-dinner sila nila Mia ay nakita niya ang pagkabigla ng asawa niya.

“Okay, yayain ko na lang si Marcy na magdinner para may kasabay naman ako” sabi ni Jenna at saka tinungo ang pintuan.

Hinabol niya ito, nahawakan niya ito sa may braso “call me later, tell me kung san kayo ni Marcy” bilin niya sa asawa.

“Why do you have to know?” matalim ang tingin sa kanya nito.

 “Of course I have to know, baka kung san kayo pumunta at magwala ka” palusot niya.

“Ewan ko sa’yo Nick! Don’t expect my call!” sigaw sa kanya nito saka ibinagsak ang pinto nang lumabas ito.

Sa hospital na siya nagbreakfast, nanibago siya, nasanay na siyang kasabay magbreakfast ang asawa niya.

Pinuntahan siya ni Mia para maglunch, “Nick, let’s go, time-out muna sa trabaho”.

Sa canteen ng hospital na lang sila naglunch dahil marami pa siyang pasyenteng naghihintay.

Habang kumakain ay kuwento ng kuwento si Mia, hindi naman niya naiintindihan dahil iba ang nasa isip niya. Naalala niya ang nangyari sa kanila ni Jenna kaninang umaga, kung di lang siya nahihiya kay Mia ay tatanggihan niya sana ang invitation nitong dinner para sa mama niya. Hindi naman niya puwedeng isama si Jenna sa dinner dahil awkward naman ang magiging sitwasyon nila.

“Hey Nick” narinig niyang sabi ni Mia.

“Ha?” sabi niya.

“Kanina pa ako salita ng salita dito , hindi mo naman  pala ako pinapakinggan” nagtatampo si Mia sa kanya.

“Sorry, iniisip ko kasi yun case nung isang pasyente ko” pagsisinungaling niya.

“Ano nga pala yun sinasabi mo?”tanong niya.

“I’m asking what time are we going to have dinner, where shall we meet?” sabi ni Mia.

“We’ll just pick you up, susunduin ko pa si Mama” sagot niya.

“Okay, sa place ko na lang, call me pag papunta na kayo” si Mia.

************

4 PM nang umalis siya ng hospital para sunduin ang mama niya. Halos mag-iyakan pa ang mama at biyenan niya nang maghiwalay ang mga ito.

Habang nagbibiyahe sila ng mama niya ay tahimik ito, “Ma, why so quiet?” tanong niya.

“Nick, Jenna deserves church wedding, she is an only child, nakakahiya sa mga magulang niya” malungkot na sabi ng mama niya.

“Ma, i’ll repeat, church wedding is sacred to me, I will do it only once kaya gusto ko sa babaeng mahal ko at mahal ako, with Jenna, the situation is different” paliwanag niya sa mama niya.

“So ang problema lang is kung mahal ka ni Jenna, kasi ikaw naman, I know mahal mo pa rin si Jenna, wag ka ng kumontra, alam ko simply because I’m your mother” sabi ng mama niya.

Natawa siya “Mama naman, what if I say hindi ko na siya mahal, di ka pa rin maniniwala sa akin?” tanong niya.

“Big no because I know you are lying. You can fool anybody but me, why? because I’m your mother” nginitian siya ng mama niya.

“What if you are wrong this time?” tanong niya.

“I’ll never be wrong because I’m your mother”  tumawa uli ito.

 “Okay Ma, bahala ka kung ano gusto mong paniwalaan, hindi naman ako mananalo sa’yo because you are my mother” tumawa na lang din siya.

**************

Dinaanan nila si Mia, habang nasa sasakyan ay kuwentuhan na ang dalawa hanggang sa magdinner. Naiinis siya kasi kanina pa siya naghihintay ng text o tawag galing kay Jenna, titikisin yata siya ng asawa niya. Kanina pa din siya tumatawag pero di nito sinasagot. Palagi niyang tinitingnan ang cellphone niya. Napansin iyon ni Mia “Nick, may hinihintay ka bang tawag? Kanina ka pa kasi  abala sa cp mo”.

“Kausap ko kasi yun anak ng pasyente ko,nagtatanong. Excuse me, tatawagan ko na lang” pagsisinungaling niya at saka siya tumayo. Idi-nial niya ang number ng asawa, kung kanina ay hindi siya nito sinasagot ngayon naman ay cannot be reached na ito. Magkahalong inis at pag-aalala ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Lagot sa akin ang babae na yon mamaya sabi niya sa sarili niya.

Bandang alas 8 ay nagyaya na ang mama niya, “let’s go, maaga pa kasi ang flight ko tomorrow papuntang Cebu, next time hahabaan ko ang bakasyon ko”.

“Yes tita, sobrang bitin naman, kung hindi pa nga ako tumawag  sa secretary ni Nick di ko malalaman na nandito ka, ito namang si Nick di man lang sinabi sa akin” reklamo ni Mia.

Pagkahatid nila ng mama niya kay Mia ay nagsalita ang mama niya, “Nick, puwede bang mag-ingat ka sa pagmamaneho, parang wala ka sa sarili mo”.

Di niya ito sinagot. Sinubukan niya ulit tawagan si Jenna, cannot be reached pa rin ito.

“Nick, bakit ba? para kang pusang di mapa-anak. Bakit, di mo makontak ang asawa mo?” tanong nito.

“Ang tigas talaga ng ulo ng babaing yon, sinabi ko sa kanya  sabihin niya sa akin kung saan sila pupunta,   ni text wala man lang, pinagpatayan pa ako ng cellphone” reklamo niya sa mama niya.

“Why do you have to know?” tanong ng mama niya.

“Isn’t it obvious? Asawa niya ako so I have the right to know” sagot niya.

“Sa papel lang naman, di ba?” mama niya.

“Ma, as long as we are married dala niya ang pangalan ko and sagutin ko siya sa mga magulang niya that is why I have to know” sagot niya.

“Okay, pero mag-ingat ka sa pagmamaneho at baka naman tayo ang madisgrasya niyan” paalala ng mama niya.

Pagdating nila sa condo ay wala pa rin ang asawa niya. Pumasok  na ang mama niya sa kuwarto, siya naman ay naiwan sa sala, naupo siya at binuksan ang tv para naman ma-divert ang attention niya. Pero ganon pa rin, tingin siya ng tingin sa oras at sa cellphone niya baka sakaling magtext man lang ito. Pasado alas 10 ng bumukas ang pinto, mag-i-isang oras din siyang naghintay sa asawa magmula nang dumating sila ng mama niya. Tumayo siya agad ngunit parang wala itong nakita, tuloy-tuloy lang sa paglakad. Hinawakan niya ito sa braso at iniharap niya si Jenna sa kanya “where the hell did you come from?” madiin ang boses niya. “I won’t tell you” sagot nito. Naamoy niya ang hininga nito dahil magkalapit ang mukha nila “How irresponsible you are, nagdrive ka ng lasing”.

“Hindi ako lasing, nakainom lang, I know my limitations” sagot nito sa kanya saka hinila nito ang brasong hawak niya, nagtuloy ito sa kuwarto nila. Sumunod siya.

“Sandali nga muna, kinakausap pa kita” hinawakan niya uli ito sa braso.

Kusa naman itong humarap sa kanya “ano ba kasi ang gusto mong malaman? Kung sino ang kasama ko at san ako nagpunta, o sige, sasabihin ko na sa’yo para matahimik ka na, si Elvin ang kasama ko” sabay hila sa brasong hawak niya at saka siya tinalikuran.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon