Chapter 39

167K 1.7K 26
                                    

Chapter 39

Nick’s POV

Ang sarap naman ng goodbye kiss ni Jenna sa kanya kaya lalong gumanda ang araw niya.

Nagkasabay sila ni Carl, kaibigan nila ni Raffy, nang pagpasok sa hospital.

“P’re, nawala lang ako sandali, pagabalik ko may asawa ka na.  Tingin ko naman sa’yo eh hiyang ka kabaligtaran ng ikinuwento ni Mia” kuwento nito sa kanya habang naglalakad sila papunta sa kani-kanilang clinic.

Napahinto siya sa narinig niya mula sa kaibigan “Bakit? Ano ba nag kuwento sa’yo ni Mia?” curious niyang tanong sa kaibigan.

Huminto rin ito at hinarap siya “Sabi lang niya, hoax lang naman daw ang marriage niyo, eventually maghihiwalay din kayo at si Mia ang pakakasalan mo. Yun ang sabi niya” sabi ni Carl.

“GAnon ba” sabi na lang niya at patuloy silang naglakad. Nauna ang clinic ni Carl na madadaanan nila “P’re, I think you have a serious problem. Iba na talaga ang guwapo” biro pa nito sa kanya saka ito pumasok sa clinic.

Hindi na niya nasagot ang biro nito dahil naisip nga niya na mukang may problema nga siya. Naisip niyang kailangan niyang makausap si Mia kaya ng oras ng lunch ay pinuntahan niya ito sa clinic nito. Tama  namang palabas ito ng clinic, “may kasabay ka bang mag lunch?” tanong niya.

“Wala, bakit? Gusto mo ba akong kasabay?” si Mia.

“yeah” pilit ang sagot niya.

“Okay, san mo ko iti-treat?” tanong nito sa kanya.

“it’s your choice” sagot niya.

Masaya naman silang nagkukuwentuhan habang kumakain.  Pag sakay nila ng kotse ay sinubukan niyang itong kausapin tungkol sa estado nila. “Mia, parang wala ka yatang social life nowadays? You should be dating, enjoying your life” sabi niya sa babae. “What are you talking about Nick? You want me to go out on a date?” tanong ni Mia.

“Yeah,  you are single” sagot niya. “How about us?” tinitigan siya ni Mia.

“What us? I’m already married”sagot niya. “Pero Nick hindi mo siya mahal at saka maghihiwalay din kayo di ba, I’ll wait for you” pakiusap nito sa kanya.

“Mia, don’t waste your time waiting for me. Kung maghihiwalay man kami, di ko alam kung kailan” paliwanag niya.

“Pero Nick, ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko, I’m willing to wait” lumuluha na ito.

“Mia, you are a good woman, you deserve a better man, palagi na lang kitang nasasaktan. I want you to be happy” mula sa puso niya ang sinasabi niya kay Mia.

“Stop it Nick, walang pupuntahan ang usapang ito. Hihintayin kita, period” matigas na sabi nito.

Hanggang sa makabalik sila ng hospital ay hindi na siya kinibo ng babae. Ibinagsak pa nito ang pinto ng sasakyan nang lumabas ito.

Mia’s POV

Natuwa siya sa dahil sinundo siya ni Nick sa clinic para kumain ng lunch, masaya silang nagkukuwentuhan. Pero nang sumakay sila sa kotse nito ay biglang gumuho ang mundo niya dahil sa mga sinabi nito sa kanya.

Hindi niya kayang i-give-up si Nick. Marami siyang pangarap  at isa sa mga iyon si Nick kaya hindi niya hahayaang mawala ang lalaki. Masyadong masuwerte naman ang Jenna na yun  kung sa kanya pa rin mapupunta si Nick, hindi puwede, hindi siya papayag. Nagkataon lang na wala siya nung panahon na nagpakasal ang mga ito dahil kung naroroon siya ay hindi niya iyon papayagang mangyari. Ngayong nandito na siya ay babawiin niya ang kanya. Hindi siya si Dra. Mia Sevilla para lang agawan ng sinuman, what Mia wants, Mia gets, yun na ang prinsipyo niya mula pagkabata. Nang makita niya si Nick sa med school ay nakuha na nito ang atensiyon niya kaya kahit alam niyang may mahal itong iba ay hindi iyon naging hadlang sa pakikipaglapit niya sa lalaki. At nang magkaroon siya ng pagkakataon ay hinuli niya ang loob nito, magtatagumpay na sana siya kung hindi lang umeksena ang Jennang iyon. Kailangan niyang gumawa ng move bago pa mahuli ang lahat.

Nick’s POV

Habang nagda-drive siya pauwi ay naisip niya si Mia, naawa siya pero ayaw niya itong paasahin. Gusto naman din niyang maging masaya si Mia kaya niya ito kinausap. Nagsisisi siya kung bakit nasabi niya rito ang estado nila ni Jenna nung bagong kasal sila, kaya hindi rin niya ito masisisi kung nag-e-expect ito ngayon. Sa sitwasyon nila ni Jenna ngayon ay wala siyang balak hiwalayan ito.

Tinawagan niya si Jenna “Where are you?” tanong niya agad.

“Malapit na’ko sa condo”  sagot ni Jenna. “Wait for me, don’t cook anymore, let’s have dinner somewhere else” bilin niya sa asawa.

“Okay” sagot nito. Naisipan niyang i-date naman ang asawa. Hindi naging maganda ang dinner nila nung nakaraang gabi, gusto niyang mabago iyon.

Pagdating niya ay nagtungo agad siya sa unit nila para magbihis naman. Nadatnan na niya si Jenna na nag-aayos ng sarili. Nang makita siya nito ay sinalubong siya ng yakap, niyakap niya rin ito. “Where are we going to eat?” tanong sa kanya. “San mo ba gusto? Japanese?Italian?French?or sa resto-bar ulit?” balik tanong niya sa asawa.

“Ikaw na ang bahala. Bakit ba kasi kailangan pang sa labas tayo kumain, hindi ba masarap ang luto ko?” sumimangot si Jenna.

Hinwakan niya ang dalawang kamay nito, “Hindi ganon. Masarap ang luto mo kaya lang gusto ko naman na mai-date ang asawa ko saka para di ka nagseselos” biro niya. Umirap lang ito sa kanya.

Masaya silang nagkukuwentuhan ni Jenna habang nagbibiyahe papuntang restaurant. Sa isang Japanese restaurant niya ito dinala. Pagpasok nila sa restaurant ay may sumalubong agad sa kanyang babae “Doc Nick! It’s you, sabi ko na nga eh, kilala ko yun dumadating. Ikinasal na daw kayo ni Doc Mia. Congrats! You deserve each other, bagay talaga kayo”  sabi ng babae sa kanya. Bago pa man niya mai-tama ang alam nito ay nagpaalam na ito agad. “Sige, Doc, kumusta na lang sa magandang misis mo” pagkasabi ay umalis na ito agad, ni hindi man lang siya hinintay na makapagsalita, grabe namang manira ng pagkakataon ang babaeng yon, sabi niya sa isip niya. Paglingon niya kay Jenna ay nasa isang tabi na ito, nakahalukipkip at nakasimangot. Pinuntahan niya ito agad “don’t tell me affected ka?” sabi niya kay Jenna.

“Nakakasira kasi siya ng moment eh. Parang nananadya, nakita niyang iba ang kasama mo, si Mia pa rin ang sinasabi niya. Who the hell is she?” naiinis si Jenna.

“Friend ni Mia” sagot niya. “Forget it. Let’s  enjoy our dinner” hinawakan niya ito sa kamay at niyayang  umupo. Pagkaupo nila ay ibinigay agad ng waiter ang menu. Kinuha naman agad ni Jenna. Nakasimangot ito habang namimili ng pagkain, may naalala siya.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon