Chapter 21

206K 2K 27
                                    

Chapter 21

Jenna’s POV

Pumasok siya sa office na masama ang loob at masakit ang katawan. Naka-attend pa rin naman siya ng hearing pero maaga siyang umuwi, pakiramdam niya ay lalagnatin siya. Nagpaalam siya kay Marcy, biniro pa siya nito na wag niyang palagpasin ang pagkakataon sa Coron, seduce him, bilin pa nito sa kanya. Natawa na lang siya sa mga sinabi nito, di lang niya maamin na may nangyari na sa kanila ni Nick.

 Kahit ganon ang nararamdaman niya ay napapangiti siya kapag na-aalala niya ang nangyari sa kanila ni Nick. Kahit na alam niyang hindi na siya mahal ni Nick ay masaya pa rin siya dahil sa lalaki niya kaunaunahang ipinagkaloob ang sarili niya. Sa lalaking mahal at pinapangarap niya.

Pagdating niya sa condo ay nadatnan na niya sila Nica at William. Napansin naman ng mga ito na masama ang pakiramdam niya. Nagtuloy na siya sa kuwarto nila ni Nick at saka nahiga. Halos magkasunod silang dumating ng lalaki. Naramdaman niyang pumasok ito ng kuwarto. Nagsalita ito at uumpisahan na naman siyang inisin. Pinipilit siyang kumain nito dahil hindi puwedeng uminom ng gamot na walang laman ang tiyan. Sa kapipilit nito ay sinabi niyang subuan na lamang siya para sana tumigil na ito sa kapipilit sa kanya. Sa halip na tumigil ay sinubuan nga siya nito kaya napilitan siyang kumain. Sinamantala naman niya ang pagkakataon na iyon, pinilit niyang lulunin ang mga isinusubo ni Nick sa kanya.

Ilang minuto ang nakalipas pagkatapos kumain at uminom ng gamot ay nakatulog na siya. Kusa siyang nagising ng alas 4 ng umaga, pagdilat ng mga mata nya ay nakita niya si Nick na bagong ligo na at kasalukuyang nag-aayos ng gamit na dadalhin sa biyahe. Bigla siyang napabangon dahil naalala niyang alas 5 ang punta nila ng airport, ni hindi pa siya nakapag gayak ng dadalhin niya kaya si Nick ang napagbalingan niya “Bakit di mo ako ginising? Marami pa akong dapat gawin” sabay bangon niya.

“It’s only 4 am, sayang pa ang oras na itu-tulog mo. 4:30 sana kitang gigisingin” sagot nito sa kanya. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Nick.

“Okay naman na, effective yun gamot na ibinigay mo” sagot niya at saka siya nagtuloy sa banyo. Napangiti siya dahil ramdam niyang concern si Nick sa kanya.

Nakagayak na sila ni Nick nang kumatok si Nica at magyaya “guys, tara na”.

Akmang bubuhatin niya ang backpack bag niya nang si Nick ang bumuhat niyon “ako na” sabi nito sa kanya.

Sa buong oras naman ng pagbibiyahe nila hanggang sa makarating sila sa Coron ay nakaalalay palagi si Nick sa kanya. Magkahawak kamay pa silang naglalakad na hindi nakaligtas sa pansin ni Nica. Kinindatan siya nito. Di rin naman niya mapigilan ang di mangiti dahil sa sayang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Pasado alas 8 na ng umaga nang dumating sila sa hotel na tutuluyan nila na nasa isang island. Dumapa agad si Nick sa kama pagpasok sa room nila. Halatang puyat ang lalaki. Narinig niyang nagring ang cellphone niya, si Nica. “Ate Jenna,  magkita na lang tayo sa dining area ng 11:30, after natin mag lunch maglibot na tayo. Rest muna kayo ni kuya lalo na ikaw. Wait, may swimming pool pala dito sa hotel, magswimming na rin tayo” paalala nito sa kanya.

 Inilalagay niya ang mga gamit nila sa cabinet nang magsalita si Nick, akala niya ay nakatulog na ito “Mamaya na yan, come here, mahiga ka muna, I know you’re tired”.

Totoo naman ang sinasabi nito, pagod siya kaya nahiga siya sa tabi ni Nick. Nagulat siya sa sumunod na ginawa nito, hinapit siya ni Nick papalapit sa kanya. Namalayan na lamang niyang nakayakap na ito sa kanya at bumulong “don’t move, let’s stay this way for a while”.  Napangiti siya, kahit hindi lang  for a while, gusto nga niya matagal silang magkayakap ni Nick.

Nagising silang parehas sa katok ni Nica. Siya ang nagbukas ng pinto. “Let’s go na. Mag 12 noon na, sabi ko na nga ba, mapapahaba ang tulog nyo eh. We’ll wait for you at the dining area“ yaya ng hipag niya.

Nagpalit siya ng 2-piece bathing suit. Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang nakatingin si Nick sa kanya, nakakunot noo ito. “Patungan mo yan ng shirt ko, wag kang lalabas ng ganyan lang ang suot mo” sabi nito at saka nagtuloy sa banyo.

Paglabas nito ng banyo ay ini-abot sa kanya ang sando “Wear it”, utos nito sa kanya na sinunod naman niya.

Habang nagla-lunch ay nagkukuwentuhan sila. “Kuya, Ate Jenna, bisitahin niyo naman kami sa States , don naman tayo maglibot. Saka kuya, lagot ka kay Mother dear, nagpakasal ka ng hindi niya alam” sabi ni Nica. “Next month, may conference kami, pupuntahan kita” sagot naman ni Nick. “Bakit ikaw lang? dapat kasama si Ate Jenna” si Nica.

“Conference yon, grupo kaming pupunta” sagot ni Nick. “Eh ano naman, di ba puwedeng sumabay?” si Nica. Nakita niyang tinititigan ni Nick si Nica na para bang sinasabing shut up kaya naman sumabad na siya. “Hayaan mo Nica, i-aayos ko ang leave ko at papasyalan kita don” sabi niya. “Ate, ang gusto ko sabay ninyo akong bibisitahin ni Kuya, hindi isa-isa” si Nica.

“San ba tayo maglilibot after natin kumain?” pag-iiba niya ng usapan.  “Libutin natin itong island then magswimming tayo” sagot ni Nica.

Habang naglilibot ay magkahawak kamay sila ni Nick,  isinantabi na lang niya ang sama ng loob niyang naramdaman nang ayaw siyang isama ni Nick sa conference niya. Ayaw niyang sirain ang mga araw na magkakasama sila. Nag-enjoy naman sila sa pamamasyal palibhasa ay nature lover sila.  Si Nick ay abot ang picture dahil talaga namang maganda ang lugar. Paminsan-minsan naman ay isinasama siya sa kinukuhanan nitong view. Nang mababa na ang araw bandang alas 4 ng hapon ay nagsimula na silang magswimming sa pool. Habang nagsu-swimming ay umiinom din sila ng cocktails.  Kapag natitingin siya kay Nick ay parang umiinit ang pakiramdam niya. Ganoon din kaya ito sa kanya? Napansin niya na maraming babae ang nakatitig o kaya naman ay sinusulyapan si Nick, di pa rin talaga nagbabago ang appeal nito sa mga babae, lalo nga yatang tumitindi ito dahil maski may edad na ay sinusulyapan pa rin siya. Naiinis siya sa mga babaeng umaaligid sa asawa niya, kanya kanya silang paraan ng pagpapapansin kaya pag lalapit na ang mga ito ay inuunahan na niya. Alas 6 na nang umahon sila ng pool. Hiniwakan siya ni Nick sa kamay nang papunta na sila sa hotelroom nila, siyempre kinilig na naman siya.  Nauna na siyang naligo kay Nick. Paglabas niya ay pumasok naman ito agad.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon