Chapter 30
Jenna’s POV
Hindi na siya tumutol nang sabihin ni Nick na magshorts siya, sumunod na lang siya. Sandali lang silang nakapagbabad sa dagat dahil nagyaya na ito agad sa hotel. Nauna siyang nagshower, paglabas niya ay agad namang sumunod si Nick. Nahiga siya sa kama, di niya namalayang nakatulog na siya. Pag gising niya ay madilim na, alas 7 na pala ng gabi. Pagtingin niya sa tabi niya ay tulog din si Nick. Tumawag siya sa customer service at nagpaakyat ng dinner nila ni Nick. Ipinaayos pa niya sa roomboy ang mesa, with matching candle light at champagne pa. Ipinalagay niya ang table sa may terrace kung saan overlooking ang dagat.
Bandang alas 8 ay ginising na niya si Nick sa pamamagitan ng paghalik sa iba’t ibang parte ng mukha nito. Nagising naman ang lalaki sa mga halik niya “what time is it?” tanong nito na tila inaantok pa. “It’s already 8 o’clock. Get up na and let’s eat” sabi niya at saka niya hinila ito sa dalawang kamay. Napadako ang tingin nito sa table na ipina-prepare niya “what’s that?” tanong nito. “Ipina-prepare ko para di na tayo bumaba, dito na tayo magdi-dinner” sagot niya.
Masarap ang kain nila ni Nick dahil parehas silang gutom. “Bakit naman naisipan mo pa ito?” si Nick. “Wala lang, para maiba naman. Maganda naman di ba, ang romantic ng ambiance” sagot niya. Nagkibit balikat lamang ito at itinuloy ang pagkain. Pagkatapos kumain ni Nick ay nagsabi itong mauuna nang pumasok sa, manonod pa raw ito ng tv. Siya ay naiwan sa terrace na mag-isa. Hindi niya sinabi kay Nick ang totoo kung bakit siya nagpahanda ng dinner. Naalala niya kasi noon nang niyaya siya ni Nick na magdinner, nasabi nito sa kanya na next time na magdi-dinner sila ay sa may beach siya dadalhin ng lalaki, romantic daw ang ambiance. Naalala niya iyon kaya siya na ang gumawa ng paraan para makapagdinner sila by the beach kasi hindi na siya nag-e-expect pa kay Nick na tutuparin iyon.
Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay tumabi siya kay Nick na nakahiga habang nanonood ng t.v. Yumakap siya sa asawa, sumiksik siya sa may leeg nito at saka niya ito inamoy-amoy. “What are you doing?” tanong ni Nick sa kanya na parang nagtataka.
“Niyayakap ka. Inaamoy ka” sabi niya. Nakatitig lang sa kanya si Nick na medyo napaawang ang bibig, tila nagtataka sa mga sinasabi niya. Bigla niya itong hinalikan, hindi agad tinugon ni Nick ang halik niya dahil sa pagkagulat pero nang gumalaw ang kanyang mga labi ay para itong biglang natauhan, buong init nitong tinugon ang kanyang halik. Nagmamadali silang parehong hubarin ang damit ng bawat isa, nasasabik silang magdikit ang kanilang mga hubad na katawan at damhin ang isa’t-isa. Ilang ulit nilang pinagsaluhan ang magdamag na tila ba walang kasawaan sa bawat isa.
Mataas na ang araw nang magising siya. Wala na rin si Nick sa tabi niya. Pumasok ito mula sa terrace, “Kanina ka pa gising?” tanong niya.
“Yup, an hour ago” sagot nito.
“Bakit di mo ako ginising?” siya.
“I know napagod ka so I let you rest longer” pilyong ngumiti si Nick sa kanya.
Napatitig na lamang siya sa asawa niya, fresh na fresh ang itsura nito, bagong paligo, naka walking shorts at tshirt lang. Sulit naman talaga ang magdamag niya.
Nag ring ang cellphone ni Nick kaya bumangon na siya at nagtungo sa banyo para maligo. Paglabas niya ay tiningnan niya ang oras, alas 10 na pala. Hinanap ng mata niya si Nick, nakita niya itong nasa terrace na naman, nakatingin sa malayo.
Nang maramdaman nitong tapos na siyang maligo ay pumasok na ito mula sa terrace, “darating daw si Mommy sa Tuesday, nagpapasundo sa airport” sabi nito. “Halika na, gutom na ako” yaya nito sa kanya.
Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa souvenir shop. Nilapitan agad ni Nick ang mga nakadisplay na ternong mga perlas, sumunod siya sa asawa niya. Alam niya kung sino ang bibilhan nito, susubukan niyang maglambing sa asawa niya. Kumapit siya sa asawa at saka siya naglambing “Nick, bilhan mo naman ako n’yan” itinuro niya ang hawak nitong set ng perlas. Tiningnan siya ni Nick at saka nagtanong sa saleslady “how much is this?”
“Five thousand pesos, sir” sagot ng saleslady. Muling tumingin si Nick sa kanya, “too expensive for you” saka ito umiling.
Nasaktan siya sa isinagot sa kanya ni Nick, hindi niya akalaing tatanggihan siya nito. Five thousand lang, kayang kaya niyang bilhin yon pero si Nick namamahalan bilhin iyon para sa kanya, naglalambing lang naman siya. Lumayo na lamang siya baka kung ano pa ang sabihin nito na ikakasama ng loob niya.
Hanggang bumalik sila sa hotel ay hindi niya kinakausap ang lalaki. Hanggang matapos niyang i-ayos ang gamit nila ay hindi pa rin niya ito kinakausap. Pagbaling niya ay halos magkabungguan sila ni Nick saka niya napansin na may hawak ito, isang box kung saan nakalagay ang set of pearls “for you, nagtampo ka naman agad” nakangiti ito sa kanya.
Para namang napawi lahat ng sama ng loob niya kay Nick nang makita niya ang matamis na ngiti nito sa kanya.
Gabi na silang dumating sa Manila. Pagdating sa condo ay nakatulog silang pareho agad, masarap matulog dahil nakayakap si Nick sa kanya.
Maaga siyang gumising, kahit na puyat o pagod siya ay ganado siyang magluto dahil si Nick ang kakain ng niluto niya.
Pagkatapos niyang maghanda ng mesa ay pumasok siya kuwarto para gisingin ang lalaki ngunit naliligo na pala ito. Paglabas nito ay nakabihis na, napatanga siya, para na naman siyang teenager na nakita ang crush niya, ganoon siya noon kay Nick, hanggang ngayon ay ganoon pa rin, napapatanga pa rin siya rito. “What? May problema ba sa suot ko? ” tanong nito sa kanya.
“Ha, wala” para siyang nagising nang magsalita ito. “Kain na tayo” yaya niya rito. “Ang aga mo namang gumayak” sabi niya kay Nick habang kumakain sila. “Maaga akong magstart mag clinic, pinabalik ko ngayon yun mga pasyente ko nung Friday” sabi nito sa kanya.
“Ano palang gusto mong dinner mamaya? Dadaan ako sa supermarket” tanong niya sa asawa. “Fish and veggies. Ibibigay ko nga pala sayo yun extension ng credit card ko, yun ang gamitin mo sa mga kailangan dito” sabi nito sa kanya.
“No need, may card naman ako” sabi niya.
“Jenna, wag ka nang kumontra, ako ang lalaki kaya dapat ako ang magprovide ng lahat ng kailangan dito sa bahay” matigas na sabi nito sa kanya.
“Okay, as if wala akong sinabi” sabi na lang niya.
Pagkatapos nilang kumain ay naunang pumasok si Nick, sumunod siya pagkatapos niyang magligpit ng kinainan nila, husto namang lumabas ito, muntik na silang magkabungguan.“Mauna na ako” paalam nito sa kanya. “Wait” sabi niya. Nang tumingin ito sa kanya ay hinalikan niya ito sa labi na tinugon naman ni Nick. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay nagsalita ito “nakaligtas ka sa akin kagabi, mamaya hindi na” sabi nito na nakatitig sa mga mata niya. Kinilig siya at maisip pa lang niya ang mangyayari sa kanila mamayang gabi ay umiinit na ang pakiramdam niya. Excited tuloy siyang gumabi na.
Inspired siyang magtrabaho dahil maganda ang nangyayari sa kanila ni Nick. Pagkatapos niyang mag hearing ay niyaya siya ng kliyente niyang maglunch. Paghinto niya sa restaurant na pagkakainan nila ay napalingon siya sa pinto ng restaurant, may lumabas naman na lalake at babae na nagtatawanan pa, kilalang-kilala niya ang lalaki dahil iyon ay ang asawa niya at ang ex nito na si Mia. Sinundan niya ng tingin ang 2, ipinagbukas pa ni Nick si Mia ng pinto ng kotse. Para namang pinipiga ang puso niya sa nakita, masakit makita na magkasama ang 2, parang di siya makahinga sa sakit na nararamdaman. Kung gaano kaganda ang umpisa ng umaga niya ay parang gumuho naman ng mga oras na iyon. Nawalan siya ng ganang magtrabaho, may hearing pa naman siya ng hapon na iyon.
Alas 5 na nang matapos ang hearing, pati trabaho niya ay nadamay sa selos na naramdaman niya, napagsabihan tuloy siya ni Judge Ancheta nung hearing, nahiya siya sa kliyente niya.
Tumuloy pa rin siya sa supermarket kahit masama ang pakiramdam niya. Pagdating niya ay nagluto agad siya pagkatapos ay nahiga siya sa couch, di niya namalayang nakatulog siya.
Nang magising siya ay tiningnan niya agad ang orasan, alas 8:30 na ng gabi ay wala pa rin si Nick. Pumasok na siya sa kuwarto nila, nagshower, gusto na niyang matulog, wala na siyang balak kumain, nawalan na siya ng gana.
Naramdaman niyang dumating si Nick, sinulyapan niya ang orasan, alas 10 na nang gabi, malakas ang kutob niya kaya ito ginabi ay magkasama sila ni Mia. Hindi na siya tumayo para ipaghain ito at asikasuhin, nagkunwari siyang tulog. Kahit naririnig niyang nagri-ring ang cellphone niya ay hinayaan lang niya, ayaw niyang tumayo at kunin iyon sa mesa dahil nandoon si Nick. Pinangatawanan na niya ang pagpapanggap na tulog siya.
Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.
BINABASA MO ANG
Then came...YOU
RomanceNoon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman ang nagmamahal kay Dr. Nick Jensen pero tahasan nitong sinabi na wala na siyang nararamdaman para sa...