Chapter 42

195K 2.3K 127
                                    

Chapter 42

Nick’s POV

Pagdilat niya ay mukha ni Jenna ang nasilayan niya. Nakayakap pa ito sa kanya. Pagtingin niya sa wall clock ay alas 6 na ng umaga. Tulog pa rin ang asawa niya. Alas 6 ang regular na oras ng gising nito ngunit ng oras na iyon ay tulog na tulog pa ito, napangiti siya, napagod ang asawa niya sa ginawa nila ng nakaraang gabi hanggang kaninang madaling araw. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap nito sa kanya. Sosorpresahin niya ito, siya ang magluluto ng breakfast.

Nagluluto na siya nang bumukas ang pinto ng kuwarto nila. “Nick! Bakit hindi mo ako ginising?” parang naalimpungatan pa ito, kumot pa nila ang nakabalot sa katawan nito.

“It’s okay, alam kong pagod ka kaya hindi ka nagising sa usual na gising mo. Halika na rito, malapit na akong matapos magluto” tawag niya kay Jenna. Pumasok na uli ito sa kuwarto nila.

Paglabas ay naka robe na ito saka naupo. Kahit nakatalikod siya ay ramdam niyang nakatitig sa kanya ang asawa. “Jenna, stop staring baka di ko matapos ito at iba na ang gawin natin” sabi niya.

“How did you know I’m staring at you? May mata ka sa likod?” natatawang tanong ni Jenna sa kanya.

“I can feel your eyes burning with desire” biro niya. “Doc, sobrang conceited ka na ha” si Jenna. Nang matapos siyang magluto ay naghain na siya. Bacon and egg lang naman iyon pero parang ang sarap sarap ng kinakain ni Jenna. “Hey, gutom ka?” puna niya sa asawa.

“Hindi ba obvious, na-drain ako eh kasi yun isang tao diyan grabe ang energy” tuloy pa rin ang pagkain nito. “Nagrereklamo ka ba?” tanong niya.

“Sabi ko lang na-drain ako, reklamo na ba yon?” nakangiti ito sa kanya.

“Para kasing nagrereklamo ka eh, next time di na kita papagurin” kunwari ay seryoso siya.

“Okay, ikaw na lang ang papagurin ko” sabi nito saka siya kiniliti sa tagiliran. “Jenna, ano ba, I’m serious” sabi niya.

 Tumayo si Jenna, pumunta sa likuran niya at saka siya niyakap. Hinalikan siya sa may leeg pataas hanggang sa may tenga. Kinilabutan naman siya, nag-iiba na ang pakiramdam niya. Binulungan siya ng asawa “reserve your energy tonight, mapapalaban ka”. “Okay, tingnan natin kung sino ang susuko” sabi naman niya. Sabay silang natawa sa pinag-uusapan nila.

Inihatid niya ito sa office, susunduin na lamang niya ulit kapag uwian na. Masaya siyang pumasok sa clinic niya. Hindi niya inaasahang may naghihintay na sa kanya roon, si Mia. “Hi, good morning” bati nito at saka siya hinalikan sa pisngi. Nailang siya sa ginawa nito.

“It’s my birthday, day after tomorrow, in case kinalimutan mo na. Magpa-party ako, so, I’m inviting you and Jenna”   sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.

Nahalata ni Mia na nagulat siya. “Yes, isama mo si Jenna. I’ll text you the details tomorrow. Aalis na ako, mag naghihintay na akong pasyente. See you” paalam nito sa kanya.

Napaisip siya, ano kaya ang nakain ni Mia at ini-invite din nito si Jenna. Sana ay natanggap na nito na hindi na nila puwedeng ituloy pa ang relasyon nila.

Ayaw na niyang mag-isip muna, maganda ang araw niya, gusto niyang magtuloy-tuloy iyon.

Lunchtime nang may matanggap siyang tawag mula kay Jenna “Hello, naglunch ka na?”

“What time is it?” tanong niya kay Jenna.

“It’s already 12 noon, mukang di ka pa kumain. Time out muna sa work, eat your lunch on time” paalala nito sa kanya.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon