Chapter 9
Si Elvin ang tumatawag. Sinagot na rin niya ang tawag kahit na wala siya sa mood kausapin ito.
“Hello sweetheart” bungad ni Elvin.
“Hello Elvin, bakit ka napatawag?” sabi niya.
“I miss you” si Elvin.
“Akalain mo kung kelan break na tayo saka ka naman nag-e-effort tumawag sa’kin. No’n eh kahit di tayo magkausap okay lang sayo. Galit ka pa nga pag tinatawagan kita , hindi ba?” di niya napigilan ang sarili na barahin si Elvin. Ngayon niya nare-realize na nagpakatanga siya rito.
“Di naman ganon sweetheart, nagkakataon lang kasi na busy kaya di ako nakakatawag” mahinahong paliwanag sa kanya ng lalaki.
“Sige na, marami pa akong gagawing pleadings” ini-off na niya ang cp niya.
********************
Matagal na siyang nakahiga sa kama niya ngunit di pa rin siya makatulog. Nagfa-flashback sa kanya kung ano ang nangyari sa kulang 3 taon na relasyon nila ni Elvin.
Nakilala niya si Elvin nung siya ay nasa college pa lamang. Parehas sila ng unibersidad na pinapasukan. Kaklase niya ito sa ibang subjects. Napansin niya ang lalaki dahil kadalasan ay late ito at palaging may nakasukbit na gitara bukod pa sa guwapo ito. Sa katunayan ay may hawig ito sa rakistang si Bamboo. Naalala niya nung unang beses na tumabi sa kanya ito sa upuan. Ngumiti ito at sumenyas kung may nakaupo ba sa tabi niya. Mula noon ay palagi na silang magkatabi sa mga subjects na magkaklase sila. Naging mag MU sila nung college hanggang siya ay pumasok sa college of law. Official siyang niligawan nito ng siya ay 2nd year law student na. Sinagot naman niya ito bago siya gumraduate ng law.
Nuong unang taon ng relasyon nila ay hindi siya gaanong binibigyan ng panahon nito, para lamang dati ang pagkikita nila nung hindi pa sila. Isinisingit lang siya nito sa schedule ng lalaki. Parang nasanay naman na siya sa ganoong set up. Maraming pangarap ang lalaki na sinasabi sa kanya noon kahit puro para sa banda ang mga iyon ay masaya siyang nakikinig at sumusuporta dito. Hindi nga niya napansin na hindi siya kasama sa mga pangarap nito.
****************
Alas 9 ng umaga nang magising siya dahil sa tunog ng cellphone niya. Pupungas-pungas pa siyang sumagot, di niya tiningnan kung sino ang caller, “Hello” bungad niya.
“Hello, where are you?” sabi ng baritonong tinig na biglang nanuot sa kalamnan niya.
“Wala akong hearing ngayon. Nandito ako sa bahay” sagot niya.
“Sunduin kita after lunch, mag clinic lang ako” sabi ni Nick sa kanya.
Na-excite siya bigla sa pagkikita nila ni Nick.
Sabay-sabay silang kumain ng tanghalian ng mga magulang niya. Ibinilin na lang niya sa mga ito na pag dumating si Nick ay tawagin siya dahil may pupuntahan silang dalawa.
Naligo na siya agad dahil baka dumating na ang lalaki.
Nick’s POV
After lunch na siyang matapos mag-clinic, naglunch naman siya bago niya sunduin si Jenna.
Pagdating niya sa bahay ng mga Rodriguez, sinalubong siya ng mommy ni Jenna. Humalik siya rito saka bumati “Hi Tita, si Jenna po?”
“Hay naku Nick, kanina pa pumasok sa kuwarto niya, ikaw na lang ang tumawag sa kanya” utos naman sa kanya ng ginang. Tatanggihan sana niya ito ngunit magsasalita pa lamang siya ay tumalikod na ang ginang. Wala siyang nagawa kundi puntahan ang dalaga sa kuwarto nito.
BINABASA MO ANG
Then came...YOU
RomanceNoon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman ang nagmamahal kay Dr. Nick Jensen pero tahasan nitong sinabi na wala na siyang nararamdaman para sa...