Chapter 36
Jenna’s POV
Naiinis siya kay Nick, nagset pa pala ito ng dinner kasama si Mia. Hindi talaga nawawala sa eksena ang babaeng yon. Mabuti na lamang at nandoon si Marcy, may kasama siyang magdidinner. Bandang alas 5 ng tumawag si Nick, hindi niya iyon sinagot. Paulit-ulit itong tumatawag, text din ito ng text. Binubura niya lang ang text nito, di niya binabasa sa inis niya kay Nick.
Sa isang resto bar sila nagpunta ni Marcy, habang naghihintay sila ng order ay ikinukuwento niya sa kaibigan ang kung bakit wala siyang kasamang magdinner. Naiinis din ito kay Nick, nag-sugugest pa ito “friend, i-off mo na yang cp mo para lalo siyang mainis”. Sinunod naman niya ang sinabi ng kaibigan. Uminom sila ng tig-isang bote ng beer at saka nagpalipas ng oras sa panonood sa acoustic performer. Past 9 na silang naghiwalay ni Marcy.
Pagdating niya sa condo ay nandoon na sila Nick. Hinihintay siya nito, alam niyang inis ito sa kanya at lalo pa niya itong iinisin. Hindi ito nakakibo nang sinabi niyang si Elvin ang kasama niya ng gabing iyon. Nagtuloy siya sa banyo, paglabas niya ay wala na si Nick sa kuwarto nila. Dahil siguro sa beer na nainom niya ay nakatulog agad siya.
Pag-gising niya kinabukasan ay nasa tabi na niya si Nick,hindi na niya namalayang humiga ito, bumangon na siya para magluto ng breakfast.
Pagkaluto niya ay tamang lumabas na rin mula sa kuwarto ang biyenan niya. Tinanong nito si Nick “gising na ba si Nick?”
“Kanina pong lumabas ako eh tulog pa po” sagot niya.
“Okay, I’ll wake him up” presinta ng biyenan niya.
Nang lumabas si Mama Blessy niya ay sumunod na rin itong lumabas ng kuwarto, kagigising lang.
Magkakaharap sila sa dining table, nagtanong ang biyenan niya “Jenna, sino nga pala ang kasama mong nag-dinner kagabi?”
“Si Marcy po” sagot niya, tiningnan siya ng matalim ni Nick.
“Where?” tanong ulit ng biyenan niya.
“Sa isang resto-bar po sa Makati” sagot niya.
“Ginabi po kami kasi nalibang kami sa oras dahil don sa acoustic performer, ang galing kasi Ma” kuwento niya. Nakatitig sa kanya si Nick na parang tinatanto kung totoo ba ang sinasabi niya.
“Sayang naman, sana pala ay sumunod kami sa inyo” si Mama Blessy.
“OO nga po, maaaliw ka Ma” panghihinayang niya.
“Paano naman tayong makakasunod Ma eh cannot be reached siya” sabad ni Nick.
“Oo nga pala Jenna, huwag mong inio-off ang cellphone mo pag di kayo magkasama ni Nick, alalang –alala sa ‘yo eh, para siyang pusang di mapa-anak kagabi nung hindi ka makontak” kuwento ng biyenan niya.
“Ma, wag kang exaggerated. Kaya lang ako tumatawag sa kanya kasi alam kong careless siya. Eh di tama nga ako, nagdrive siya ng nakainom” sangga ni Nick sa sinabi ng mama niya.
“Is it true Jenna, nagdrive ka ng nakainom” tanong sa kanya.
“Isang bote lang naman po, Ma, kaya ko naman po ang sarili ko” sagot niya.
“Isang bote lang naman pala eh pero hija, don’t do it again yun hindi pagsagot sa call ng asawa mo, parang masisiraan ng ulo pag di ka nakakausap” biro ng biyenan niya.
“Ma, stop it! Baka maniwala si Jenna sa mga sinasabi mo” napikon si Nick.
“Don’t worry, hinding-hindi ako maniniwala, alam ko namang joke lang yon eh” sabi na lang niya.
BINABASA MO ANG
Then came...YOU
RomanceNoon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman ang nagmamahal kay Dr. Nick Jensen pero tahasan nitong sinabi na wala na siyang nararamdaman para sa...