Chapter 6

235K 2.5K 100
                                    

Chapter 6

*************************

 Ilang araw din namalagi sa ICU ang daddy niya para matiyak ang kaligtasan nito. Magmula nang operahan ang daddy niya ay di na muli silang nagkita ni Nick. Si Elvin naman ay madalas tumawag sa kanya ngunit di niya ito sinasagot, mag-iisang linggo na ang banda nito sa Bicol. Alam niyang malapit na itong dumating. Yun ang ikinakatakot niya ang pagkikita nila ni Elvin dahil alam niyang kailangan niyang sabihin ang totoo rito. Talagang magagalit ito pag nalaman nito ang pagpapakasal niya kay Nick ang dahilan kung bakit siya nagkipag-break sa lalaki. Noon pa man ay selos na selos na ito  kay Nick.

Pagdating ng hapon ay pumunta na siya sa hospital para dalawin ang daddy niya. Pagpasok niya sa kuwarto nito ay nakita niyang may ibang tao sa dito. Nakatalikod, pero alam na alam niya kung sino ito. Nakita siya agad ng mommy niya. “Jenna, tamang-tama ang dating mo at nandito din si Nick” sabi ng mommy niya.

Lumapit siya sa mommy niya at humalik sa pisngi nito, sumunod naman niyang hinalikan ay ang daddy niya na ngayon ay nakaka-upo na.

“Jenna, sabi ko kay Nick, puwede nang i-schedule ang kasal niyo, papalakas naman na ako” sabi ng daddy niya.

“Dad, magpagaling ka muna ng husto para maihatid mo ako sa altar” putol niya sa sinasabi ng daddy niya.

“Sabagay, pwede na nating i-sked ngayon kahit bukas na tayo magpakasal, abogada ka, I’m sure may kakilala kang judge na puwedeng magkasal sa’tin” si Nick naman ang nagsalita.

“Sige bukas na kayo magpakasal, to follow na lang ang church wedding” masayang pagsang-ayon ng daddy niya.

“Tito Rey, kanina ka pa nakaupo, mahiga ka na ulit at magpahinga. Kami na ang bahala ni Jenna sa kasal. Magmemeryenda lang kami sandali” sabi Nick.

Paglabas nila ng kuwarto ay niyaya siya ni Nick na magkape. “Obvious naman na excited ang daddy mo sa kasal.  Sa akin naman Jenna okay lang na di matuloy ang kasal, ikaw na lang ang magsabi sa parents mo” parang walang interes na nagsasalita si Nick.

“Ganon umuurong ka na sa usapan, eh di ikaw ang magsabi kila mommy at daddy pero kapag may nagyari sa daddy ko, ikaw ang mananagot” matigas na sabi niya.

“Why do I have this feeling na gusto mo akong maging asawa” saka ito ngumiti ng nakakaloko.

“Excuse me, kaya lang naman ako pumayag magpakasal sayo dahil yun ang kondisyon mo, kung ngayon eh ayaw mo nang magpakasal, well good as long as you are the one who’s going to break the news to my parents especially to my dad. I don’t want to be the cause of his pain” madiin niyang sabi.

“Easy, masyado kang hot, if that’s the case, let’s get married pero sa huwes lang. I don’t want to experience the agony of twice annulling the marriage” sabi ni Nick sa kanya.

“I beg your pardon” sabi niya.

“Hindi ba pag church wedding kahit na annulled na ang marriage civilly kung gusto mong magpakasal ulit sa church eh you still also have to file annulment before the Catholic church” paliwanag nito sa kanya as if di niya alam iyon.

“Oo nga, alam mo pala yan” sabi niya. Nasaktan naman siya sa sinabi nito, may balak pala talaga itong magpakasal pa muli. Samantalang siya, hindi na siya nag-iisip pa ng pagpapakasal ulit, unfair naman yata yon.

“Ikaw na rin ang magsabi sa kanila na ayaw mo ng church wedding” sabi pa niya.

“Okay, no problem, anyway daddy mo naman yon, kung atakihin siya, ikaw ang may kasalanan” nakangiti itong nakikipag-usap sa kanya.

“Ewan ko sa’yo” naiinis siya sa lalaking kaharap bakit ba sa tingin niya ay lalo itong gumuguwapo.

Pagkatapos nilang uminom ng kape ay inihatid na siya ng lalaki sa kuwarto ng daddy niya.

*******************

Dalawang araw pagkatapos nilang mag-usap ni Nick ay may naging bisita siya sa opisina, si Elvin. Mukhang galit ito kaya niyaya na lamang niya itong lumabas ng opisina. Nagtungo sila sa isang coffee shop.

“I-explain mo sa akin ngayon kung bakit bigla kang nakipag-break sa akin, alam mo naman na kapag nawawala ako sa mood ay naapektuhan ang performance ko” sabi nito sa kanya.

“You don’t know what I’m going through that time, nasa ICU ang daddy ko fighting for his life, he needed to be operated, I needed someone to rely on, nasaan ka?” naglalabas siya ng sama ng loob sa dating kasintahan.

“You know where I was at that time. Hindi ko na kasalanan yon, may gig kami sa Bicol. Ano naman ang gusto mong gawin ko? Pag sinabi mong may problema ka iiwan ko agad ang banda ko?” paliwanag sa kanya ni Elvin. Alam naman niyang nasa Bicol ito kaya hindi siya dapat mag-expect pero ewan ba niya at yun ang nararamdaman niya.

“I’m getting married” malamig na sabi niya.

“What?! With whom?!” sigaw nito sa kanya.

“Wag mo nang alamin kung sino, pero ang kapalit non ay buhay ng daddy ko”sabi niya sa lalaki.

“Sino nga eh?!” sigaw nito sa kanya sabay hampas ng malakas sa mesa. Natakot siya kaya sinabi din niya, “Si Nick”.

“That bastard! Hindi pa rin niya matanggap hanggang ngayon na ako ang pinili mo because I am a better man than he is” sabi ni Elvin. Ilang sandali din hindi ito nagsalita kunwa ay nag-isip   pagkatapos ay nagbago ito ng tono, “Honey, sige papayagan kitang  magpakasal sa kanya pero promise me babalik ka sa akin at huwag kang papayag na may mangyari sa inyo, iningatan kita sa matagal na panahon. Pero para sa daddy mo, magsasakripisyo ako. Basta ako lang ang mahal mo” para itong batang nakikiusap sa kanya kaya tumango na lamang siya ng bahagya kahit na alam niya na may nagbago na sa feelings niya para sa dating kasintahan.    

Madalas tumawag sa kanya ngayon si Elvin, bagay na ikinapanibago niya, noong sila pa kasi ay madalang itong tumawag. Madalang naman niya itong sagutin at pag kinausap niya ang lalaki ay ipinapa-alala niya na ikakasal na siya. “Kahit kasal ka na ay hindi pa rin tayo maghihiwalay dahil hindi naman totoo ang kasal nyo. Tayong dalawa pa rin ang nagmamahalan. Pangako ko sayo babawiin kita sa kanya at ipangako mo sa akin na hindi mo siya mamahalin, hihintayin mo ako” sabi ni Elvin sa kanya.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon