Chapter 23

198K 2K 26
                                    

Chapter 23

Nicks’s POV  

Hindi pa rin nagbabago si Jenna, selosa pa rin ito at hindi pa rin siya nagbabago natatawa at natutuwa pa rin siya kapag nagseselos ito. Bumalik sa kanyang alaala nung napapansin na niyang nag-iiba na ang pagtingin sa kanya ng batang si Jenna noon. “Bakit sinabi mong may girlfriend na ako?” tanong niya narinig niya kasing may nagtanong kay Jenna kung may girlfriend na siya. “Eh ano naman kung sabihin kong may girlfriend ka na? bakit type mo ba siya eh ang pangit naman non, ang payat payat parang may sakit, ang laki-laki ng mga mata, pati labi nakabusarga. Yun ang type mo? Ang cheap mo ha” litanya ng batang si Jenna na noon ay 12 anyos.  Napangiti na lang siya sa sinabi ni Jenna, wala siyang naramdamang inis sa bata.

Fifteen years old si Jenna nang  kumprontahin siya nito nang malaman nito na may girlfriend na siya. “Nick, totoo bang girlfriend mo na si Liezel?” tanong nito sa kanya. “Yeah, it’s true” sagot niya. “Kelan pa?” naiinis na tanong ni Jenna sa kanya. “A month ago, why, is there a problem?” siya naman ang nagtanong.  “Bakit nag girlfriend ka na? Di ka pa naman tapos mag-aral ah, saka ang pangit ng girlfriend mo!” sigaw nito sa kanya pagkatapos ay nilayasan siya ni Jenna. Natawa na lang siya sa akto nito.   Naputol ang masaya niyang pag-alala sa kabataan ni Jenna nang tawagin siya nito at hawakan sa kamay “Nick, halika na magtrekking na tayo”.  Nang marating nila ang destinasyon nila ay may nakita si Jenna na kakilala, nagbatian ang mga ito. “Panyera! Akalain mo dito pa tayo magkikita ulit, kumusta na?” tanong ng kakilala ni Jenna na classmate pala nito sa lawschool. “Randy! Hello! Graduation pa tayo last time na  magkita” si Jenna. “Jenna, si Lara, wife ko” sabi ng lalaki. “Sino pala ang kasama mo?” tanong nito. “Married na rin ako, kasama ko ang husband ko” sagot ni Jenna. “Oh Elvin is here, nasaan siya?” tanong ng lalaki. “Hindi si Elvin ang husband ko, si Nick” sabi ni jenna, saka ito lumingon sa kanya. “Randy, Dr. Nick Jensen, husband ko” pakilala sa kanila ni Jenna. “Honey, si Randy, classmate ko sa lawschool, lawyer din siya” sabi sa kanya ni Jenna. Nagkamayan naman sila. “Congratulations pare” sabi pa nito. Binalingan ni Randy ang asawa nito at siya “Sweetheart, Nick, alam nyo ba na si Jenna ang pantasya ng klase namin hindi lang klase namin lahat yata ng naglalaw non kaya lang masuwerte si Elvin at siya ang bf ni Jenna noon pero mas masuwerte itong si doc siya ang panalo” kuwento nito.  “Tama na nga yan Randy baka maniwala si Liezel at ang asawa ko sa mga sinasabi mo” awat ni Jenna kay Randy. “Totoo naman yun” sabi nito at saka tumawa. “Sige mgsu-swimming na kami, nice meeting you pare” sabi nito sa kanya. “Jenna, see you in court” sabi naman nito kay Jenna, “sure” sagot ni Jenna at saka nag-apir ang dalawa. Nawala siya sa mood nang marinig niya ang pangalan ni Elvin alam niyang nahalata iyon ni Jenna. Medyo nawala ang bad mood niya nang magswimming sila dahil sa ganda ng lugar at linaw ng tubig. Nagsnorkelling din sila.

Sa hotel na sila nagdinner.  Nakaupo na sila nang magpaalam si Jenna na magpupunta sa cr. Habang papalayo ito ay pinagmamasdan niya ang asawa, tama naman si Randy, masuwerte siya dahil siya ang asawa ni Jenna. Sinundan niya ito ng tingin hanggang pumasok ito sa cr hanggang sa lumabas. Paglabas nito ay nakita niyang may naghihintay na lalaki, medyo hinarang si Jenna at nakipagkamay. Nag-usap sandali ang dalawa. Nakita rin pala iyon ni Nica. “Ate Jenna, sino yun?” tanong nito. “Nagmeet na daw kami sa Manila, friend daw niya yun client ko” sagot naman ni Jenna. “Guwapo ah, artista ba yon o model kaya?“ tanong ni Nica. “Architect yata, yun kasing friend niya ay architect din” sagot naman ni Jenna. “Single?” si Nica. “I don’t know” si Jenna. “May tama sa’yo hipag, nakatingin pa rin dito sa gawi natin” si Nica. Maya-maya ay lumapit naman ang waiter, may dalang cocktails para sa kanilang lahat, pinabibigay daw ng lalaki sa kabilang mesa. “The guy likes you” sabi ni William. “Hindi mo ba sinabi na may-asawa ka na?” tanong niya kay Jenna. “Hindi ko na nasabi kasi nagpakilala lang siya, di rin naman niya tinanong” sagot naman nito. “That’s why” ewan niya kung naitago  niya ang inis niya.

“Kuya, wag ka nang magselos, ano ka ba? Eh bakit naman niya sasabihin na married siya kung di naman tinatanong at di naman kasali sa topic nila saka malay ba niya na bibigyan siya ng juice non” sabad naman ni Nica.

“Me, jealous?....I don’t care kahit na sumama pa siya don, no problem with me” sabi niya pero he doesn’t mean it. Binilisan niya ang pagkain at saka nagpaalam na siya “mauna na ako, inaantok na ko”.  “Uy, selos lang yan kuya, seloso ka pala, yun lang eh” tukso ni Nica.  Di niya pinansin ni Nica, tuloy-tuloy siyang pumunta sa hotel.  Hindi pa siya nakakalayo ay parang gusto na niyang bumalik dahil baka puntahan at kausapin pa ng lalaki si Jenna, wrong move sabi niya. Naisip din niya na bakit ba ganoon ang ina-akto niya, tama nga ba si Nica na nagseselos siya, parang ang babaw naman yata niya. Pagdating talaga sa babaing yon kahit mali ay nararamdaman pa rin  niya. Kahit gusto niyang bumalik ay pinanindigan na niya ang pag wo-walk-out.  

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon