Chapter 8

221K 2.1K 19
                                    

Chapter 8

After 1 week, pag-uwi niya sa bahay nila ay masaya siyang sinalubong ng mommy niya. “Jenna, tamang-tama ang dating mo, kaluluto lang ng ulam at nandito na rin si Nick” nagulat siya at nandoon ang lalaki. “Ganon ba mom, magpapalit lang po ako ng damit” sabi niya sa kanyang ina.

Nagshort at nagsando siya saka ipinusod niya ang hanggang balikat na tuwid na buhok. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin saka siya lumabas ng kuwarto.

Pagdating niya sa komedor ay nakaupo na ang mga magulang niya at si Nick, siya na lamang ang hinihintay.  Naupo siya sa tabi ng lalaki. Pagkatapos magdasal ay nagsimula na silang kumain. Inabutan siya ng rice ni Nick, sumunod ang ulam.  Nakaramdam siya ng kilig sa gestures ng lalaki. Naitanong niya sa sarili niya na tama bang kiligin siya, kung tutuusin ay kaka-break lang nila ni Elvin. Nakamove –on siya aga-agad.

“Wag puro trabaho Nick, ilang beses na kitang ininvite na dito sa bahay magdinner, ngayon mo lang ako pinagbigyan. Baka naman mawalan ka na ng oras para sa anak ko. Gusto ko ng magka-apo agad” sabi nito kay Nick. “Marami lang talagang ginagawa sa hospital Tito, kaya nga ayokong maging director, panira ng schedule” paliwanag naman ng lalaki.

Bigla naman siyang nalungkot akala kasi niya ay kusang-loob ang pagpunta sa kanila ni Nick yun pala ay dahil sa inimbita lang ito ng daddy niya.

“You deserve it, matalino at masipag ka, sa susunod dapat ikaw na ang president” puri ng daddy niya kay Nick.

“Ayoko non Tito, masyadong matrabaho yon, ikaw din matatagalan kayo ni Tita bago magkaapo” tanggi ng lalaki.

“Kailan ba ang date ng kasal ninyo?” mommy naman niya ang sumabat.

“Si Jenna po Tita ang nag-aayos ng requirements” si Nick.

“One week pa bago mai-release ang marriage license namin, Mommy” siya naman ang nagsalita.

“Eh kelan niyo ise-set ang date? Di ba darating si Mare Blessy at Nica, Nick?” tanong ng mommy niya.

Hindi agad nakasagot si Nick.

“Pag may date na ang kasal, tatanungin ko po si Mommy  at Nica kung makakauwi sila” sabi ni Nick.

“Mas maganda sana kung makakauwi sila kumare” sabi ng mommy niya.

“Kung hindi sila puwede ngayon dahil gahol na sa oras, sa church wedding nyo na sila pumunta” ang daddy niya ang nagsalita.

Parehas sila ni Nick na hindi nag react sa sinabi ng daddy niya.

“I’ll just inform you kung kelan ko maipapa-schedule ang kasal. Tentative date is two weeks from now” sabi na lang niya.

“Sooner, the better” nakangiting sabi ng daddy niya.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga na rin ang daddy niya na sinamahan naman ng mommy niya. Nagpaalam na rin si Nick sa mga ito. Inihatid naman niya ang binata sa sasakyan nito. Bago ito sumakay ay nagsalita ito “When are you free? We have to buy required stuff for the wedding?”

“What stuff?” tanong niya.

“Wedding ring, your dress, di naman pwedeng walang wedding ring hindi ba?” sa tono nito ay parang napipilitan lang talaga ang lalaki sa pagpapakasal sa kanya.

“I’ll take care of those” sabi  na lang niya.

“No, we will buy the rings together. I don’t want you spending for the wedding” si Nick.

“I’m free tomorrow. How about you?” si Jenna.

“I’ll check my schedule. I’ll call you tomorrow. Alis na ako” binuksan nito ang pinto at saka pinaandar na ang sasakyan.

 Kahit ilang minuto nang nakaalis ang lalaki ay nakatitg pa rin sa dinaanan nito. Napaisip siya, ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Nick.   Nang magkaisip siya ay kilala na niya ang lalaki. Anim na taon ang tanda sa kanya nito. Ang kapatid nitong si Nica ang kalaro niya dahil mas matanda lamang siya rito ng 1 taon.  Nakilala niya ang lalaki na tahimik mula pagkabata. Nakikita lamang niyang nakamasid ito sa kanila ni Nica kapag sila ay naglalaro. Bihira din siya nitong kausapin noon. Hanggang sa magdalaga siya ay parte na ng buhay nila ang pamilya ni Nick. Matagal bago nag-asawa ang mommy nila Nick. Malakas ang naging impluwensiya ng daddy niya kay Nick, katunayan nito ang pagsunod sa yapak ng daddy niya na isa ring doctor. Masaya ang daddy niya dahil kay Nick niya naranasan ang pagkakaroon ng anak na lalaki. Bata pa siya ay sinasabi na ng daddy niya na katulad ni Nick ang gusto niyang mapangasawa niya.

Naputol ang pagbabalik –tanaw niya nang tumunog ang cellphone na nakalagay sa bulsa niya.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon