Chapter 5

231K 2.9K 40
                                    

Chapter 5

Pagdating niya sa hospital ay tumuloy agad siya sa room ng dad niya. Natutulog ang daddy niya.

Nagbabantay naman ang mommy niya. “Bakit bumalik ka pa dito anak, gabi na, magpahinga ka na at may trabaho ka pa bukas” pag-aalala ng mommy niya.                                                                                   

“Mommy, ooperahan na ni Nick si daddy” balita niya sa mommy niya.

“How did you convince him?” masayang tanong ng mommy niya.

“Simple, I’m going to marry him” sagot niya.

“Jenna, kung hindi maluwag sa kalooban mo, don’t do it” ang mommy niya.

“And let dad die. Yun ang hindi ko kaya Mommy” sabi niya.

“Sige Mom, uwi muna ako. Si Nick na ang bahala kay daddy” hinalikan niya ang mommy at saka siya umalis.

Habang papauwi siya ay tinatanto niya ang sarili niya, parang masaya siya sa naging desisyon niya na pakasalan si Nick pero inialis niya iyon sa isip niya. Inisip niya na kaya siya masaya ay dahil maooperahan na ang kanyang ama.

Nick’s POV

Kadarating-dating lang niya nang may nagdoorbell na agad, sinilip niya sa peephole kung sino iyon, hindi na siya nagulat kung sino ang bisita niya. Kukulitin na naman siya nito. Nagulat siya sa pagpayag nitong pagpapakasal sa kanya, hindi niya iyon inaasahan. Ganoon nito kamahal ang ama dahil pinatulan ng dalaga ang kondisyon niya, alam niyang kahit kailan ay hindi siya magugustuhan nito pero para sa ama ay pakakasalan siya nito. Kahit ano pa ang dahilan ng pagpapakasal nila ay di niya maiwasan ang makaramdam ng saya, posible pa kayang mahal pa rin niya ang dalaga, damdamin na pilit niyang binubura.

Wala tuloy siyang magagawa kung hindi operahan ang Tito Rey niya. Yun ang dilemma ng mga doctor nahihirapan silang gamutin ang mga malalapit sa kanila kaya lang ngayon ay no choice siya dahil sa pagtanggap ni Jenna sa kondisyon niya, siya naman ay kailangan din na tumupad sa pinag-usapan.

Kinabukasan ay ini-schedule na niya ang operasyon sa susunod na araw. Nag-usap na rin sila ng Tito Rey niya para sa gagawing operasyon.

**********************

 Dumating ang araw ng operasyon. Bago siya pumasok sa OR ay hinarang siya ni Jenna at hinawakan sa kamay. “Please Nick, wag mong pababayaan si Daddy” pakiusap sa kanya ng dalaga.

“I’ll do everything I can, sabayan ninyo ako ng dasal” sabi niya sa dalaga saka niya pinisil ang kamay nito na nakahawak sa kanya pagkatapos ay pumasok na siya sa OR.

 Jenna’s POV

Inabot ng limang oras ang operasyon. Walang tigil silang nagdarasal ng mommy niya habang nasa OR ang daddy niya. Nang lumabas si Nick ay mukhang pagod na pagod ito, ibinaba lang nito ang mask niya at mabilis na lumakad. Hindi rin siya pinansin nito ng tinawag niya ang pangalan nito. Sinundan niya si Nick, nagtuloy pala ito sa chapel ng hospital. Nakita niya itong lumuhod at taimtim na nagdasal.  Inabangan niya ito sa labas ng chapel. Paglabas nito ay sinalubong niya agad, kinakabahan siya sa ikinikilos ng lalaki. “How’s dad?” tanong niya. “He’s fine, wala namang naging problem sa operation niya, everything went well” sagot sa kanya ng lalaki.

“Eh bakit mukhang pagod na pagod ka? At dito ka sa chapel nagtuloy, para kasing may problem” sabi niya kay Nick.

“Talagang napagod ako, almost 5 hours na buhay ang utak mo, di puwedeng pumikit, di puwedeng magkamali. Dito ako tumuloy para ipagdasal na sana tama lahat ang ginawa ko” paliwanag sa kanya ni Nick.

“Maraming salamat” iyon lang ang nasabi niya.

  Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon