Chapter 45
Dedication: Right11, enjoy reading ;)
Jenna’s POV
Gusto niyang mainis kay Mia, bakit kailangan pang sa tabi pa niya paupuin si Elvin, gusto yata nitong mawala sa mood si Nick at alam niyang nagtagumpay ito dahil nakita niya si Nick na nakatingin sa kanila ni elvin na salubong ang kilay. Alam na niyang simula na naman iyon ng pagiging cold ni Nick sa kanya at hindi siya nagkamali dahil pagbalik nito sa upuan ay hindi na ito kumikibo. Inis na inis siya kay Mia dahil alam niyang sinadya nito ang mga pangyayari.
Nakasakay na sila sa kotse at nagbibiyahe na pauwi ay hindi na siya talaga makatiis, kinausap niya ang asawa “Nick, may problem aba? Bakit di ka kumikibo kanina pa?”
Matagal ito bago sumagot “Wala”.
“Wala, eh bakit wala kang kibo” sabi niya. “Wala lang ako sa mood” sagot nito.
Hanggang sa makarating sila sa condo nila ay wala pa rin itong kibo. Hindi rin siya nito pinapansin. Nauna pa itong matulog sa kanya at tinalikuran pa siya. Nakatitig siya sa likuran ni Nick, hindi niya namalayang tumulo ang luha niya. Nakatulugan na niya ang pag-iyak.
As expected, hindi na rin ito kumain ng breakfast. No call, no text from Nick. Alam niyang simula na iyon ng malulungkot niyang mga araw.
“Hey Jen” si Marcy. “Malapit na ang birthday nyo nila Dave ha. San ninyo ba kami i-te-treat?”
“Huh, oo nga pala next week na’yon. Hindi pa kami nag-uusap ah. Nakita mo ba siya?” tanong niya kay Marcy.
“Oo, nagkasabay kami ng pagpasok sa building” sagot ni Marcy.
“Kausapin ko nga mamaya” sabi niya.
*****
Medyo na-late siya ng uwi dahil nagpasama pa si Marcy na magmalling. Pagdating niya sa kanila ay wala pa rin si Nick. Nagluto siya, nang magutom siya ay kumain na siya dahil past 8 pm na rin naman. Nanood siya ng tv nang dumating si Nick. Nilapitan niya ang asawa at saka hinalikan sa pisngi, hindi naman ito umiwas pero hindi ganon si Nick, ayaw nito ng kiss lang sa pisngi, “kumain ka na?” tanong niya.
“Oo” maikling sagot nito saka pumasok na sa kuwarto nila.
Gusto niyang kausapin ito at pag-usapan kung ano man ang problema kaya lang ay parang wala siyang makukuhang sagot mula kay Nick. Ipinagpaliban na lang niya ang balak. Natulog na naman silang magkatalikod.
Kinaumagahan ay mas maaga siyang nagising kaysa sa dati niyang gising, nagluto na siya, baka kumain na ng breakfast si Nick.
Nagulat siya dahil alas 7 pa lang ay lumabas na ito ng kuwarto at nakabihis na. “Kain na tayo” yaya niya. “Aalis na ko, sa hospital na ko kakain. By the way, a-attend ako ng convention sa Beijing, 4 days kami don, tomorrow night na ang alis namin” sabi nito sa kanya.
Hindi na siya nakapagsalita hanggang sa makalabas na ito ng pinto.
Pumasok siya sa office na malungkot. “Jenna, available ka ba sa Saturday? Set na natin dinner. Isama mo si Nick” Si Dave.
“Sige, Saturday na lang” pagsang-ayon niya. Naalala niya si Nick, paano niya ito maisasama, bukod sa hindi siya nito kinakausap eh pabalik pa lang ito galing ng Beijing.
**************
Halos magkasunod silang dumating ni Nick sa condo. Sinubukan niya itong kausapin “Nick, magti-treat kami ni Dave ng dinner sa mga officemates namin sa Saturday, magkasunod kasi ang birthday namin. Isama daw kita, di ka pa kasi nila name-meet”.
BINABASA MO ANG
Then came...YOU
RomanceNoon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman ang nagmamahal kay Dr. Nick Jensen pero tahasan nitong sinabi na wala na siyang nararamdaman para sa...