Chapter 19
Kahit masama ang loob niya ay maaga pa rin siyang gumising para magluto ng breakfast. Muling nagkunwari si Nica na siya ang nagluto kaya kumain si Nick ng breakfast. Natutuwa na rin siya kahit hindi nito alam na siya ang nagluto. After nilang magbreakfast ay nagsalita si Nica “Guys, we’re not gonna sleep here tonight, mag overnight kami sa farm ng friend ko sa Bulacan, we’ll be back tomorrow. Naayos nyo na ba ang schedule niyo? we’ll be leaving on Friday morning”.
*********
Nick’s POV
Na-late siya ng paglabas ng hospital, inaayos na niya ang schedule niya dahil aalis nga sila nila Jenna sa weekend. Akmang bubuksan niya ang pinto ng kanyang kotse nang biglang may humawak sa balikat niya at may sumuntok sa kanyang mukha. Nabigla siya sa pangyayari, isa pa uling suntok ang dumapo sa mukha niya, “what the f—k!”. Nakilala niya ang sumuntok sa kanya, si Elvin, lasing ito “Nick, don’t ever touch her or else…” sigaw nito sa kanya. Nakabawi na siya sa pagkagulat kaya siya naman ang sumuntok kay Elvin, doble-dobleng suntok ang tumama kay Elvin. Halos di na ito makatayo nang makita sila ng guwardiya. Ipinadala niya ito sa presinto.
Habang pauwi siya ay naisip niya kung ano ang nangyari. Ramdam din niya ang hapdi ng suntok ni Elvin, nadalawahan din siya nito. Siya naman ay di mabilang kung ilan suntok ang naigawad kay Elvin. Habang sinusuntok niya si Elvin ay naramdaman niyang muli ang sakit ng ginawa ni elvin at Jenna sa kanya. Bawat suntok na tumatama kay elvin, pakiramdam niya ay nababawasan ang galit niya sa dibdib. Galit siya kay Elvin dahil inagaw nito sa kanya ang nag-iisang babaeng minahal niya. Galit siya dahil ang lalaking sinusuntok niya ang mahal ng babaing mahal niya. Kung hindi dumating ang mga guwardiya para awatin siya ay malamang na mabalda na ito sa tindi ng mga suntok niya.
Pagdating niya sa condo ay nagtuloy siya agad sa kuwarto. Pagbukas niya ng pinto at nakita niya si Jenna na nakaupo sa kama at nagsusuklay. Pagtingin nito sa kanya ay nagulat ito sa itsura niya, lumapit agad ito sa kanya, “Nick, what the hell happened?”
“Yung boyfriend mo ang may gawa nito!” sigaw niya kay Jenna na ikinagulat nito.
“Hindi mo ba sinabi sa kanya kung ano ang set-up natin, that this marriage is a sham!” pasigaw niyang sabi kay Jenna.
“Halika gagamutin ko ang sugat mo” sabi sa kanya ng babae.
“Talagang ikaw ang gagamot sa ginawa ng boyfriend mo!” sabi niya sa kanya. Tuloy-tuloy siya sa banyo at naligo. Paglabas niya ay hinihintay na siya ni Jenna. Nakaupo ito sa kama. Umupo siya tabi nito. Inumpisahan na nitong gamutin ang sugat niya. “Ano ba kasi ang nangyari?” tanong nito sa kanya. “Pasakay na ako ng kotse nang bigla akong sinuntok ng boyfriend mong lasing na lasing” sagot niya. Nakita niyang parang naawa sa kanya ang babae. “Wag ka sa akin maawa, triplehin mo ang sugat ko, yun ang nangyari sa kanya, idagdag mo pa ang mga pasa niya sa katawan” sabi niya.
“Anong nangyari sa kanya? Dinala ba siya sa ospital?” tanong ni Jenna sa kanya. Parang nasaktan naman siya, concern pa rin si Jenna kay Elvin. Naisip niya talagang concern ito dahil mahal pa rin nito ang lalaki.
“Since concern ka sa kanya, puntahan mo siya ngayon. Go! Sana kasi sinabi mo sa kanya na babalikan mo siya nang di siya parang sira ulo” utos niya.
“Huwag ka ngang maingay dyan, ginagamot ko pa ang sugat mo” saway naman nito sa kanya.
Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.
BINABASA MO ANG
Then came...YOU
RomanceNoon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman ang nagmamahal kay Dr. Nick Jensen pero tahasan nitong sinabi na wala na siyang nararamdaman para sa...