Chapter 13

198K 2.2K 148
                                    

Chapter 13

Nasa mall na sila nila Nica ay parang wala pa rin siya sa sarili.

“Ate Jenna, are you with us?” tanong ni Nica sa kanya.

“Ha, eto ang mas maganda” sagot niya.

“Hay naku, you are not with us nga. Ate, what’s the problem ba? Si Kuya  Nick ba?” si Nica.

Umiling siya pero di niya napigilan ang maiyak nang banggitin ni Nica ang pangalan ni Nick. Niyakap siya ni Nica at niyayang sumakay ng kotse, pinagtitinginan na sila dahil halos humagulgol na siya. Iniwanan muna nila si William sa loob ng mall.

Nang makasakay sila sa kotse “Okay, tell me, ano ba ang problema?”

Pinilit niya magsalita kahit na humahagulgol siya, “ang sakit-sakit Nica”.

“Bakit? Di ba hindi mo naman mahal si kuya kaya akala ko okay lang sayo ang set up nyo” si Nica.

“Akala ko kaya kong i-handle ang set up namin pero hindi ko mapigilan ang hindi masaktan” sabi niya habang umiiyak siya.

“Magmula nang makita ko siya ulit parang bumabalik ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko nga ininda ang break-up namin ni Elvin” sabi niya sa hipag niya.

“E bakit mo siya sinaktan kung mahal mo pala siya?” tanong ni NIca.

“Yun ang desisyon na pinagsisihan ko, sana lamang ay nag-isip ako at hindi pride ang pinairal ko”   umiiyak pa rin siya.

“Hay naku ang gulo niyo. Feeling ko si kuya ay may feelings pa rin sa’yo kasi pinakasalan ka niya kahit ano pa ang dahilan non, kaya hipag pagtiyagaan mo na lang ang pakikitungo niya sa’yo” sabi naman sa kanya ni Nica.

“Pinapaasa mo lang yata ako eh” sabi naman niya.

“Ano ka ba, bakit naman kita paasahin, saka di ko type si Mia para sa kuya ko” mataray na sabi ni Nica.

“Bakit naman?” tanong niya.

“Siyempre ikaw ang gusto kong maging hipag dati pa naman” si Nica.

“Ipaglaban mo kung ano ang nararamdaman mo para kay kuya” dagdag pa nito.

***************

 Nakahiga na siya nang dumating si Nick. Nagtuloy ito sa bathroom at paglabas ay nahiga na agad sa lapag sa tabi ng kama. Maya-maya ay naramdaman na niya itong mahimbing na naututulog. Umusog siya sa gilid ng kama kung saan nakatabi si Nick. Pinagmasdan niya ito habang natutulog.  Malaking panghihinayang ang naramdaman niya, kung maibabalik lang sana ang panahon.

***********

  Pumasok siya agad ng opisina pagkatapos magluto at kumain ng breakfast.  After nilang maglunch ng kliyente niya ay dumaan siya sa paborito niyang bakery, bumili siya ng eggpie, naalala niyang paborito iyon ni Nick. Idinaan na rin niya ito sa clinic, malas nga lang at wala ang guwapong doctor, may conference daw sabi ng secretary nito.

Paalis na siya ng office nang tumawag sa kanya si Nica, niyaya siyang magdinner sa labas. Di agad siya nakasagot, parang alam naman ng kausap niya ang gusto niyang itanong. “Ate Jenna, di raw puwede si Kuya dahil may meeting ang board of directors ng hospital”sabi nito sa kanya.

***********

Nauna lang sila ng konti nang pagdating kay Nick sa condo. Mukhang pagod na pagod ito. Tumuloy agad ito sa kuwarto, gusto sana niya itong sundan para i-massage ang ulo kaya lamang ay alam niyang tatanggi ang binata. Pagpasok niya ng kuwarto ay gising pa ito at may inaayos. Naalala niyang tanungin ang tungkol sa eggpie na dinala niya sa clinic nito, “Nick, masarap pa ba yun eggpie na dinala ko?”

Tumingin naman ito sa kanya at napakunot ng noo “Eggpie, wala naman akong natanggap”.

“Hindi ba ibinigay ng secretary mo? Nagpunta ako sa clinic mo kanina dinala ko nga yun” sabi niya.

“Pagdating ko sa clinic ay wala na ang secretary ko, medyo nagtagal kasi ang conference namin” sabi lang nito.

Nagtaka siya kaya naman tinawagan niya na lang ang secretary nito.

“Atty. Jenna, dumating po kasi si Dra. Mia, nakita niya yun eggpie, tinanong kung sino ang nagbigay, sabi ko po kayo. Sabi naman niya kainin na lang daw namin yun eggpie, siya pa nga po ang nagbigay sa amin at sa mga medrep na naghihintay kay Dr. Nick. Pasensiya na po di ko na rin nasabi kay Dr. Nick na pumunta kayo sa clinic kasi nagtagal po ang conference nila, umuwi na po ako” paliwanag ng secretary ni Nick sa kanya.

Naiinis siya sa nalaman, pakialamera talaga ang babaing yun sabi na lang niya.   

Sinabi niya kay Nick ang nalaman mula sa secretary nito, “Okay naman pala, mabuti naman at ganon ang ginawa ni Mia para mapakinabangan ng iba. Besides, di naman ako kumakain non” sabi ng lalaki.

“Ha, di ba favorite mo yon?” nagtatakang tanong niya.

“Dati, pero ngayon hindi na. Nag-iiba rin ang taste ng tao” matabang na sagot nito sa kanya saka ito humiga na sa lapag.

Dahil alam niya pagod ito, “Dito ka na matulog sa kama. Mamasahihin kita para mabawasan ang sakit ng katawan mo” yaya niya sa lalaki.

“No need, minasahe na ako ni Mia bago ako umuwi dito” sagot nito sa kanya.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon