Kabanata 1

622 45 40
                                    

"Good Morning co-teachers!"

Masayang bati ni Mrs. Romulo sa aming lahat, ang head ng english department dito sa Aguinaldo National HighSchool.

Ngumiti kami bilang sagot.

First day ng klase ngayon.

"Ms. Dumapi at Ms. Suarez, goodluck sa inyong first day."

Oo, first day din namin bilang mga S.T o student teachers dito. OJT na kasi namin.

"Thanks ma'am." sabay naming sabi ni Selenara. Tapos ngumiti si Mrs. Romulo

"Kung may problema kayo sa mga estudyante wag kayong magdalawang isip na lumapit sa akin." magiliw nyang sabi

Ang bait ni ma'am.

"Okay po ma'am." sagot ko

Tumango naman si Selenara bilang pag sang ayon.

Nasa schedule ko na section B ng 4th year highschool ang una kong klase.

Hayyy. Naeexcite na medyo kinakabahan ang nararamdaman ko ngayon.

Ito kasi talaga ang gusto ko, ang maging teacher. Kahit ojt pa lang ito kailangan ibigay ko na ang best ko dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ko. Kailangan maganda ang performance ko.

"Good Morning class." Bungad ko sa mga estudyante ko.

Tahimik naman sila.

Pero di talaga maiiwasan na may pasaway.

Tumayo sila at bumati..

"Good Morning, visitor!"

Ha??? Ano daw?? VISITOR??

"Ah, eh. Class, ako si Ms. Gabrielle Dumapi. Ako yung ST nyo sa english class nyo. Sana magkasundo tayo, kase isang buong tayo magkakasama." Tapos ngumiti ako.

Napangiti din silang lahat. Malamang natawa sila sa pagtawag nilang visitor sa akin.

Naconscious tuloy ako. Hindi ba pang teacher ang attire ko?

Naging okay naman ang unang klase ko. Ganun din yung sumunod.

Wala akong reklamo sa mga estudyante ko, mukha namang okay sila. Palibhasa mga nasa higher section. Eh yung iba kaya???? Haynaku, di ko pa alam sa mga susunod.

Vacant ko. Inaantay ko si Selenara dahil may klase pa sya.

Ngayon, nandito ko sa may covered court nakaupo sa may bleacher.

Nakakainip naman.

Itetext ko na lang nga si Ralph.

To: Ralph

I miss you. Watcha doing? hehe txt ka naman, pag di ka bc <3

Sending..

Message sent

"BULAGA!!!"

Nagulat ako, biglang lumitaw si Selenara sa likod ko.

"Nagulat ako ha. Walangya ka talagang babae ka." Medyo binatukan ko si Selenara, pero mahina lang.

"Busybusihan ka kasi sa pagtetext kaya di mo na ko napansin. Sino ba katxt mo?"

"Hmm.. si.." di ko na sya natapos sagutin kasi sya na tumapos.

"Si Ralph, yung invisible mong boyfriend. Haynaku"

"Grabe ka naman. Busy lang talaga yun." depensa ko

"Ewan ko ba sayo Gabby, maganda ka, maraming lalaki dyan pero nagtitiis ka dyan sa lalaking invisible."

Napahinga ako ng malalim.

"Bakit?? May mali ba sa set up namin? Nagkakausap naman kami everytime na online kami sa fb, tingin ko enough na yun."

"Eh sa txt mo nagrereply ba?"

Napatingin na lang ako ng masama sakanya.

"Ay bahala ka girl, payo lang naman to. If hindi ka na masaya, i let go mo na. Ewan ko ba sayo bakit nakakatiis ka pa ng ganyang set up. Nagwowork pala yung ganyang relationship parang once a month lang magkita tas di pa araw araw magkatxt. Kakaiba kayo girl, pang guinness book of record."

"Nang aasar ka ba? Porke ikaw.." pagbibitin ko, pambawi sana sa pang aasar nya

"SINGLEEE! Smooth ang buhay!!!"

Tas binelatan ako. Di ba di ako nakaganti, talo pa din ako.

"Ewan ko sayo, wala talaga ko panalo pagdating sayong babae ka."

Sabay na lang kaming nagtawanan.

"ILAG MISS!!! ILAAAAG!!!"

Nagulat ako ng may sumigaw, kaya bigla akong napalingon. At paglingon ko..

BOOOOOG!!!!

"Aray. Ang sakit." pagmamaktol ko

"Gabby, ayos ka lang?" Pag aalala ni Selenara sa akin

Tinamaan kasi ako ng bola ng basketball.

Lumapit yung mga naglalarong estudyante, pati yung nakatama sa akin.

"Miss, pasensya na ha. Sabi ko kasi ilag eh lumingon ka naman." Sabi nung lalaking nakatama sa akin ng bola. Moreno, matangkad na lalaki sya. Estudyante ba to dito? Parang di na pang highschool yung itsura nya eh.

Siniko sya nung isa nyang kalaro.

"Huy, yari ka. ST natin yan sa english, baka ibagsak ka nyan. Loko ka." pabulong na bulyaw nung lalaki na nakaabot sa pandinig ko

"Araaay talaga, ang sakit sakit." Di ko na nagawang magalit kahit nakaramdam ako ng sobrang sakit sa bandang noo ko. Tinitigan ko na lang yung lalaking may dahilan nito. Kita ko sa mata nya yung takot.

Estudyante pala sya dito. Lagot ka, babawian kita sa grades.

"Tara na Len, samahan mo ko sa clinic." Aya ko kay Selenara

"Sa susunod na lang mag iingat na lang kayo." pahabol ni selenara at hinatak ko na sya palayo

"Sorry po talaga ma'am." sabay sabay na sabi ng mga estudyante.

Hanggang sa nakalayo na kami sa kanila.

A/N: Sorry sa typos. Sana may bumasa ng kwento ko huhu kahit kakapiranggot ayos lang basta may magread ;)

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon