Kabanata 16

205 13 4
                                    

Readers, may prologue na yung new story kong 'My Vintage Heart' sana magawa nyo rin basahin yun. Antay antay lang sa chapter1, nag iisip pa ko eh. Tsaka unahin ko muna tong PDSYM, you know naman nalalapit na ang pagtatapos nito. Para na din dirediretso ang gawa. Di ko lang talaga mapigilan simulan kasi namaaaan..nakakaexcite talaga ang kwento na yun kahit na di ko pa talaga sigurado ang mga mangyayari sa story. Osya, eto na POV ni gabby baka naeepalan na kayo sa akin. Hehe Enjoy reading, guyth!

-------------

<Gabrielle's POV>

"Kelan ba talaga ang balik mo ulit dito sa Manila, babe?" pangungulit ko kay Ralph sa kanya sa phone. Nakakatampo na kasi, nakakailang txt at tawag na kasi ako sa kanya pero ngayon nya na lang ulit ako sinagot. Palaging 'malapit na' ang sinasabi nya pero di sya nagsasabi sa akin ng exact na araw

["Antay antay ka lang babe. Si dad kasi sa akin lahat pinagagawa yung dapat na sya ang kumikilos. Alam mo naman di ba, tinetrain na nya ko ngayong semestral break dahil gusto nya ako ang magmanage ng business namin."] paliwanag nya

Oo, alam ko naman yun. Ang akin lang bakit naman kasi di ako magawang maitxt o matawagan manlang di ba? Bumabalik na naman kami sa dati eh. Yan talaga ang sakit nya, di sya magtetxt o tatawag. Ayaw nya ng ganun. Kakaiba di ba? Ganun sya.

Kung kelan nya gusto dun lang.

"Okay. Sana manlang kasi itxt mo ko once a day. Bumabalik na naman kasi tayo sa sakit mo Ralph eh."

["Sorry, babe. Alam mo naman ako, kahit na di tayo nagkikita at nag uusap naiisip pa rin kita. Di ko kailangan ng communication para maipakita kung gaano kita kamahal."] pagdadahilan nya

"Pwes ako Ralph, kailangan ko. Baguhin mo na yang habit na yan, ayoko ng ganyan." sabi ko

["Okay po. Sorry, babe."] ayun sa wakas at sumuko na din sya. ["Pangako, sa isang araw magpapaalam na ko kay Dad na bumalik dyan. Sorry talaga."]

Wala na ako nasabi at napapayag na nya ko. Do i have any choice? Wala naman eh. Ang pwede ko lang magawa is antayin kung kelan uli sya magkakaroon ng time para sa akin.

["Bye babe, end ko na to. May imemeet pa akong businessman eh."] paalam nya

"K. Bye, babe. Love you."-Ako

["I love you more, babe."] siya, then nag end call na sya.

Binaba ko na ang phone at muling inaba ang sarili sa paghahanap ng librong pwede kong mabasa.

Nandito ko sa isang bookstore at namimili ng libro. Naisip ko kasing abalahin ko na lang ang sarili ngayong bakasyon sa pagbabasa. Nakakatamad sa bahay, siguro sa mga libro may patutunguhan ang mga araw ko.

Habang namimili ako ng libro, napatingin ako sa babaeng busy din na nagtitingin tingin sa estante ng mga libro.

Di ko inasahan na dito pa kami muling magtatagpo. Nag angat ang mukha nya sa akin at biglang napangiti. "Hi mam gabrielle!" masayang bati sa akin ni Tamara

Binati ko din sya at ibinalik ang ngiting ipinakita nya

"Hi! Tamara right?" pagkukunwari kong di ako sigurado sa pangalan nya.

Tumango sya. "Tama po. Nakakatuwa naman at nakikilala nyo pala ako."

Nangiti na lang ako at kinuha na ang napili kong libro. Aalis na sana ako kaya lang bigla syang nagsalita "Mam, pwedeng magcoffee tayo sandali? Kung wala ka pong gagawin.."

Wala naman akong gagawin wala naman sigurong masama kung pumayag ako tsaka isa pa mabuti na rin yun para makabalita ako sa kanilang dalawa ni Adrian.

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon