<Adrian's POV>
"Wala na yatang english eh. Basketball na lang tayo." Aya ni Chris
"Oo nga, Adrian. Wala naman yung syota mong hilaw eh. Tara na." si Badjie
Tamad talaga ng mga barkada ko. Di lang dumating on time yung teacher, iisipin ng absent at magyayaya na lang magbasketball
"Syotang hilaw ka dyan? Mamaya may makarinig sayo, iba pa isipin nila." sabi ko
Si gabrielle ang tinutukoy niya. Iniisip kasi ng mga barkada ko na may namamagitan sa aming dalawa dahil nga madalas kaming makitang magkasama
"Oo na. Di na kami magsasalita, baba na lang tayo. Wala ng klase, sinasabi ko sa inyo." si badjie ulet
"Kayo na lang. Medyo masakit pa rin yung ankle ko dahil sa practice natin kahapon." pagdadahilan ko, pero sa totoo lang inaantay ko talagang magklase sa amin si gabrielle
"Sige, bahala ka. Baba na kami ha." at tuluyan na nga silang bumaba
Lumipas ang isang oras, di talaga kami pinasukan ni gabby. Nasaan kaya yun? Mula kaninang umaga kasi di ko pa sya nakita. Pumasok ba sya? Naisip kong magpunta kay Selenara para magtanong.
"Len, si gabrielle pumasok ba?"
"Hmm. Sabi na eh, iba na to.. NAG AALALA, HINAHANAP."
"Di kasi kami kinlasehan."
"Sus. Kunyare pa. May sakit si gabrielle, kaya di nakapasok."
Nag alala naman ako bigla. Ano naman kaya ang sakit nya?
"Wag kang OA. Reaksyon ng mukha mo eh parang cancer na yung sakit eh nilagnat lang naman."
Nabawasan naman ang pag alala ko. Akala ko naman kung ano eh.
"Ah.. ano Len---"
"Hep! Di ako pupunta sa kanila eh. Kaw na lang, eto class record nya kaw na maghatid. Sabihin mo nacheck ko na attendance ng mga estudyante nya. Sige na may klase pa ako sa taas, babu!"
So kailangan ko syang puntahan sa kanila, ganun?
Naglakad na ko papuntang classroom para kuhain ang gamit ko. Magdadahilan na lang ako sa guard na masama ang pakiramdam para makalabas ako.
Sa paglalakad, may tatlong babae ang humarang sa akin sa corridor. Yung nasa gitna lumapit sa akin.
"Hi Adrian. Ako nga pala si Tamara from section A, gusto sana kitang ayain maglunch sa canteen eh. Pwede ka ba?" nilahad nya ang kamay nya sa akin at tinanggap ko naman yun
Okay. Anong nangyayare? Uso na bang babae ang nag aaya sa lalakeng kumain? Kilala ko ang babaeng to, sya yung nilalakad sa akin ng mga kabarkada ko. Ang sabi nila badjie, nilapitan daw sila nito para ilakad sya sa akin. Kakaiba, napakastraight forward nya.
"Hi! Nice meeting you. Sensya na ha. May aasikasuhin kasi ako eh. Maybe next time. Sige, i'll go ahead." di na ko nagtagal pang kausapin sya, pagkasabi ko nun dumeretso na ko papuntang room at dinampot ko ang gamit.
Kumatok ako sa gate ng bahay nila gabby. Tanging aso lang ang sumasagot sa akin. Napaisip tuloy ako, may nag aalaga kaya sa kanya ngayon?
Di nagtagal may sumilip na din sa pintuan. "Sandaleee!" sigaw ng matanda ng magdoorbell ako
"Ahm, magandang tanghali po. Nandyan po ba si gabrielle?" tanong ko sa matandang babae na kaharap ko. Sya siguro si Nanay Mila
"Sino ka ba Hijo?" usisa nya

BINABASA MO ANG
Please Don't Say You Love Me [FIN]
RomanceEverything is perfect between Gabrielle and Ralph. Not until dumating yung araw na kailangan nilang malayo sa isa't isa para sa mga pangarap nila. A long distance relationship happened but when Gabby needs Ralph, palagi itong wala. Naging invisible...