A/N:
BABALA: Magulo ang ending
Eto na ang kaganapang malabo pa sa mata ng author! lol
------
<Tamara's POV>
I think everything is going well. After nung araw na nagkausap kami ni Ate gabby about her and Adrian wala na kong napansin na mali maliban na lang sa pagiging unusual ni Adrian lately. Tuwing magkasama kami hindi na sya ganun na makwento sa akin, madalas puro ako ang nagkukwenta at sya naman puro ngiti at tango lang. Minsan na lang sya magsimula ng pag-uusapan. Pero sa lagay ko di na sya umaasa kay Ate Gabby, kase wala na kong nakikitang sign na gusto nya makita 'to. I don't have any idea kung ano ang ginawa ni Ate Gabby para mapatigil ng ganun si Adrian pero gusto ko sya pasalamatan dahil ginawa nya yung nararapat.
Ten minutes bago matapos ang last subject namin, nakatanggap ako ng message. Nalaman ko ito dahil nagvibrate ang celfone ko sa bulsa. Pasimple ko itong dinukot para malaman kung sino ang nagpadala. Nag angat ang aking labi, pumorma ito ng pag ngiti.
Si Adrian pala.
Fr Adrian:
Antayin kta d2 sa labas ng rum nyo. Gusto ko kumain tau sa lbas. Treat q! :)
Funny. Date sa hapon? lol. Whatever, basta ang importante kasama ko si Adrian.
Maingat ko syang nireplyan sa ilalim ng desk ko. Tagong tago para hindi ako mahuli na nagtetext.
To Adrian:
Sure. Wait lang ng 10 mins. Malapit na kami idismiss nito :)
Sabik akong lumabas ng classroom at hinanap agad ng mata ko si Adrian. Sa di kalayuang poste, natanaw ko kaagad sya kasama ang kanyang barkada. Nakaumpok sila na tila may seryosong pinaguusapan. Lumapit ako at naging dahilan naman yun ng pananahimik nila. "Oh? Bakit ganyan mga mukha nyo parang pasan nyo problema ng bansa." sabi ko sa kanila. Di kasi ko sanay ng ganito sila magbabarkada.
"W-wala. Ano tara na?" si Adrian na parang pinipilit na magmukhang okay.
Binigyan ko na lang sya ng pagtango kahit na yung pakiramdam ko may hindi okay.
"Alis na kami." paalam ni Adrian sa mga kaibigan, samantalang ako ay binigyan na lang sila ng ngiti.
Nang makarating kami sa restau.
Mabilis nya akong ipinaghila ng upuan. Nginitian ko sya bilang pasasalamat at naupo na rin dun. "Anong meron at naisipan mo manlibre?" biro ko kay Adrian
"Order na muna tayo." siya, sabay senyas sa waiter na nag iikot. Lumapit ang waiter at kinuha ang order naming dalawa. "Isang pasta jambalaya at mediterranean pizza. " sabi nito sa waiter.
"Ikaw Tamara?" baling nya sa akin "Black bean lasagna na lang." tumango naman ang waiter at sinulat na ang inorder namin. "Sa drinks po?" tanong ng waiter
"Iced tea na lang yung drinks namin." si Adrian.
Mabilis na kumilos yung waiter matapos nya makuha ang order namin.
Nang maiserve na sa harap namin ang pagkain, sinimulan na namin iyon galawin. Tahimik kaming kumain na dalawa. Habang papatapos na kami kumain may napansin akong kakaiba kay Adrian. Napatitig sya ng husto sa di kalayuan sa amin, parang may tinatanaw. "Okay ka lang, Adrian?" tanong ko. Di kasi maialis ang paningin nya sa likod ko. Hawak hawak pa nito ang tinidor at nakaawang ng bahagya ang bibig.
BINABASA MO ANG
Please Don't Say You Love Me [FIN]
RomanceEverything is perfect between Gabrielle and Ralph. Not until dumating yung araw na kailangan nilang malayo sa isa't isa para sa mga pangarap nila. A long distance relationship happened but when Gabby needs Ralph, palagi itong wala. Naging invisible...