Kabanata 24 [Confusing Ending Part 2]

178 9 0
                                    

A/N:

Kahit na pawala ng pawalang kwenta ang gawa ko umabot pa ng 2k ang reads. Thank you!!! Madaling madali na ko sa pagtapos nito kasi sobrang gulo na ng nasa isip ko. Sana may naiintindihan kayo sa pinagsasabi ko dito. Alam nyo yung pakiramdam na gusto ko lang talaga matapos to para masabi kong may 'completed' story ako dito sa wattpad? Ganun yung nararamdaman ko. So sorry kung di nyo magustuhan ang ending. Pero ginawa ko pa rin naman ang best ko dito sadyang wala lang kwenta ang nangyari. Hahahahaha

------

<Gabrielle's POV>

Umuwi ako sa bahay ng mag-isa. Nagcommute ako. Di ko lang kayang humarap kay Ralph matapos ang nangyari. Pakiramdam ko, ako na yung pinakamasamang babae. Nakakaguilty dahil hindi manlang ako nakaramdam ng pagkainis o galit mula sa kanya kahit na nagawa kong magkagusto sa iba. Tapos sa ginawa pa nya, pinapili nya ako sa kanilang dalawa. Di ko talaga sya maintindihan.

Yakap yakap ko ang nakatuping tuhod habang nakaupo ako sa kama. Sa tuwing papasok sa isip ko ang nangyari kanina di maiwasan ng mga mata ko ang maluha.

*toktoktoktoktok* 

Sunod sunod na mabilis at malalakas na katok ang narinig ko mula sa pinto. "Gabby si Len to."

"Bukas yan.." sigaw ko.

Marahan nyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang namumugto kong mata. "Ano na namang nangyari?"

Salamat na lang talaga at may kaibigan akong kagaya nya na nagagawa kong pagsabihan ng nararamdaman ko. Umupo sya sa paanang bahagi ng kama ko. "Ikwento mo.." malakas talaga ang kutob ng babaeng to pagdating sa mga ganitong bagay.

"Gusto ni Ralph na ikasal kami bukas.." hayag ko na nagpagulat sa kanya "What? Seryoso? Bakit napaaga, i mean LALONG napaaga." talagang binigyan nya ng diin yung lalo.

Nagkibit balikat ako. "Dahil sa nalaman nya yung tungkol kay Adrian.." sagot ko. "Pinapapili nya ako kung sya o si Adrian." Tinitigan lang ako ni Selenara, nag aantay ng karugtong sa pagkukwento ko. "Kapag si Adrian, hindi ako papayag sa gusto nya at maghihiwalay kami pero kung sya, magpapakasal ako sa kanya..bukas."

"Eh anong sinabi mo? Anong gagawin mo?"-siya

"Di ko alam. Gulong gulo na ako, len. I love Ralph pero di ko kayang pakasalanan sya ng ora-orada." lumapit sa akin si Selenara para himasin ang likod ko. Naiiyak na naman ako. "Ang nakakaguilty pa dun, hindi ako nakaramdam ng galit at sumbat mula sa kanya. Sobra na akong naguguluhan, Len. Ano ba ang dapat kong gawin?"

"Alam mo kung bakit di ka nya magawang kainisan?" pagbibitin ng kaibigan. Nakatungo lang ang mata ko sa kanya. Nag aabang ng dahilan. "Kasi alam nyang kasalanan nya rin kung bakit ka nagkakaganyan."

Pero malaki din ang naging kasalanan ko, nagcheat ako sa kanya kahit na pagbalibaligtarin ko pa ang lahat. Niloko ko sya. Napakabait nya sa akin, nagkulang lang sya tapos ganito na yung ginawa ko.

"Palagay ko sinusubukan ka ni Ralph. So now decide Gabby. Pakakasalan mo sya o hindi." pakiramdam ko huminto sa pagkilos ang nasa paligid ko. Lumakas ang pagkabog ng puso ko sa tanong ni Len at muli kong nararamdaman ang agos ng luha sa mata. "Isipin mong maige, mahal mo pa ba talaga si Ralph bilang boyfriend o mahal mo lang sya dahil nasanay kang sya na ang kasama mo nang matagal na panahon?"

Palalim ng palalim ang hininga ko. Pakiwari ko ay nauubusan na ko ng oras.

*bzztbzzt*

Sinagot ni Selenara ang tawag sa kanya. Mababakas mo ang pagkagulat sa naging reaksyon nya. "What? Bukas?!"

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon