Kabanata 4

413 43 31
                                    

Gabrielle's POV

"Excuse me po, ma'am. Ako po talaga may kasalanan. Nagpumilit po kasi ako kay ma'am gabby na ako na ang magdadala nun sainyo. Sorry po at nagawa ko lang iwan yun doon ng basta. Wag po kayo mag alala, di ko naman po tinignan kung ano yung mga papel na yun."

Nagulat talaga ko sa pagsulpot niya. Hindi ko alam kung tama o mali bang sumali pa sya sa usapan pero kahit papaano nakaramdam ako ng tuwa kasi may tumulong sa akin para mabawasan yung sentensya sa nagawa ko. Oo, krimen lang ang peg. Hehe Isama pa yung dapat na pag ganti ko dito kay Adrian na ako din naman pala ang nalagot. Hayy, tinablan ako ng konsensya dun ah.

"I appreciate your honesty, Adrian. Pinagsasabihan ko lang naman si Ms. Dumapi, para next time di na maulit yung ganito. Inutos ko sa kanya so sana sya ang gumawa. Sana di na mangyari uli to ha." tapos tumingin si ma'am Romulo sakin.

"Yes ma'am. Pangako." Maikling sagot ko.

"Uhm. Ms. Dumapi, what time is your vacant?" tanong ni ma'am

"10mins na lang po vacant ko na. Bakit po?" Usisa ko

"May ipapagawa sana ako. Isipin mo ito ang punishment ko." Sabi nya tapos nagsmile sya.

Imagine. Ganun sya kabait. Punishment ba talaga?

"Sumama ka na rin Adrian. I think you could help also, since kasali ka din sa may atraso sa akin." Ngumisi pa si ma'am. Hala, anong kalokohan 'to?

Lumakad kami sa quadrangle, ano kaya papagawa samin?? Ang daming naglalaro sa isip ko.

A. Pagwawalisin ng buong campus.

Ipapalit kami kay Mang Roberto, yung janitor ng school for 1 day

B. Papatakabuhin ng 50 round sa quadrangle

Baka balak akong gawing athlete ni ma'am? Wala naman sa tipo ko yun -_________-

C. Manlilibre lang talaga si ma'am ng tanghalian

Saktong alas dose ngayon eh, bakit ba?

Or

D. Pagbubunutin nya kami ng uban nya.

Wala lang talaga akong maisip.

Pero mali ako, nagdiretso kami sa gazebo. May mini garden doon at puno ito ng mga halaman

"Gusto ko tulungan nyo akong magtanim na dalawa. Di ko kasi maaasikaso 'to dahil nga ang dami kong ginagawa. Ngayon alam nyo na mahilig talaga ako sa halaman, gusto kong nakakakita ng bulaklak. Sana tulungan nyo akong pagandahin lalo ang garden na 'to."

Tango lang ako ng tango kay ma'am. Tulong lang pala sa pag alaga ng garden ang gusto nya, walang kaso to.

"Okay lang ba? Di ko naman kayo inoobliga dito ang gusto ko lang is yung tulong para mapaganda pa lalo to. You can visit here pag vacant para magdilig or whatever na pag aalaga. Ms. Dumapi and Adrian, makakaasa ba ako?" Tanong nya

Napalingon ako kay Adrian.

"Wala pong problema." Pag sang ayon ni Adrian tapos ngumiti sya

"Great. Simulan na natin, ituturo ko sa inyo kung san nakalagay yung mga gamit sa gardening." masaya nyang sabi tapos nagtungo sya dun sa may kubo. Sumunod naman kaming dalawa

Tinuruan nya kami ng mga gagawin namin doon. Simple lan' naman, yung pag aayos ng lupa, pag lagay ng fertilizer, pagdidilig ng tama at kung anu ano pa.

"Teka, may meeting pa pala ako. Osya, maiwan ko na kayo pupunta lang ako sa principal's office. Ilock nyo na lang yung gate pag tapos na kayo, ito ang duplicate key itabi nyo." sabi ni ma'am Romulo tapos ibinato nya kay Adrian yung susi, at nasalo naman ito ng binata

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon