Kabanata 8

341 25 13
                                    

Patawarin nyo ko kung maraming .       mali sa pinagtatype ko. Oo alam ko, english teacher ang bida pero di gaano maenglish si gabrielle, baka duraan nyo eh. Mahirap na. Ewan ko ba bat english pa? Sana pala nag PE na lang ako para madali mwahaha loljk. Pero seryoso, nagsise talaga ako. Hahahahahaha Yung tungkol naman sa mga lumilipad na scene na nakakalito, ibang eksena na yun ha. May nagsabi kc sa akin na medyo magulo kasi nga may panibago na naman daw kwento, ibang scene na yun o kaya ibang araw. May mga ganun kasi akong nababasa na story so tingin ko ayos lang naman yung ganun ;) Sana may naintindihan kayo sa pinagsasasabi ko, ayun lang :)))))))

Wag din pala kalimutan ivote ang story. mwah :-*

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gabrielle's POV

Nagmulat ako ng mag alarm ang celfone ko. Kinapa ko yun sa sidetable ko at kinuha ang phone para patayin iyon. Mula sa nanlalabo kong mata may napuna akong text. Kinusot kusot ko muna ang mata para makasiguro akong di nga ko nagkakamali. Si Ralph.

Ralph :)

Sorry babe, i almost 4got ur birthday sa sobrang bc. I know medyo late na pero birthday mo pa rin naman. Happy birthday!! :-* Dami q ng utang sau, nxt tym tlga makakabwi aq sau pangako. Sana na enjoy m araw mo. Tlog kna yta, cge gudnyt. i luv u :) take care

I really can't understand kung bakit imbis na matuwa mas lalo lang akong nalungkot. Nag aantay ako nito kahapon pa pero bakit parang nung nabasa ko na, hiniling ko na sana di na lang talaga nya ko piniling itxt. Parang mas lalo lang ako nasaktan. Gusto ko syang replyan pero di ko na inabala. Pakiramdam ko wala rin namang saysay. 11:45 ko nareceive yung txt, inaasahan kong magtetext sya kahapon ng madaling araw hindi yung ganito na ilang minuto na lang matatapos na yung birthday ko. Halong tampo, inis, at lungkot ang nararamdaman ko.

Bumangon na lang ako at inihagis ang celfone sa kama para sana kumilos na kaso naalala kong wala nga pa lang pasok ngayon. Wala naman akong gagawin ngayong araw. Nakakatamad. Tingin ko kailangan kong maging abala.

Muli kong dinampot ang celfone sa kama at nagdial ng number.

"Hello, Selenara?? Naistorbo ba kita sa pagtulog?" bati ko ng sagutin nya ako ng ungol. Yeah, kakagising lang nga nya.

-------

"So you mean, balak mo na wag muna sya itxt or ichat sa fb para malaman natin kung magkukusa syang makaalala sayo?" tanong ni Selenara sa akin habang tulak tulak nya ang cart. Nasa grocery kami, balak sana namin magfoodtrip para naman may magawa sana.

Tumango ako at tuloy tuloy pa din sa paglagay ng kung anu ano sa cart. Naisip ko, baka naman sa gagawin ko na to mapansin nya na di na ko natutuwa sa ginagawa nya.

Gusto ko na bumalik kami sa dati, hindi yung ganito na para lang akong palipasan kung kelan walang wala na sya magawa at kung kelan nya lang maisipan.

"Gabby, ikaw may kasalanan ka pa pala sa akin."

Natauhan ako sa pag iisip ng magsalitang muli si Selenara

"Hoy babae may kasalanan ka pa sa akin! May utang ka din pala." sabi nya

Nagtaka naman ako sa sinabi nito. Dagukan ko ito eh, anong utang ba ang tinutukoy nito?

"Ha? Kasalanan? Utang? Yung kahapon ba na pinangbili natin ng damit ang tinutukoy mo? Eh di ba after nun nagwithdraw na ko at nakapagbayad na sayo. Suntukin kita eh, dadayain mo pa ako." sabi ko

"Hindi yon. Bruha ka. Yung pag iwan nyo sa amin sa rockfest ang tinutukoy ko. Ang gagaling nyong umeskapo ni Adrian ha makapagdate lang. San kayo pumunta?" at nagsimula ng lumawak ang ngiti nya na nangungutna. Siniko pa ako ng babaita. Hayy, nandito na naman kami

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon