Kabanata 14

253 13 7
                                    

Updated na ang cover ng 'Please don't say you love me' yey! Ngayon lang ako nakontento sa mga naging cover nito bwahahaha

Thank you so much sa aking dongsaeng, sya ang nag edit nyan.  Ayun lang :)))))))

Enjoy reading!

-------------

<Gabrielle's POV>

First day ng semestral break. Syempre pagkaganito boring, pero ang masaya dito hayahay week kasi walang homeworks, project, quizzes at kahit anong paperworks.

Tambay lang ako ng bahay, nakakayamot. Si Ralph hindi pwede ayain, busy na naman sa pinaaasikaso sa kanya ng dad nya.

Gusto ko man hilingin sa kanya na ako muna ang unahin kaso di ko magawa. Alam kong mahalaga ang pinaaasikaso sa kanya ng dad nya. Di ko naman malabas sa kanya yung nararamdaman ko kasi pakiramdam ko magmumukha akong possessive, at ayoko naman ng ganun. Kaya eto ako, nagtitiis sa kung ano ang kaya nyang ibigay sa aking panahon.

I received a message from Selenara. Niyaya nya akong pumunta kanila Marco. Sakto wala akong magawa at syempre gusto ko din makita si lolo steve at si Adrian..

Lagot ka sa akin Adrian. Di ka na nagpaparamdam sa akin mula ng magkaroon ka ng bagong kaibigan ha.

Madali akong nagbihis at umalis ng bahay. Nakipagkita ako kay Selenara sa may sakayan para sabay na kaming magpunta dun. Sa di kalayuan, natagpuan ng mata ko si Selenara na nakatayo. Nilapitan ko.

Papalapit pa lang ako, sinuri na ako from head to toe. Tapos nagsmirk ang bruhildang nasa harap ko.

"Bakit ganyan ka makatingin at makangiti ka parang may di ka na naman naiisip na maganda? Hah?"

"Girl, anong meron bakit nagbihis at nag ayos ka ngayon ng ganyan?"

Halatang takang taka sya sa ayos ko. Bakit? Masama na bang mag skater skirt at simpleng blouse lang naman ang suot ko. Problema nito?

"Nagpapaganda ka ba? Nagmumura din yang lipstick mo sa pula. Hoy harot, nandyan na ang boyfriend mo dumistansya ka na sa isa baka matuluyan ka. Ikaw din, problema yan."

I gave her a 'what are you talking about' look. Nababaliw na sya iniisip nya bang nagpapaganda ko kay Adrian?

"Kapal Len! Ayos ka naman makaakusa. Eh natripan ko lang naman magmake up ng ganito, tsaka pwede ba tigil mo na yang kakaisip mo ng ganyan di ka na nakakatuwa."

"Sus. Siguraduhin mo lang. Kase kung gusto mo na yung isa, kailangan mo nang iwan---"

"Len naman!!!!!" pagsapaw ko sa kanya. Nakakarindi na sya. Eh siya lang naman tong nag iisip nun. "Tara na kila Marco." Aya ko, sumunod naman na sya. Natakot ko yata 3:D

Pagkarating namin dun naabutan ko ang barkada na nage-xbox.

"Guys!!!!!" sigaw ni Selenara sa kanila. Kahit kelan ganyan yang si len. Sya ang pinaka energetic sa aming magbabarkada.

"Uy nandyan na pala kayo Len, Gabby." si Charie

"Haynaku, muntik pa kaming matraffic papunta dito. May banggaan kasi." pagkukwento ni len

"Talaga? O baka gusto nyo maglaro." pag aaya naman ni Marco

Ako naman nangiti lang tapos umupo sa sofa. Hinanap agad ng mata ko si lolo steve at syempre pati si Adrian..

"Si Adrian ba?" nagulat ako sa pagsalita ni Marco sa tabi ko.

"Si lolo steve. Nasan sya?" pagtatama ko. Totoo namang sya ang higit kong pakay sa pagpunta dito

Please Don't Say You Love Me [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon